"Susunduin ka ba niya? " tanong sa akin ni Simon at saka naupo sa aking kama.
"Oo. Mamayang six ay dadaanan niya ako dito. " sagot ko habang sinusuklay ko ang buhok ko sa harap ng vanity mirror.
Tumango siya bilang pag-intindi. "Ganyan ang isusuot mo sa date niyo nung Czedrick? "
"Hindi iyon date, inimbitahan niya lang akong maghapunan. "
"Kahit anong sabihin mo ay date pa rin ang tawag dun. Kayong dalawa lang ang magkasama at iisipin ng lahat na boyfriend mo siya. " saad ni Simon sa mukhang naiinis. Pagkatapos noon ay nagtungo siya sa aking closet at wari'y naghahanap ng mga damit.
Ipinaikot ko ang mga mata ko. "Isipin na nila kung ako ang gusto nilang isipin. "
Pagkatapos kong suklayin ang aking buhok ay tumayo na ako para ayusin ang kaunting gusot sa aking damit. Ngumiti ako at tinignan ko ang suot ko. Isa iyong maikling yellow baby-doll dress na pinaresan ng heels.
Nang makabalik ito ay hinawakan niya ang kamay ko at inakay niya ako sa banyo. May dala itong burgundy color na T-shirt at skinny jeans. "Iyan ang isuot mo. Mas komportable kung ganyan ang ayos mo. "
"Ano? Bakit? "
"Dahil iisipin nung Czedrick na pinaghandaan mo ng sobra ang lakad niyo. " ani Simon at huminto sa hamba ng aking kwarto.
"Gusto ko lang mag mukhang presentable. "
"Hindi ganyan ang iisipin ng mga lalaki. "Bumaba ang tingin ni Simon sa hita ko, pagkatapos ay sa mukha ko. "Iisipin niyang may pagtingin ka sa kanya, kaya pakiusap, magpalit ka. " aniya sa nauutal na tono. Tuluyan na itong lumabas ng aking kwarto at bumaba patungo sa sala.
"Simon! " sigaw ko. Naiinis kong hinubad ang aking dress at isinuot ang T-shirt at ang jeans, pagkatapos ay ang heels na pinalitan ng Nike shoes. Muli kong sinuklay ang aking buhok at ipinusod ito into high ponytail.
"Okay na ba ito? " nakasimangot na saad ko kay Simon.
"Mas maganda ka kung hindi nag-aayos. " sabi ni Simon at ngumisi.
Sakto naman nang tumunog ang doorbell mula sa labas. Sinilip ko ang munting butas sa pinto at maagap na binuksan ito ng makitang nakatayo patalikod si Czedrick sa may labas.
Nakangiting humarap siya sa akin.
"Wow," aniya "ang ganda mo Eunice. "
Ngumiti ako sa kanya at nagpasalamat.
"Idiretso mo siya ng uwi dito pagkatapos niyong maghapunan." ani Simon na ngayon ay nasa aking likuran na.
"Hindi mo na kailangan pang sabihin sa akin iyan. " saad naman ni Czedrick sa kausap. Dali-dali kong hinila si Czedrick paalis sa bahay, para na rin maiwasan ang diskusyon sa pagitan ng dalawa. Hindi ko man tanungin ay alam kong may hidwaan sa pagitan nila.
"8:30 Eunice, kapag lumagpas ka sa ganyang oras ay ako na mismo ang susundo sa iyo!"pahabol na sigaw ni Simon. Ipinagwalang-bahala ko nalang ang sinabi niya at dumiretso sa BMW na nakaparada sa may blind-alley.
Nagtungo kami sa isang kilalang restaurant at naupo sa may bandang dulo nito. Ibinigay ng waiter ang menu at nang bumalik na ito ng kusina ay saka bumuga ng hangin si Czedrick.
"May problema ba? "tanong ko.
"Naiilang ako sa pagiging malapit niyo ni Simon. Hindi ako komportable na sa tuwing magtatagpo ang landas namin ay para akong tinutusok ng isanglibong kutsilyo dahil lang sa klase ng titig nito. "
"Sa umpisa lang yun. He's my friend and normal lang naman siguro sa isang kaibigan na suriin ang taong nakakasama niya. "
Umiling si Czedrick na para bang napaka-clueless ko. "Mabuti pa, kumain muna tayo. "
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...