Kabanata 24

2.8K 78 0
                                    

Kabanata 24

Nagising ako sa alarm ng cellphone ko, pagtingin ko sa orasan napatayo ako dahil nakalimutan kong ngayong araw pala ang pagpasok namin sa Britton, kaya't kahit alas syete pa ang time namin at alas singko y media palang ngayon ay agad na akong kumilos. Hindi ko rin kasi alam kung hanggang anong oras ako aabutin ng paliligo dahil sa bagal kong kumilos. Naligo na muna ako at nagbihis ng uniform namin. Bago mag alas sais y media ay natapos ako kaya naman napag pasiyahan kong bumaba upang mag umagahan. Naka uniporme lang ako at knee socks na kulay itim na kapares ng wedge na sapatos. Bitbit ko rin ang bag na gagamitin ko sa eskwelahan pati na rin ang wallet at cellphone ko. Nagawa ko na ring magsuklay at mag ayos ng mukha dahil pale ang mukha ko kapag normal na tao ako. Naglagay rin ako ng kaunting lip tint sa labi at pisngi ko, nanatili namang nakalugay ang buhok ko. Umupo ako sa lamesa kasama nina Krystel at Alexandrite.

"Good morning, Lori. How's your sleep?" Bati ni Krystel sa akin, kaming tatlo pa lamang ang nandito, siguro ay hindi pa tapos ang iba sa kaniyang mga gawain.

"Ayos lang naman, kayo ba? Maayos ba ang tulog niyo?" tanong ko. Sinagot nila ako ng malawak na ngiti at tango. Ngumisi ako sakanila pagkatapos. Nauna na kaming kumain dahil kung hihintayin pa namin sila ay matataranta kami sa pagkain. Mabuti nalang at sandwich lang ang kinain ko dahil mabigat sa tyan kung magkakanin pa 'ko. Umupo ako sa sofa pagkatapos, pinagmasdan ko ang bawat kilos nila. Hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa kakulitan nilang lahat. Para kaming normal na taong namumuhay sa mundo ng mga mortal. Para kaming mga walang sapat na kapangyarihan para lumaban sa mga creature na nasa Sky. Kung titingnan, ang simple lang naming mamuhay ng magkakasama.

Nagsitayuan agad sila dahil binilisan nila ang pagkain ng umagahan dahil ayaw nilang malate sa klase. Sino nga bang gugustuhing malate sa klase lalo na't kung first day ninyo doon bilang transferees? Muntik ko nang mabitawan ang cellphone ko ng biglang magvibrate ito hudyat na may tumatawag sa akin. Pinauna ko na sila sa sasakyan at nagpahuli upang sagutin ang tawag ni Miss Liza.

"Hello?" bungad ko.

"Sapphire, ayos na ang mga papeles ninyo. Paki sabi sa mga kasamahan mo, na sinend ko na sakanila ang bawat section na mapupuntahan ninyo. Magiingat kayo, 12-A ka nga pala. Bye." binaba ko na ang tawag ni Miss Liza at tumungo sa loob ng sasakyan. Lahat sila ay nakatingin sa kani-kanilang mga cellphone kaya't hindi na ako nag effort pang sabihin sakanila ang tungkol sa mga section nila.

Si Brix ang nagprisintang magmaneho papuntang Britton dahil siya ang nakakalam ng daan, umalis kasi siya ng walang pasabi kaya't nadayo niya ang lugar dito sa syudad. Hindi na 'ko magtataka kung sakaling mawala ang isang 'to. Kahit nobyo ko siya babatukan ko talaga siya kapag nangyari iyon. Sandali lang ang binyahe namin papunta rito, kung magjejeep ka ay aabutin ka ng sampung minuto bago makarating rito dahil patigil tigil pa ang jeep. Sobrang lapit lang pala nito, sana nilakad nalang namin. Nagparegister muna kami sa guard bago kaming papasukin. Mukhang mahigpit rito ah. Hindi na ko magtataka kung bakit may kamahalan ang tuition fee rito.

Pagkapasok namin ay naagaw agad namin ang mga atensyon ng mga estudyante rito. Bulung-bulungan ang narinig namin, pero kahit hindi naman sila magbulungan naiintindihan parin namin sila. Bago nga naman kami sa mga paningin nila kaya wala silang ideya kung sino kami. At kung paano kami napadpad rito sa lugar nila. May mga nanlilitis ang mga mata sa amin lalo na sa akin. Tiningnan ko lang sila ng walang emosyon kaya wala silang nagawa kundi ang umiwas ng tingin. My powers must be hot but I'm cold as an Ice.

