Simula
Narito ako sa kwarto ko, naglilinis kasi ako ng kwarto hinuli ko na ang kwarto ko para habang kumakain sina Tiyo at Tiya sa ibaba ay matatapos ko na ito para kapagtapos na sila ay tapos na rin ako. Siya nga pala, ako nga pala si Sapphire Granger. Mas kilala ako sa tawag na Fire. Hindi ko alam kung bakit ito ang ibinigay na palayaw sa akin ni Tiya, pero ang sabi niya. Bagay daw sa akin ang palayaw na 'yon. Sapagkat, kakaiba ako.
Hindi naman sa special child o may kapansanan ako. Iba kasi ang kulay ko kaysa sakanila. Maputla ako, tapos maputi. Pula ang mahaba kong buhok na hanggang bewang. Gano'n din ang mga mata ko. Bukod naman sa pula ang buhok ko, para siyang kumikinangkapag tinititigan mo siya. Madulas ito at walang himulmol kapag hinahawakan. Ang sabi ni Tiya, ito ang pinaka paborito niya sa buong parte ng katawan ko.
Kung nais niyo namang hanapin ang mga magulang ko, ang sagot ko. Hindi ko alam, ang sabi ni Tiya, iniwan lamang daw ako sa harap ng pintuan nila. Halatang kapapanganak ko pa lamang daw noong iniwan ako doon. Nalaman naman nilang Sapphire Granger ang pangalan ko dahil ito ang nakaukit sa lamping ginamit na pansaklob sa akin.
Kung tatanungin niyo kung galit ako sa magulang ko kasi pinili nila akong iwan dito kaysa makasama sila? Ang sagot ko ay hindi.
Hindi ako nagagalit, kasi alam kong may sapat silang dahilan kung bakit nila ako iniwan dito. At naniniwala akong balang araw, ay masasagot na rin iyon.
"Fire! Bumaba kana rito." Rinig kong sigaw ni Tiya mula sa baba kaya dali dali akong bumaba at hinarap siya.
"Bakit po, Tiya?" Tanong ko.
"Aalis na muna ako sandali, may kukunin lang ako kay Bebang doon sa palengke. Kumain ka na riyan, at baka malipasan ka ng gutom. Babalik agad ako, andyan naman si Kuya. Kung may kailangan ka, sakaniya mo na muna ipagbigay alam. Mauna na ako, ha?" Hinalikan niya ako sa noo at tuluyan na siyang umalis. Ni hindi manlang ako nakapag paalam.
Pumunta ako sa kusina at kumain, hinugasan ko na muna ang pinagkainan bago ako nagbalak na umakyat muli sa itaas. Gabi na rin kasi, ano naman kaya ang kukuhanin ni Tiya kay Aling Bebang? Paniguradong iyong utang ni Aling Bebang noong isang linggo iyon. Hayaan na nga.
Nadatnan ko namang nainom ng kape si Tiyo habang nanonood ng telebisyon. Hindi naman niya ako binigyan ng pansin kaya nagtuloy-tuloy nalang ako sa pag akyat ng kwarto. Inayos ko lahat ng maaaring ayusin dito, naroon na rin 'yung mga damit at kalat sa kwarto ko na naipon dahil sa pagiging abala ko sa eskwelahan.
"Sapphire?" Naibagsak ko 'yung isang libro na hawak ko dahil sa gulat, hindi man ako humarap alam kong si Tiyo iyon.
"Bakit po, Tiyo?" Tanong ko habang inaayos ang mga libro. Sandali siyang nanahimik ngunit ramdam ko pa rin ang presensya niya sa likod ko. Hindi man ako lumingon, alam kong nasa likod ko parin siya.
Kinilabutan naman ako nang maramdaman kong hinawakan niya ang balikat ko pababa sa braso ko. Hinawi ko agad 'yon at lumingon sakaniya. Bakas sa mga mata niya ang pagkasabik at tila ba nauuhaw siya kahit kakainom niya lang ng kape kanina. Nandiri naman agad ako at agad rin akong lumayo.
"Tiyo? Ano pong nais ninyo?" May halong pasigaw ang tono ko, nakita ko naman siyang ngumisi at tila parang naeenganyo ko pa siya.
"Ilang taon ka na, iha? Pasensya ka na at madalas akong wala sa bahay kaya hindi kita napapagbigyan ng pansin." Napangiwi naman ako sa tono ng pananalita niya.
"17 po, turning 18." sagot ko. Ngumisi naman siya at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.
