Prologue

24 2 0
                                    


"Siguradong ikaw na ang class valedictorian ng ating batch Eunice. "saad ng aking kaklase with her genuine smile.Sinuklian ko ito nang ngiti at nagpasalamat.

Nandito kami ngayon sa may bleachers  habang hinihintay ang anunsyo ng aming guro.

Simula noong nasa elementarya pa lamang ako ay ako na ang laging nangunguna sa aming paaralan,gayun din nang tumuntong ako ng sekondarya, at ngayong nasa huling taon na ako ng senior highschool ay lihim akong nagdadasal na mapunta sa akin ang pinakamataas na karangalan.

Parang tambol ang aking dibdib sa sobrang kaba ngunit hindi ko ito pinapahalata sa lahat.

"Our class salutatorian is Mara Aguilar" saad ng aming guro.

Nang marinig ko ang anunsyo ng aming guro ay nakahinga ako ng maluwag, si Mara ang aking kalaban sa klase and hearing that she was the second honor really made my heart at ease.

"And last but definitely not the least is our class valedictorian.." our adviser continued

"Nakakainis naman, walang kathrill-thrill ang pag-aanunsyo ni mam." saad ni Angelique na aking best friend habang hawak nito ang kanyang cellphone.

Napahagikgik ako sa turan nito dahil gaya ng iba ay ganoon din pala ang sasabihin nito.

"And she is... Eunice de la Merced" anunsyo ng aming guro.

Niyakap ko si Mara and kept on saying our congratulations. Bukod sa pagiging kakompetensya sa eskwelahan ay kaibigan ko din siya. We were always the class
representative of our school in the academic competition kaya sa mga panahon na magkasama kami ay nadevelop nadin ang salitang friendship.

Marami pang nag congratulate sa akin, nandiyan ang aking mga guro simula pa noong grade 7 hanggang ngayon. My friends also saying their congratulations and totally deserve ko daw ang pagiging class valedictorian.

"Congratulations Ms. de la Merced. " saad ng aming principal ng mapadaan ito sa aming pwesto. I thank him with my genuine smile.

No less than any minute ay dumating sila Mama kasama ang kapatid ko. Mom was crying while Dad on the other hand walked with his proud smile. Dali-dali akong niyakap and told me how proud they were sa mga achievements ko.

"Congratulations anak. "mom said still crying. Nag-iyakan kami ni Mama hanggang matapos ang usapan ni Papa sa isang kliyente.

"Mana ka talaga kay Mama ate." saad ni Paulo, ang nakababata kong kapatid.

"Parehong iyakin. "dugtong ni Papa.

Pareho naming inirapan ni Mama si Papa at si Paulo.

Kung ano ang namana ko kay Mama ay iyon ang pagiging emosyonal, malayong malayo sa pag-uugali ni Dad na very reserve. Well, like mother like daughter nga talaga siguro.

Si Mama ay isang elementary teacher at si Dad naman ay isang landscape architect kaya kapag tatanungin ako kung kanino nagmana sa katalinuhan ay magbibilang pa ng ilang minuto bago sagutin na pareho sa kanila.

Paulo was on his tenth grade at konting panahon na rin lang bago tumuntong sa kolehiyo.

"Eunice may kaunting kasiyahan sa bahay mamaya at invited lahat ng classmate natin kaya sana ay makarating ka. "ani Czedrick na siyang ikatlo sa aming batch.

Three days from now ay graduation na at bukas ay simula na ng aming practice. Isama pa na kailangan ko pang maghanap ng isusuot para sa espesyal na araw at gumawa ng valedictory speech.

This week will be tiresome to all of us kaya hindi ko malaman kung bakit may panahon pa sila na magsaya ganung halos wala nang oras para sa pagsasaya. Pwede naman kasi na after the graduation nalang gawin ang mga ganoong bagay.

Perfectly Imperfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon