Chapter 3

6 0 0
                                    

Friday ngayon at muli akong pumunta sa bahay nila Angelique, naabutan ko itong inaayos ang kanyang mga dadalhin para sa outing ng aming klase bukas.

"Sigurado akong pagsisisihan mo ang hindi pagsama sa outing Eunice. " ani Angelique habang ipinagkakasya ang polka-dots nitong two piece sa kanyang maleta.

"I can't just go. "saad ko. "Gustuhin ko man but I still have commitments to do. "

"Pero hindi mo ba pwedeng pakiusapan ang kapitbahay niyo na umabsent ka muna ng dalawang araw para dito? " she asks

Hindi na ako sumagot, asking Simon or not doesn't change anything, because I know what's the right thing to do, at iyon ay ang turuan si Simon.

I remain silent for a few minutes bago muling magsalita.

"Kamusta nga pala ang family reunion niyo? " tanong ko kay Angelique

"Nothing's anew. Kwentuhan dito, kwentuhan dun. " ani Angelique. Tumingin si Angelique sa akin at base sa expression nito ay alam kong ayaw nitong pag-usapan ang mga nangyari.

Magkasama na kami ni Angelique simula pa noong third grade . Their family were originally from Cebu pero lumipat sila ng Cavite para dito manirahan.

"Nagtext si Angelo,kailangan na daw nating tanggalin ang mga gamit natin sa locker. " ani Angelique matapos nitong basahin ang text mula sa kanyang cellphone.

That was how we first met. Mula sa eskwelahan na mayroong humigit kumulang dalawang libong estudyante, ang de la Merced at de Leon were somehow always right next to each other, and it had been that way since middle school.

Angelique was the quiet type, kabaligtaran nang pag-uugali ko na very outspoken and outgoing, kaya tuloy hindi ko rin malaman kung bakit naging kaibigan ko ang tulad niya.

"At sino naman si Angelo?" tanong ko kay Angelique, binalewala ang sinabi nito.

Angelique is too vulnerable para hindi makita ang pamumula nang mga pisngi nito. Hindi ko kilala ang lalaki pero base na rin sa itsura ni Angelique ay nalaman kong isa ito sa mga sikat na lalaki sa aming eskwelahan.

"Siya yung modelo nung school catalogue natin. "ani Angelique.

"Ah yung bobo. " sagot ko.

"Eunice! " protesta ni Angelique

"Eh, diba? "

"Siya yung lumaban sa Mr. and Ms. Intrams last year na humakot ng awards pero natalo dahil hindi marunong sa question and answer. " sagot ko.

Hindi na sumagot si Angelique, sa halip ay tinuloy na lang nito ang pag-eempake sa kaniyang mga gamit. Naaawa ako sa kaibigan. She never had a boyfriend or anyone na manliligaw sa kanya. Hindi ko naman gusto na sabihan nang mga ganoong bagay ang mga lalaking nagpapahiwatig ng pagmamahal, or just say lust kay Angelique, but seeing those kind of boys ay alam kong hindi sila sinsero sa aking kaibigan.

"I'm sorry. " I say. " Alam kong gusto mo siya, but it's just一you should see how those boys play while you were not around. "

"Alam ko yun. " ani Angelique. "Alam ko. "

Pagkatapos noon ay sinarado na ni Angelique ang kanyang maleta at inilagay sa gilid ng kanyang kwarto.

Bumuntong hininga si Angelique at naupo sa tabi ko. "Siguro ay nangungulila lang talaga ako sa pagmamahal ng isang lalaki. "

Niyakap ko si Angelique at nakisimpatya sa kaibigan. Hindi naman hiwalay ang mga magulang ni Angelique, pero both of them were not staying on the same house, kaya literally, they were separated. Her dad is a seaman and once a year lang nakakauwi habang ang Nanay naman ni Angelique ay isang accountant at madalas ay gabihin na rin ito ng uwi. At sa tuwing nangungulila ang aking kaibigan ay ako ang lagi nitong kasama. That's why hindi na nito dinadamdam ang aking mga sinasabi, because what I told her is just too shallow compared to what she's feeling everyday.

Perfectly Imperfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon