"Hindi ba talaga ako pwedeng sumama? " muling tanong sa akin ni Simon.
"Sinabi ko nang convocation iyon para sa mga accounting student. " sagot ko habang inaayos ang mga gamit sa aking bag.
Lumunday ang kama kaya sigurado akong naupo ito doon.
"Eh di magpapanggap akong accounting student. "
Inikot ko ang aking mga mata. Nakatalikod ako sa kanya kaya hindi ko alam ang kanyang ginagawa.
"Sigurado akong mahuhuli ka nila. "
"Hindi ako magpapahuli. " muling saad niya nang parang hindi nababahala.
Makulit si Simon. Kung anong gustuhin niya ay iyon dapat ang masusunod. Tita Grace probably pampered him alot, pero sa akin ay hindi ito pwede, kaya sa huli ay ako pa rin ang nasunod.
"Kung ganoon ay ako nalang ang maghahatid sayo, hindi rin ako nakapagluto ng almusal kaya sabay nalang tayong kumain. "
Sinunod ko ang gusto nito. Maghapon ako sa venue at tatlumpung minuto lamang ang break na inilaan kaya kung hindi ako mag-aalmusal ay siguradong gugutumin ako.
Tumayo si Simon at naglakad papunta sa pinto. "Mauna na ako sa baba, dadaan lang ako sa bahay para kuhanin ang aking sasakyan. "
Tumango ako. Muli kong pinagmasdan ang suot ko bago ako bumaba.
Nakatalikod ako sa kalsada ng marinig ko ang tunog ng sasakyan niya. Isinarado ko ng mabuti ang gate at nang harapin ko si Simon ay napahinto at natulala ako nang makitang nakasakay siya sa isang itim na motorsiklo.
"Simon, " nakatayo lang ako sa may pedestrian lane at nagdadalawang isip kung sasakay ba ako o hindi.
Nagtatanong ang mga mata nito nang tumingin siya sa akin. "Tara na. "
"Hindi ko kayang sumakay diyan. " saad ko at saka naglakad paalis.
Sumabay ang motorsiklo niya sa paglalakad ko. "Huwag kang mag-alala Eunice, babagalan ko lang ang takbo. "
Hindi ko pinansin ang sinasabi niya at nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Hindi ko naman hahayaan na mayroong mangyaring masama sayo. "
Tumigil ako sa paglalakad at humarap sa kanya. "Hindi mo ba nakikita?, nakaheels ako Simon. "
Tinitigan niya ako na para bang ibang linggwahe ang ginamit ko. "Nakatsinelas lang ako. Sakay na. "
Isinuot niya ang helmet at kinuha naman ang isa pa mula sa lalagyanan nito at ibinigay sa akin. Sa huli ay wala akong nagawa at sumakay sa likod nito at nangapa sa likuran na pupwedeng kapitan, pero dumulas ang kamay ko mula sa leather na hinahawakan hanggang sa taillight.
Hinila niya ang aking kamay at iniyakap sa kanyang tiyan. Pinamulahanan ako ng mukha ng makapa ko ang matigas na parte ng tiyan nito. "Wala kang ibang pwedeng kapitan Eunice, ako lang. " aniya. Gamit ang paa niya ay inatras nito ang motorsiklo at makalipas lang ang ilang minuto ay binabagtas na namin ang daan palabas ng subdivision.
Ginawa nga nito ang kanyang pinangako, mabagal lang ang patakbo nito. Pero, laki nalang ng gulat ko nang bigla niyang pinaharurot ang kanyang motorsiklo nang makalabas na kami sa subdivision. Muntikan pa akong mahulog kundi lamang hinigit ni Simon ang aking pupulsuhan. "Sabi nang kumapit ka ng mabuti eh. "
Isinubsob ko ang mukha ko sa likod niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakakapit ko rito.
Hindi niya sinunod ang mga traffic signs at mas binilisan pa nito nang makalapit na kami sa driveway ng isang restaurant. Agad akong bumaba nang ihinto nito ang motorsiklo.
"Jesus, Simon, " saad ko sa kanya nang makababa ako sa kanyang motorsiklo.
"Ano? " painosenteng saad niya. Itinukod niya ang kickstand ng motorsiklo at saka bumaba.