Napatigil kami ng harangin kami ng ilang estudyante rito sa Britton. Ngumisi sakin ang babaeng may kulay ang buhok na dark green habang may nginunguyang chewing gum. Napataas ang kilay ko dahil sa pagpigil nila sa aming paglalakad.

"Kayo siguro ang mga bagong salta rito sa Britton." wika nung babaeng kulay itim ang nguso.

"I think the proper word is transferees, gumamit ka naman ng maayos na word. Wag kang masyadong maghalatang cheap ka." sagot ko at ngumisi. Mas lumakas ang bulungan ng mga tao sa paligid namin. Niluwa ni Green hair yung chewing gum niya at tumingin sa akin.

"Woah, hindi ko ineexpect na matapang pala ang isa sainyo." wika nito habang nakatingin sa akin.

"Hindi ko rin ineexpect na makakaencounter pala kami ng Alien breed dito sa Britton, ang buong akala ko normal na tao ang nandirito, mukhang nagkakamali ako." sagot ni Kathy kaya napalingon ako sakaniya, pumunta siya sa tabi ko at pinamaywangan yung babaeng may green na buhok. Tiningnan niya rin ito mula ulo hanggang paa.

"Nagkakamali kayo ng pinasok." saad nung lalaking nakatayo yung buhok.

"Nagkakamali rin kayo ng kinalaban." wika ni Gian. Hindi na sila nagtagal pa sa titigan ng mata at umiwas na rin yung lalaking nakatayo ng buhok. May sinabi siya sa mga kasamahan niya at bigla nalang silang umalis sa harapan namin. Nagkatinginan kaming magkakaibigan at nagsimula na ulit na maglakad sa kaniya-kaniya naming klase. Naghiwa-hiwalay na kami at nauna ako sakanila dahil 12-A ang section ko. Pumasok ako do'n at pumwesto sa pinakadulo dahil ayokong mapansin ako ng mga kaklase ko, at wala akong pakialam sa existence nila. Pag pumasok ka sa loob ng silid aralan namin ay mararamdaman mo ang lamig ng simoy ng hangin sa loob ng silid dahil na rin siguro sa air conditioned ito at kulob ang buong kwarto. Binuksan ko ang pocket book na baon ko na binili ko kahapon sa National Bookstore pero hindi ko binasa 'yon. Sa halip ay tinitigan ko ang mga kaklase ko isa isa. Kung titingnan, mukha naman silang normal, na walang gagawing kakaiba. May kaniya-kaniya silang mga ginagawa at mga kagustuhan dahil may nga sari-sarili silang mundo. Ang iba ay nagkwe-kwentuhan, ang iba naman nagsa-soundtrip. Yung iba nagme-make up, nag-gigitara naman sa gilid ang grupo ng kalalakihan. At marami pa silang kaniya-kaniyang ginagawa.

Gusto kong takpan ng unan yung tenga ko dahil sari-sari ang naririnig ko, disadvantage siguro sa isang normal na tao ang mabiyayaan ng kapangyarihan na katulad ng sa amin, ang hirap lalo na't halo halo ang mga naririnig mo. May mga bagay na hindi mo dapat naririnig pero naririnig mo, merong sobrang sakit sa tenga dahil sa ingay. Kaya't ang hirap. Umirap ako sa kawalan at ibinalik ang atensyon ko sa libro ko. Nasara ko ito ng biglaan dahil dumating na ang aming guro. Nagsitayuan sila upang batiin ang aming guro pero ako, hindi ako tumayo. Pinagmasdan ko lang sila hanggang sa makaupo na sila.

"May bago kayong kaklase, and I assumed na andito siya ngayon. Would you mind to join us here infront?" Lahat sila lumingon sa akin, ang buong akala ko, hindi nila ako napansin kanina. Tumayo ako pero hindi ako lumapit sa harapan.

"I don't like too much attention, kaya kung pwede Miss, dito nalang ako." Ngumisi ang guro namin at tumango. Sinenyasan niya akong magpakilala dahil mukhang 'yon rin naman ang iniintay nitong mga kaklase ko.

"I'm S— I mean, Laurelie. Laurelie Camaya." maikling wika ko at umupo na. Tumango si Miss at inialis ang atensyon sa akin. Isinantabi ko lahat ng iniisip ko at nakinig na sa dinidiscuss ni Miss— bahala na nga.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon