Chapter 8

4 1 0
                                    

Nangyari nga ang aking inaasahan. Huwebes noon at katulad noong Miyerkules ay maaga pa lang ay nasa bahay na si Simon. Muli kong itinuro ang Differential Equation at nang mag tanghalian ay ipinagluto ako nito ng Tempura. Kinahapunan nang Huwebes ay lumabas kami para magsaya, treat niya daw ito dahil sa galing ko sa pagtuturo. Nagbowling kami at sobra ang hagikgik ko ng makitang wala itong natamaan na bowling pin. Pagkatapos noon ay nanood kami ng sine at kinagabihan ay kumain kami sa isang Chinese restaurant at nagtuloy sa isang bar. Puno pa rin nang hagikhikan at tawanan nang umuwi kami galing doon.

Dumating ang Biyernes at laking saya ko nang makitang abala si Simon sa pagluluto ng aming umagahan. Nakasuot lamang ito ng blue plain boxer at mapag-aakala mong sa amin ito naninirahan dahil na rin sa pagiging feel-at-home nito.

"Bakit nandito ka? " tanong ko kay Simon habang papalapit sa lamesa.

Nagulat ito at pagkatapos ay humarap sa akin. Pinilit kong hindi maapektuhan sa nakabalandrang katawan nito.

"Hindi kami natuloy sa lakad namin kagabi, kaya mamaya nalang kami aalis." aniya

Tumango ako sa sagot nito. "Sino ang kasama mo? "

"Sila Elijah. "

Kumunot ang noo ko. "Sinong Elijah? "

Inilapag niya ang corn beef at fried rice at naupo adjacent sa akin. "Yung kasama ko noong Martes. "

Tahimik ako habang inaalaala kung sino ang tinutukoy nito. Sino nga ba ang tinutukoy ni Simon.

Kinalaunan ay napalitan ng hagikhik ang aking katahimikan. "Ah, yung dalawang lalaki na sumundo sayo nung Martes. Josiah at Elijah talaga ang kanilang mga pangalan. Sa Bible pa naman nagmula ang kanilang mga pangalan pero ang mga itsura ay kala mo galing sa Bilibid. "

Naningkit ang mga mata ni Simon na sa aking palagay ay hindi nito nagustuhan ang aking sinabi. "Hindi sila tulad ng nasa isip mo Eunice. "

Ininom nito ang tubig na nasa kanyang baso bago muling nagsalita. "Josiah is a volunteered nurse while Elijah sings for the church. "

"Ganoon ba. " napapahiyang sabi ko.

"You should not judge a person by its appearance, minsan nga ay kung sino pa ang mas mukhang mapagkakatiwalaan ay sila pa ang may kayang gumawa ng masama.

Namula ang mga pisngi ko. "I'm sorry. "mahinang tugon ko.

"Hindi ka dapat sa akin humingi ng tawad." tumayo si Simon at inilagay ang kanyang pinagkainan sa lababo.

Naiwan akong mag-isa sa kusina at hindi na natapos pa ang aking almusal.

"Nakakainis. "untag ko nang dumating ang Sabado. Nakaupo ako sa aming recliner habang nakatingin sa may pinto. Buhat nang sinabi ko ang mga masasamang salita patungkol sa dalawang kaibigan ni Simon ay hindi na bumalik pa ang huli. Kinalaunan din ay nagtungo ako sa bahay nila pero hindi ko ito naabutan. Nang dumating ang gabi ay wala akong nakitang anino ni Simon. Marahil ay nagalit ito sa akin mga sinabi.

Bagsak ang balikat ko nang bumaba ako mula sa aking kwarto. Linggo ngayon at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagpaparamdam si Simon. Tinext ko na ito kagabi pero nakatulog nalang ako ay wala pa rin itong reply. Dumiretso ako sa kusina at nagbabakasakali na nandoon siya pero wala.

Nagtuloy ako sa banyo at tumingin sa salamin. "Ano bang ikinalulungkot mo Eunice? " saad ko sa sarili.

Masaya ako noong Miyerkules at Huwebes pero napalitan ito ng kalungkutan nang dumating ang Biyernes hanggang ngayon. Maybe Simon is my happiness and sadness. Pilit kong isinasantabi ang ganoong hinuha pero sa huli ay doon pa rin ako bumabagsak.

Perfectly Imperfect Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon