Chapter 20

1.7K 53 8
                                    

May mga panahon na pag sobrang saya, ang bilis ng ikot ng oras. Yung tipong gusto mo hawakan ang mga kamay nito para mapigilan sa pag-andar. Oh well, wala na tayong magagawa. Ang tapos ay tapos na.

Biglang may pumalakpak sa harap ng mukha ko kaya bigla akong napabalik sa kasalukuyan. Tinignan ko ng masama si Yoshan na nang-aasar na nakangiti sa akin.

"Ano na namang problema mo?" Medyo irita kong sabi.

Napatawa naman siya sa asta ko at napailing. "Wala lang, lagi kasi ang layo ng tingin mo eh."

Napairap ako sa sinabi niya at tumingin na lang sa kawalan para di na lang siya pansinin uli.

Ilang linggo na ang nakakalipas matapos ang bisita namin sa U.K. Nung una akala ko hindi kami makakaalis doon without seeing king and queen again. Fortunately, may pupuntahan silang ibang bansa para sa important meeting kaya naka-alis kami ng payapa.

"Kape oh" Sabi ni Yoshan sabay abot sa akin ng kape. Automatic akong napangiti ng maamoy ko ang bango nito. Alam na alam talaga ni Yoshan na favorite ko ito.

Maingat kong kinuha yun sa kamay niya at inamoy uli ito. Hindi ko maiwasang mapangiti uli habang nakapikit. Tinignan ko siya at napansing nakatitig sa akin.

"Salamat"

Bigla siya napapikit ng maraming beses at awkward na tumawa. Hindi ko magets kung bakit niya ginawa yun pero ang importante ngayon, may kape na ako.

Umupo sa katabi kong bench si Yoshan at sumimsim din ng sarili niyang kape. Parang automatic na humilig ako sa balikat niya habang hawak pa rin ang mug na nagpapa-init sa kamay ko.

"Ang bilis ng panahon no?" Hindi makapaniwala ang tono ng boses ni Yoshan.

Tumango naman ako. "Tama, parang kahapon lang, magka-away tayo pero ngayon, may anak na tayo."

Napabuntong hininga siya ng malalim. "Alam mo, sa tuwing naiisip ko ang mga nangyari sa nakaraan, sobra akong nagsisi sa lahat ng ginawa ko. Kung siguro pinanindigan kita, masaya siguro tayong pamilya."

"Pero kung nangyari yun, hindi ka magiging masaya Yoshan." Sabi ko habang nakatulala sa kawalan. "Kung nangyari man yun, sigurado akong kakatok ka sa pinto ko at sasabihing, aalagaan mo ang bata pero hindi mo aakuhin ang responsibilidad pag dating sa akin. Hindi mo ako kayang mahalin ng mga araw na yon Yoshan, yan yung totoo."

Hinilig ni Yoshan ang ulo niya sa ulo ko ay napabuntong hininga. "Nasaktan ba kita?"

Sa tanong niyang yun, ang sarap niyang batukan. Bakit pa ba ako nag-iinarte ngayon kung pwede ko siyang sunggaban ng yakap at sabihing mahal na mahal ko siya.

Napakadaling isipin kasi pag iniisip mo, wala kang masasaktan, walang pipigil sayo pero sa oras na napagdesisiyonan mo ng sumubok, tsaka ka dadagain.

Napatawa na lang ako napailing. "Yoshan, maski bulag alam ang sagot diyan. Siyempre, sinong hindi masasaktan kung iwan ka ng mahal mo? Rather, hindi ka piliin di ba? Pero past na yun. Hayaan na natin, tapos na eh."

"I like you Shaileen."

Hindi ko maiwasang mapapikit ng marinig ko yun. Napakatagal na mula ng marinig ko yan sa kanya. Kahit sinabi niya yun nung nasa U.K kami, parang sobrang tagal na nun.

"Sige lang" natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi ka makapaniwala no?" Natatawa niya ring tanong.

"Ang tagal na kasi mula nung sinabi mo yan eh. One decade, imagine?"

"Sinabi ko rin naman yan nung nasa U.K ah?"

"Hindi kasi ako makapaniwala nun kaya hindi counted."

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon