PAKIRAMDAM ko ay kapipikit ko palang ng tumunog ang alarm clock sa aking tabi. Pinatay ko ito at dahan-dahang iminulat at sinanay ang mga mata sa liwanag na nagmumula sa labas ng aking kwarto. Tinignan ko ang oras mula sa alarm clock at bumangon ng mapagtantong anumang oras ay kakatukin na ako nila mama para mag-almusal.
Nagtungo ako sa sariling banyo at binuksan ang shower sa tamang init. Pinagmasdan ko ang sarili sa salamin habang hinihintay na uminit ito.
Kaya mo yan Eunice. paalala sa sarili.
I shook my head. I want to tell myself na wala dapat akong ikatakot, pero sa kaloob-looban ko ay kinakabahan at natatakot ako.
Paglabas ng banyo ay binuksan ko ang aking aparador at sinuri ang mga nakasampay na damit. I pulled a simple gray shirt and skinny jeans.
Pagbaba ko sa hagdanan ay naabutan ko si Mama na nagluluto ng pang umagahan. Si Papa naman ay umiinom ng kape at nakatuon sa isang work report sa kanyang laptop.
"Morning honey. " saad ni Mama sabay halik sa aking pisngi.
Paulo probably still sleeping dahil wala pa ito sa kanyang upuan.
Naupo na ako sa aking silya adjacent to Papa.
"Diba ngayon ang simula nang pagtututor mo sa anak ng tita Grace mo? " tanong sa akin ni Mama.
Tumango ako bilang sagot at kumuha nang bagong lutong bacon.
"Pero po ay pupunta muna akong school para kuhanin ang aking report card." sagot ko
"Kung ganoon ay isabay mo na rin ang kay Paulo. " ani papa and put his laptop screen down.
"No need pa. " Paulo interrupted. Napatingin kami sa gawi ni Paulo at base na rin sa ayos nito ay sigurado akong may lakad ito. "Pupunta rin po akong school ngayon, isa pa ay may practice ang basketball team kaya dapat ay nandoon ako. " ani Paulo
Umupo na rin ito sa katabi kong silya. Maraming katanungan sila Papa sa amin ni Paulo, and everything we do is to answer their questions.
"Alis na ako pa." ani Paulo matapos maubos ang pagkain sa kanyang plato.
"Ako din pa. "saad ko nang mapagtantong sigurado akong ako ang tatanungin nila papa kapag umalis na si Paulo.
Dali-dali kong kinuha ang shoulder bag na nasa sofa at nagtatakbo palabas ng bahay.
"Alis na po kami. "saad ko at hindi na hinintay pa ang komento nila papa.
"Umiiwas sa mga tanong ate huh? " ani Paulo habang naghihintay kami ng tricycle sa may kalsada ng aming subdivision.
"I can't just deal answering personal questions. " sagot ko.
Tumango nalang si Paulo bilang pag sang-ayon. Tulad ko ay hindi rin ito komportable sa mga tanong galing kila papa.
May isang sakay ang tricycle na aming nasakyan, katabi ko ang babaeng pasahero na nasa loob at si Paulo naman ay nasa likod ng driver. Napag-alaman ko na estudyante rin pala nang aming eskwelahan ang babaeng kasama base na rin sa suot nitong ID. Hindi rin mawala sa paningin ko ang simpleng sulyap ng babae sa kapatid ko.
"Bakla yang kapatid ko. " saad ko sa katabi. Tila nabigla naman ang katabi ko sa aking sinabi at iniwas ang tingin. Sa loob-loob ko naman ay simple akong natawa sa reaksyon ng babae.
"Ano bang sinabi mo dun sa babae ate? "tanong ng kapatid ko ng makarating kami sa aming eskwelahan.
"Wala! " I said defensively.
Nauna pa kasing bumaba ang katabi ko kaysa sa akin ganung ako ang nasa bukana. Pansin ko rin ang maluha-luha nitong reaksyon.
"Ang sama talaga ng ugali mo ate. " ani Paulo habang umiiling. Nauna na itong naglakad at iniwanan ako nang napatigil ako sa turan nito.
BINABASA MO ANG
Perfectly Imperfect
Teen FictionSimon Ong was the best on everything. He grew up in the spotlight, people around his league are expecting him to be the successor of his father. Everyone gets their hopes up, including him. Until the morning everything changes, he became no one, hi...