Chapter 2

7 2 0
                                    

"Hindi na virgin ang mga mata mo Eunice" ani Angelique nang may halong tawa. Inikot ko ang mga mata dahil sa turan nito.

"Hindi ko naman sinasadya na makita yung ano niya. " sagot ko at hinigop ang malamig na juice na binigay sa akin ng maid nila Angelique.

"Anong itsura? " muling tanong nito sa naaaliw na tono.

"Kadiri ka Angelique. "

Matapos kong makita ang hindi dapat makita ay dali -dali akong lumabas ng kwarto ni Simon, palabas ng bahay, at palabas nang subdivision, ni hindi  nga ako nakapagpaalam kay mama na aalis ako. Tsaka ko lamang siya tinawag nang makasakay na ako sa tricycle at nagpahatid sa bahay nila Angelique.

"I-describe mo kasi yung ano niya. Malaki? Mahaba?" muling tanong nito.

Pinamulahanan ako ng mukha ng maalala ang mga nangyari.

"Aalis na nga ako. " sagot ko at tumayo patungo sa pinto.

"Sige na, sige na, hindi ko na tatanungin. " muling tawa ni Angelique.

We spend the next few hours talking about someone and something. Nakatulong naman ito para kahit papaano ay makalimutan ko ang mga nangyari. Nagpasalamat rin ako kay Angelique dahil hindi na nito inungkat pa ang tungkol sa amin ni Simon.

"Hindi ka ba talaga pupunta sa outing? " ani Angelique nang ihatid ako nito sa may gate ng kanilang bahay.

"Hindi talaga ako pwede. " malungkot na tugon ko. Gusto ko sanang sumama sa outing ng aming klase ngunit dahil nakapangako na ako na tuwing weekends ang aming tutoring ay hindi ako pwedeng umabsent.

"Ganun ba. " ani Angelique in her most pleading tone. "Pero itext mo pa rin si Janine para sabihing hindi ka makakapunta. "

Isang oras ang nakalipas nang makauwi ako sa aming bahay. Naabutan ko si Papa at Mama na nanonood ng balita at panay pa ang komento ni Mama tungkol sa mga krimen na nangyayari sa kalsada.

Naupo ako sa pang-isahang silya at sumabay sa panonood ng TV Patrol.

"Kaya ikaw Eunice ha, lagi kang mag-ingat sa labas, hindi natin alam kung sino ang mga taong pwedeng pagkatiwalaan sa mga panahon ngayon. " ani Mama while still looking at the television.

"Matalino ang anak natin Bethina, sigurado naman akong hindi basta basta maloloko yan" ani Papa.

Kasalukuyang pinapanood namin ang balita tungkol sa rape victim nang bumaba si Paulo mula sa kanyang kwarto. Dumiretso ito sa kusina at nang bumalik ay may dala na itong isang basong tubig.

"Naku Leandro, walang tali-talino kapag buhay na ang pinag-uusapan. Lalo pa at dalaga yang anak natin. " ani Mama

"Isa pa ay mapusok ang mga kabataan ngayon. Baka kapag nakakita yang anak natin ng lalaking hubad ay lantakan na agad yan niyan. " ani Mama sa pabirong tono.

Sa mga sinabi ni Mama ay muli kong naalala ang mga nangyari kanina. Muli akong pinamulahanan ng mukha at dali-daling kinuha at nilagok ang isang basong tubig ni Paulo.

"Ayy, Mama naman. " inis na sagot ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at pinadyak ang kaliwang paa.

"Akyat na nga ako. " inis na sabi ko at nagtatakbo paakyat ng aking kwarto.

Hindi ko na hinintay pang magkomento sila Mama. I went upstairs and locked myself sa loob ng aking kwarto.

KINABUKASAN ay maaga akong nagtungo sa bahay nila tita Grace. Gustuhin ko mang takasan ang mga nangyari ay imposibleng mangyari ito.

"Pasensiya na po talaga tita Grace. " saad ko sa huli.

"Ayos lang yun hija, nasabi nanaman sa akin ni Simon ang nangyari." ani nito.

Perfectly Imperfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon