"Bakit ngayon ka lang? " tanong sa akin ni Simon. Prente itong nakaupo sa aming upuan at naniningkit ang kanyang mga mata.
Kumunot ang aking noo. "Anong ginagawa mo rito? " Binalewala ko ang tanong nito at naupo sa pang-isahang silya namin.
"You did not answer my question. Now tell me why you take you so long. "
Nagmatigas ako. "I don't need to answer your question. What I want to hear is bakit nandito ka? And worst is, sa mismong loob pa talaga ng aming bahay. "
Ipinakita niya ang aming spare key. "Your dad gave it to me. Nakiusap ang Mama mo na bantayan kita. "
Tumawa ako ng nakakaloko sa sinabi ni Simon. "Really? Ikaw ang magbabantay sa akin." Nakatitig pa rin ito sa akin at hinihintay ang sunod kong sasabihin. "Eh sino kaya sa atin ang unang umalis, aber? "
Nag-iwas ito ng tingin. "My friend asked you earlier kung gusto mong sumabay, you rejected them kaya iniwan ka na namin. "
Hindi kaagad ako nakasagot sa sinabi nito. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa buong bahay.
"Tinanong ako ng mga kaibigan mo para sumabay, hindi para sumama sa inyo. "
Naiinis na nagsalita si Simon. "Hindi dapat ganoon!"
Nanlaki ang mga mata ko. Ano ang ibig sabihin ni Simon roon? I don't want to conclude pero tama ba ang hinuha ko na ang gusto nitong sabihin ay gusto niya akong isama sa lakad nila.
"Kung gusto mong itanong na kung gusto kitang isama sa lakad namin kanina ay sabihin na nating leave it that way." nahihiyang sabi nito.
Hindi man direktang inamin nito na gusto niya akong isama ay napangiti pa rin ako.
Tumaas ang isang sulok ng mga labi ko. "Dapat ay sinabi mo na agad. "
Naiinis na sumimangot siya. "Hindi ko naman sigurado kung sasama ka nga sa amin. Ano'ng inginingiti mo? "
Sinubukan kong palisin ang pagkaaliw ko, pero hindi ko magawa. "Wala. Sige na umuwi ka na sa inyo. "
Tumayo na ako mula sa aming silya at nagtungo sa hagdanan patungo sa aking kwarto. Tumayo na rin si Simon.
Tumawa si Simon at saka umiling. "Hey, you still don't answer my questions! "sigaw niya habang paakyat ako sa aking kwarto.
"Bukas nalang natin pag-usapan ang mga nangyari, pagod at inaantok na ako. "sagot ko at pagkatapos ay isinarado ko ang aking pinto.
Pagkarating ko sa aking kwarto ay dumiretso ako sa banyo para hugasan ang usok na kumapit sa buhok ko. Isinuot ko ang aking T-shirt at pajama at nagdiretso sa kama.
Saglit na tinitigan ko ang aking cellphone. Tinext ko lang si Czedrick at Angelique para sabihing nandito na ako sa aking kwarto. Matapos nito ay pinatay ko ang lampshade at ilang minuto lang ay nakatulog na ako dahil na rin siguro sa pagod.
NAALIMPUNGATAN ako sa sinag ng araw na tumatagos sa bintana at sa alarm na nag-iingay sa tainga ko. Tinignan ko ang orasan at at gusto ko pa sanang bumalik sa aking kama nang makitang maaga pa kumpara sa nakagawian kong oras ng paggising.
Bumaba ako mula sa ikalawang palapag at nagtungo sa ibaba.
"Morning Eunice. " bati sa akin ni Simon mula sa recliner pagpasok ko sa sala.
"Morning din. " nilagpasan ko ang kausap pero ganoon nalang ang pagkabigla ko nang makitang nasa loob si Simon.
"Sinabi sa akin ni tita Bethina na hindi ka raw marunong magluto, kaya ipinagluto na kita para naman hindi lang oatmeal and almusal mo. "
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...