"Mama, Papa, ayokong maiwan dito. " muli kong sabi nang inilalagay na nila ang kanilang bagahe sa aming sasakyan.
"Gustuhin man namin Eunice ay hindi talaga pwede. "ani Mama sa akin nang harapin ako nito.
"Pero wala naman nagbabawal sa akin na hindi sumama, isa pa ay bakit si Paulo ay kasama samantalang ako ay hindi?"
"Nakalimutan mo ba ate na mayroon kang Simon na dapat turuan. " singit ni Paulo.
Tinaasan ko lang ito ng kilay at humarap kay Mama. Sinalubong naman ako ni Mama nang mayroong matang nagsasaad ng nasagot na ang aking katanungan. Napabuntong hininga na lang ako at sumuko na. Kahit ano namang pagpilit ko ay wala na rin akong magagawa.
Sinundan ko ang pag-alis ng aming sasakyan hanggang sa hindi ko na matanaw ang presensiya nito.
Nagtungo sila Mama sa isang remote island sa may Hilaga para tumulong sa charity event na inorganisa nila Tita Grace. Kaninang madaling araw ay nauna na itong umalis, samantalang sila Mama ay ngayong umaga lang.
Bagsak ang mga balikat ko nang pumasok sa aming bahay. What should I do now? Tanong ko sa aking sarili. Binagsak ko ang aking katawan sa aming itim na leather couch at inabot ang remote ng TV. Palipat-lipat lamang ng estasyon ang aking ginawa kaya pagkalipas ng ilang minuto lamang ay pinatay ko na rin ang telebisyon. Sunod ay tinungo ko ang aming kusina para magluto, ngunit naalala ko na hindi nga pala ako magaling sa gawaing kusina kaya sa isang oras na inilabi ko roon ay isang deform na pritong itlog at malatang kanin lamang ang aking nagawa.
Pinatitigan ko ang aking niluto at ganoon nalang ang lungkot ko nang marealized na paano na ako kapag wala sila Mama sa aking tabi.
Araw-araw ay si Mama ang naka-assign sa aming kusina. Ang paglalaba naman ay lingguhan ang paggawa at kumukuha si Mama ng taong responsable sa gawaing ito. Paghuhugas ng plato at paglilinis ng bahay lamang ang ginagawa naming magkapatid sa bahay na ito. Muli akong napabuntong hininga. "Mama, come back here, hindi niyo ako pwedeng iwan sa ganitong sitwasyon. " natatawang ani ko sa sarili.
Paakyat na sana ako ng aking kwarto ng marinig ang katok mula sa labas ng aming pinto. Naningkit ang aking mga mata sa pagtatanong, sinilip ko ang butas ng pinto na nagmumula sa loob ng bahay at laking ginhawa ko ng makitang si Simon lang naman pala ang bisita.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko rito.
Nakatayo ito sa may tapat ng aming pinto. Nakasuot ito ng puting long sleeve na nakatupi hanggang siko, black designer jeans, at puting Vans shoes. Even dressed casually, he looked like he had just stepped off the cover of a magazine. I always saw him with his T-shirts and shorts, kaya ngayon ay hindi ko magawang hindi mapahanga sa itsura nito. I was like a statue of a girl in a door.
"Pwede ba akong pumasok? " aniya.
"Ikaw, " I hissed in disbelief. It came out harsher than I expected, kaya tuloy nagtunog itong galit. "Ano nga ulit ang ginagawa mo rito?! "
"Gusto lang kitang makausap. " he says, smiling. Pumasok ito sa aming bahay at naupo sa pang-isahang silya, sinundan ko ito ng tingin.
He cleared his throat. "Naalala mo yung pagliligtas ko sayo kagabi? "
Muli kong naalala ang mga nangyari. Nakaramdam ako ng kaunting galit at pagkapahiya of the previous night welling up inside me, mixing and twisting with the shocks of the moment.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...