"Dalagang dalaga kana, iha." Hinawakan niya ko sa magkabilang braso. Hinigpitan niya iyon para siguro hindi ako makagalaw ng maayos at hindi ako makapiglas. Itinulak niya ako sa kama kaya naman napahiga ako sumakit ang likod ko dahil sa lakas ng pagkakatulak niya. Pero nagpupumiglas pa rin ako.
"Tiyo! Parang awa niyo na po, itigil niyo na ito. Hindi po tama 'to." Naiiyak na sambit ko ngunit parang wala siyang naririnig. Hinalikan niya ako sa leeg pero nagiiwas ako kaya lumilihis ang halik niya. Sumigaw ako ng malakas para sana may makarinig sa akin. Pero parang nagsayang lang ako ng pagod kasi walang dumating. Tinulak ko siya ng malakas agad naman siyang napalayo sa'kin. Nanlaki yung mata ko at tiningnan ang mga kamay ko. Paano ko nagawa 'yon?
"Sapphire, pagbigyan mo na ako. Kabayaran mo na rin ito sa pagtanggap ko sa'yo rito sa papamahay namin ng kapatid ko." Umiling ako habang umiiyak. Bakit ba ang hina ko pagdating sa mga ganito? Ngumisi naman siya at itinulak ako sa kama at hinawakan ang magkabilang kamay ko para hindi ako makapalag. Kusa nalamang tumulo ang mga luha ko, ni hindi ko magawang humikbi o humagulgol dahil para bang wala akong ekspresyon sa nangyayari.
Nagbalik realidad nalang ako ng may mga humila kay Tiyo paalis sa harapan ko. Agad naman akong itinayo ni Tiya at niyakap.
"Pasensya na, Sapphire anak. Hindi ko alam na mangyayari ito." Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at tumakbo ako palayo. Nagpunta ako sa gubat at umupo sa damo roon at doon ako umiyak ng umiyak. Hindi ko na napansin yung dinaanan ko pero gusto ko lang gumaang yung loob ko. Umabot ng ilang minuto ang pagiyak ko, napatigil nalang ako ng biglang may bumagsak sa ulo ko.
"Isang liham?" Binuksan ko kung ano ang nakasukat rito, marahil hindi ito para sa akin. Ngunit may nagtutulak sa aking buksan ko ito. Napakaganda naman nito, gintong sulat. Marahil ay isa sa pinayamayaman ang gumawa nito. Pero teka? Anong Sky High?
Magandang Araw, ikaw ay aming iniimbitahan sa aming lugar. Marahil ay ikaw ay karapat dapat na makarating sa lugar kung saan mo mahahanap ang iyong sarili. Nalilito kaba? Pakiramdam mo ba, kakaiba ka? Marahil ay tama ka, kaya tayo na't magpunta sa Sky High!
Kung nais mong makapasok ng Sky High, dalawa ang itong pagpipilian. Isa, ang sumakay sa tren. Pangalawa, ay ang sabihin ang magic word na *chuchueklavu* Maraming Salamat!
Ano? Hibang na ba 'ko? Siguro siraulo lang ang may gawa nito. Binulsa ko yung sulat kasi sayang naman kung itatapon ko nalang basta basta. Tumayo ako at nagpagpag ng damit. Paano ako makakabalik ngayon? Nasa pusod ako ng gubat. Napakagat labi ako at naglakad nalang. Napatigil ako ng may liwanag ang kumain sa mata ko, dahil sa sobrang pagkasilaw. Napa-upo pa ako kasi na out of balance ako sa sobrang kaba. Pagdilat ko at may sumalubong na Flying Train sa harapan ko. Napa nganga ako at pumikit pa ng ilang ulit dahil baka namamalikmata lang ako o nananaginip. O kaya naman baka hibang na talaga ako.
Biglang may sumulpot na mid-50's na lalaki sa harap ko. Mabuti nalang at napigilan kong tumili. Tiningnan niya ko ng mabuti at para bang ineexamine niya 'ko. Ngumiti naman siya at kumaway sa akin.
"Magandang gabi binibini, ako nga pala si Manong Himeryo. At ikaw si?" Pagpapakilala niya at inabot ang kamay niya upang makipagkamay.
"Sapphire Granger po." Sagot ko at ngumiti, inabot ko rin ang kamay niya upang makipagkamay.
"Tara na, Sapphire? Maupo ka at ihahatid kita sa Sky High." ngiting saad niya. Ngumiti rin ako ngunit agad na napawi yon nang marealize ko kung ano ang sinabi niya..
"S—Sky High?" Tangina, please tell me hindi ako hibang.
BINABASA MO ANG
Sky High: School Of Magic
FantasySky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017