Marami nang mga freshmen ang naghihintay sa kani-kanilang upuan nang dumating kami. Gaya nga ng sinabi ni Simon ay inihatid niya ako hanggang sa eskwelahan.
Wala akong kakilala sa mga naroon, maliban nalang sa isa kong kaklase noong highschool pero hanggang ngayon ay hindi ko pa rin siya nakikita. Tinext ko siya at pagkatapos ay naupo sa may likuran malayo-layo sa stage.
Mahirap magkarinigan dahil maingay sa open ground at medyo maalinsangan dahil na rin sa papalapit na Mayo.
"Eunice! " sigaw ni Maris. Sinalubong ko ang yakap nito at naupo siya sa tabi ko. Binagayan ng maputi niyang balat at kulay-tsokolateng mga mata ang suot niyang black skirt. "Kamusta ka na, hindi ka na namin nakita buhat nung graduation. "
"Naging busy lang. " sagot ko. Maalala ko pa lang ang nakaraan naming outing ay hindi ko na maiwasang malungkot.
"Sayang lang at hindi ka nakasama. Sobrang kulit lang nang mga boys." natatawang saad ni Maris. Pareho kaming tumatawa dahil sa mga kwento niya tungkol sa outing.
"Ugh... Mamimiss ko ang pagiging nerd ni Czedrick, " ungol ni Maris nang mapag-usapan ang nalalapit na pag-alis ni Czedrick.
"Hindi na siya nerd. "pagtatama ko sa sinabi ni Maris. Tinawanan lang namin ang mga ganoong komento at kung anu-ano pang mga kwento.
"Tama ka diyan, Eunice. "
Natigil ang malakas naming tawanan ganun din ang ingay ng iba pang naroon nang magsalita ang emcee ng convocation. Gaya ng iba ay natuon rin ang atensyon ko sa lalaking nagsasalita.
Katulad ng pangkaraniwang pulong ay inuna muna ang dasal, pag-awit ng pambansang awit at iba pang seremonya. Nang matapos ang mga iyon ay ipinakilala ng emcee ang unang speaker para sa event na ito.
Naging tahimik ang lahat nang nagsimula ang emcee, pero bumalik ang ingay nang umakyat sa hagdan ang isang lalaki.
Kagaya ko ay hindi rin maiwasan ang paghanga ng ibang tao sa lalaking nasa entablado. Matangkad siya at matipuno ang pangangatawan, sapat lang para ikumpara sa mga modelo ng pantalon. Bumagay ang kayumanggi nitong balat at itim na buhok sa suot nitong navy blue suit jacket. Tumaas ang tingin ko sa kanya at nahagilap nito ang bilugan niyang mga mata, matangos na ilong at maninipis na mga labi. Mas bumagay rin sa kanya ang mga papatubo nitong balbas at bigote. I am sure most of the girls here will beg just to know his name and his other information.
Nilibot niya ang kanyang paningin. Inipit ko sa likod ng tainga ko ang buhok kong tinangay ng hangin, at nahiya ako bigla sa hitsura ko. Kahit nakasuot ako ng pale pink corporate dress ay nagmumukha akong mahirap kumpara sa kanya. His upright position describes wealth and authority.
But something on him think me otherwise, na para bang nakita ko na siya dati in a very different persona and an unlike scenario.
"Sino siya? "tanong sa akin ni Maris. Mukhang kinikilig pa siya nang muling tumingin sa lalaki.
Nakakunot akong sumagot sa kanya. "Hindi ko rin kilala. " Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung saan ko nakita ang lalaking nasa entablado.
Lumipas ang mga oras nang ganoon pa rin ang iniisip ko. Nasa cafeteria kami ngayon at kasalukuyang nanananghalian. Maaga rin natapos at hindi nasunod ang schedule ng event kaya mas matagal kaming bakante.
"Nakatitig talaga siya sayo. " bulong ni Maris habang dumudukwang para silipin ang lamesa kung nasaan si Inigo.
"Sinabi nang hindi siya rito nakatingin. " saad ko.