"Anong ano? Muntikan mo na akong mapatay! " sabi ko. Isinuklay ko ang aking buhok upang kalasin ang pagkabuhol-buhol ng mga hibla niyon gamit ang mga daliri ko.
Ngumisi si Simon. "Naisip ko kasi na baka mahuli ka sa inyong convocation kapag binagalan ko ang pagmamaneho. "
Ipinaikot ko ang aking mga mata. "Hindi ako mahuhuli kung bibilisan natin ang pagkain! "
Pinanood ni Simon ang pagsigaw ko sa kanya, pagkatapos ay naglakad na siya palapit sa pinto at pinatili ang pagkakabukas niya niyon. "You know, let's just forget that for a while ,mabuti pa ay kumain muna tayo. "
Hindi ko pinansin ang komento nito. Nauna akong naglakad at nakasunod naman siya sa akin. Amoy dishwashing liquid at chlorine ang paligid ng pumasok kami ni Simon, marahil dahil kabubukas pa lamang nito kaya ganoon. Pinili ko ang lamesa na nasa sulok, malayo sa mga mesang pampamilya at mga estudyante. Nilibot ko ang aking paningin at pinanood ang sa aking palagay ay mga estudyanteng nagsa-summer class habang nagkokopyahan ng kanilang assignment. Nag-iwas ako ng tingin ng mapansin ako ng isang estudyante.
"Babalik nalang ako kapag nakapili na kayo. " sabi ng waiter matapos ibigay ang menu. Ngumiti pa ito sa akin bago bumalik sa kusina.
Sumimangot si Simon sa akin. Ipinatong niya ang kanyang mga siko sa mesa at tumitig sa aking mga mata. "Ganyan ka ba talaga magpacute sa mga lalaking may gusto sayo? "
Nabigla ako sa sinabi niya. Ilang minuto rin akong hindi nakapagsalita dahil sa sinabi niya. "Hindi ako nagpapacute kahit kanino. "
Mas lalong sumimangot ang kanyang mukha. "Hindi mo ba napansin ang waiter na kumuha ng order natin, halatang pinopormahan ka non. "
Namilog ang mata ko at natawa dahil sa itsura nito. "Wala akong pakialam kung gaano pa karaming lalaki ang umaligid sa akin, hindi ko rin naman sila papatulan. "
"Pero sila ay pwede kang patulan!"
Nangalumbaba ako sa mesa. "Hindi nila magagawa yun, palapit palang sila ay patutumbahin ko na sila. "
Nagningning ang mga mata niya. "Ibig sabihin ay espesyal pala ako, hindi na ako dumaan sa kamay mong bakal para lang makalapit sayo ng ganito. "
Sinubukan kong ngumiti, pero hindi ko nagawa. "Gusto mo bang subukan?"
Nagtaas siya ng dalawang kamay. " Sa iba mo nalang subukan. "
Natatawang umiling ako. "Ikaw, anong kwento mo? " tanong ko. " Hindi kayo tagarito, nasaan ang daddy mo? " Nang banggitin ko ang tungkol sa daddy niya ay bigla itong nag-iwas ng tingin.
"Hindi ko alam kung nasaan siya. "
Nagsimula akong mabahala sa pag-iwas nito ng tingin. Kinuha ko ang tubig sa aking tabi at inubos ang laman nito.
Iniba ko ang usapan para narin mawala ang pangamba ko sa aking dibdib. "Ilan na ang naging girlfriend mo? "
Nagtaas siya ng kilay. Matapos non ay tumingin siya sa aking mga mata. "Wala pa. Ikaw? "
Biglang kumabog ang dibdib ko nang humarap siya sa akin. At ang titig nito ay mas nakapagpadagdag pa sa kaba na aking nararamdaman.
His gaze was full of anticipation. Na para bang ang lahat ng kanyang katanungan ay kailangan may kasagutan.
"Wala pa rin. "sagot ko.
Ngumisi siya sa akin. Mas lalo ring datepina ang dimples nito nang dumukwang siya palapit sa akin.
"And why is that? "
Pinigilan kong mautal sa aking sasabihin. Nang mahimasmasan ay tsaka ako nagsalita. "Mahirap ipaliwanag. "sabi ko.
Ngumiti siya at pagkatapos ay binuklat ang menu sa kanyang kaliwa. " I know how you feel. " sabi niya.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...