Tumili si Angelique nang makita ako. "Grabe Eunice, ang sexy mo!"
Nahihiya akong ngumiti rito pati na rin sa iba pa naming kasama.
"Kailangan pa ba talagang magsuot ako ng ganito Angelique? " tanong ko sa kanya.
"Oo naman, baka hindi tayo papasukin kung nakatsinelas lang tayo. " sagot naman ni Mara. Sumang-ayon si Angelique at ngumiti nalang ako.
Bumukas ang pinto at pumasok si Steffi. "Ready na ba kayo? "
Tumingin kami rito at tumango. Sabay-sabay kaming lumabas at nagtungo sa sala kung saan naghihintay ang mga boys.
Naabutan namin sila na maagap na naghihintay. Si Angelique ay lumapit sa kanyang boyfriend na si Tristan. Si Sebastian at Marco naman na pareho naming classmate noong highschool ay nagpapaligsahan sa harap ng salamin. Lumapit naman sa akin si Czedrick at inilahad nito ang kanyang kamay. Pinagmasdan ko ang ayos nito at hindi ko magawang hindi humanga sa bagong ayos nito. Dati ay nakasuot pa ito ng salamin pero ngayon ay mapapansin mo na ang kulay tsokolate nitong mga mata. Ang buhok nito ay nakataas mula sa dating one sided na ayos. Mas pansinin rin ang itsura nito dahil sa kaunting balbas at bigote. And he's wearing a gray V-neck shirt at maroon na pantalon na bumagay sa kayumanggi nitong balat.
"Nararapat lang na ikaw ang kapareha ko sa date party na ito. "bulong ni Czedrick sa akin. Ngumiti ako rito at muli kong pinagmasdan ang aming suot. Kapares ng gray shirt at maroon pants nito ay ang suot kong maroon dress at black heels.
"Ready na ba ang lahat? " tanong sa amin ni Mara. Nagsitunguhan ang lahat at lumabas na kami ng bahay nila Angelique.
Pagkalipas ng mga ilang minuto ay lulan na kami ng kotse ni Czedrick. Ito ang nagmamaneho at ako naman ay katabi nito. Si Angelique at ang nobyo naman nito ang nasa likuran. Kasama naman ni Mara ang iba sa kabilang sasakyan.
"Angelique, kinakabahan ako. "ani ko sa kaibigan habang binabagtas namin ang daan patungo sa isang ekslusibong bar.
"Akala mo ba ako ay hindi. "aniya. Tumingin ako sa salamin ng kotse at nakita ko ang paghawak ni Tristan sa kamay ni Angelique.
"Huwag kang mag-alala. Nandito naman kami kaya siguradong ligtas ka. " ani Czedrick sa akin. Nakangiti ito habang nakatingin pa rin sa kalsada.
Pagliko ni Czedrick ng sasakyan sa parking lot ay medyo nahirapan pa itong makahanap ng mapaparadahan.
"Wala ka pa bang nahahanap na mapaparadahan, pare? " tanong ni Tristan.
"Kailangan kong makahanap ng malapit na mapaparadahan para kung sakaling may mangyaring hindi maganda ay madali na tayong makakaalis. "ani Czedrick.
Nang makaparada na kami ay dali-daling lumabas si Czedrick at pinagbuksan ako nito ng punta. Pinasalamatan ko ito at sabay-sabay na kaming nagtungo sa bar.
Nakita namin ang paparadang sasakyan nila Mara kaya hinintay na rin namin silang makababa at para sabay-sabay nang pumasok roon.
"May mga dalang ID naman siguro kayo no? "tanong sa amin ni Sebastian. Kanina pa ito nagpapaalala sa amin na huwag kalimutan ang aming identification card kaya malabong may makalimot pa nito.
"Saan mo ba ipinagawa ang ID mo Angelique? " tanong ko rito.
"Sshh, huwag kang maingay Eunice, baka marinig ka ng guard at mahalatang peke ang ID ko. "
Hindi tulad namin na totoo ang mga ID na dala namin, Angelique was still seventeen kaya kinakabahan kaming baka hindi papasukin siya.
Ipinakita ko sa security card ang aking ID at nang masiguradong nasa legal age na ako ay pinapasok ako nito. Sumunod na rin ang iba, at nang si Angelique na ang tinignan ay sobra na lang ang aming kaba.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...