"Pahiram ng cellphone. " Kinuha niya ang aking cellphone at kinalikot ito.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya sa aking cellphone kaya dinukwang ko ang pagitan namin para silipin ang pinagkakaabalahan nito.
"OMG Eunice! " saad niya sa mas malakas nitong tinig. "Hindi ka maniniwala sa natuklasan ko. "
Inilahad niya ang cellphone at ipinakita sa akin ang screen nito.
INIGO M. VERGARA
"Anak siya ni Governor Vergara. Kaya pala pamilyar ang itsura niya dahil siya iyong kasama ng Don noong graduation natin. "
Kumunot ang aking noo. Inalala ang mga naganap noong graduation, at ang pakikipagkwentuhan ni Don Vergara sa amin nila Mama, pero naalala ko rin na hindi na nga pala nito kasama ang anak ng magtungo si Governor sa amin.
Mas lalong kumunot ang aking noo. Nakilala na ni Maris si Inigo Vergara noong graduation namin, pero noon ay hindi ko na ito naabutan. At ang ipinagtataka ko ay saan ko siya nakita, sigurado akong nakita ko na ito dati pa, pero ang hindi malinaw ay kung saan at kailan.
Hinampas ako sa balikat ni Maris. "Sa iyo nga talaga siya nakatingin Eunice. " Matapos non ay kumaway siya sa lamesa kung nasaan si Inigo.
Saglit na nagdalawang-isip ako. At nang makaipon ako ng lakas ng loob na tumingin sa kanya ay napatunayan ko ngang nakatitig siya sa akin at nakangiti. Nginitian ko siya pabalik at pagkatapos ay itinuloy ang pagta-type sa na-miss kong notes sa aking laptop.
"Sabihin mong hindi na siya nakatingin. " pabulong kong saad kay Maris.
Umiling-iling si Maris at humagikgik.
Pagkatapos ng pananghalian ay hinarang ako ni Inigo sa pinto ng cafeteria. Nagulat ako sa ginawa niya kaya nawalan ako ng balanse, mabuti na lang at nasalo niya ako.
"Hanggang ngayon ay nagtataka ka pa rin kung saan mo ako unang nakita? " tanong niya sabay pakita ng mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.I was still in shocked kaya kailangan ko munang huminga ng malalim bago kumilos. Pinagtaasan ko ito ng kilay at pagkatapos ay nilagpasan siya. But the curiosity was evident on my face.
Naglakad ako ng diretso patungo sa open ground at muling pumirma sa log book. Nasa likod ko si Maris at kasama niya si Inigo.
"Mukhang ayaw sa akin ng kaibigan mo. " ani Inigo nang tumigil sila sa harap din ng tolda. Tumingin si Maris sa akin at pinagtaasan ako ng dalawang mata.
Sumimangot ako. Una akong tumingin kay Maris bago ay kay Inigo. "Ganyan lang talaga yang si Eunice, dala na rin siguro ng period. ", natatawang saad ni Maris.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya at pinamulahanan ng mukha. Malakas na tawa naman ang pinakawalan ni Inigo na mas lalong nakapagpahiya sa akin.
"Ganun ba, naiintindihan ko. " tumingin siya sa akin at pagkatapos ay kinindatan niya ako gamit ang mapupungay nitong mata.
Any minute or two ay tsaka niya lang napagdesisyunan na umalis mula sa kanyang pwesto. Pumirma rin ito sa logbook at pagkatapos ay nilagpasan ang mga babaeng naghihintay sa kanya sa entrance. Nakatayo ako paharap sa kanya at hinihintay ang paglaho niya, pero bago pa siya mawala sa aking paningin ay narinig ko pa ang sinabi nito. "Nga pala, ako nga pala yung lalaking nakasabay mo sa jeep."
Sa pagkakataong ito ay bigla nalang mas naging halata ang paglaki ng aking mata, inilibot ko ang aking paningin para puntahan siya pero laki nalang ng panghihinayang ko nang mapansing kausap na niya ang iba pang mga estudyante.
Napapadyak nalang ako sa inis at pagkatapos ay dumiretso na rin sa aming upuan.
Ikaw pala yun ha, humanda ka sa akin sa susunod nating pagkikita.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Genç KurguSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...