Kabanata 12
Ilang araw kaming sinanay sa paggamit ng mga kapangyarihan namin, pero ako hindi ko ginamit yung ibang apoy ko. Pangako ko sa sarili kong akin nalang 'yon, baka magkagulo pa kapag nakita nila at marealize nilang magkapareha kami ng kapangyarihan ng yumaong reyna. Baka pati ako maguluhan.
"Sapphire, can I talk to you for a while?" Napatingin agad ako kay Miss Celestine at tumango. Uminom na muna ako ng tubig dahil katatapos lang ng pageensayo namin at inapproach niya kagad ako. Lumapit ako sakaniya kung nasaan siya naroon.
"Bakit po? May problema po ba?" Tanong ko, umiling lang siya at ngumiti. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako sa mata. Para akong nawala sa sarili at may iilang larawan akong nakita.
Larawan ng isang dalaga, na nakasuot ng korona. Kulay pula ang mata at ang buhok. Parang may pinapakilala siya sa akin..
Para siyang isang scenery, dahil parang may pinapakita siyang pangyayari. Ang hindi ko lang maintindihan, kung bakit niya pinapakita sa akin. Lumipat ang isang scene sa isang dalaga at binatang nagtagpo sa isang gubat ng palihim.. Wait, ano bang nangyayari?
Muling nawala sa paningin ko ang eksenang iyon at lumipat sa isang babaeng nagdadalang tao. Parang nakita ko na ang imaheng iyon, hindi ko lan matandaan kung kailan, at saan. Parang napakapamilyar niya.
"Mahal na reyna, dapat ay nagpapahinga nalang po kayo sa inyong silid. Nalalapit na ang iyong panganganak. Mas mabuti kung ipagpahinga niyo nalang ang sarili ninyo dahil tatlo ang nasa loob ng sinapupunan mo." Napa-nganga ako ng maalala ko kung sino ang babaeng nakikita ko sa isipan ko. Ang reynang yumao. Hindi ko lang maintindihan kung bakit pinapakita ni Miss Celestine sa akin itong ganitong mga sitwasyon.
Kagaya ng nangyari kanina, muling nawala ang eksena. Blangko lamang ito, parang nasa isang madilim na silid ako. Halos mahilo ako ng makakita nanaman ako ng eksenang hindi ko maipaliwanag. Nasa loob ako ng silid ng reyna, may nga kasama siya na tinutulungan siya sa panganganak.
Sa gawing labas naman, naroon ang matandang bulag at ang hari ng Sky ngayon na kapatid ng reyna. Magkausap sila na para bang napakaimportante ng pinaguusapan nila.
"Delikado ang lagay ng mga bata rito, mahal na hari. Alam kong alam mo ang pwedeng mangyari. Dala ng iyong kapatid sa kaniyang sinapupunan ang nakatakdang reyna balang araw. At alam mo ring sa kanilang tatlo ay siya ang nagiisang nakakuha ng kalahating under at kalahating dugong sky. Samantalang ang kaniyang dalawang kapatid ay kumpletong may dugo ng under at sky. Mas delikado ang anak niyang babae. At ito ang nakatakda sa propesiya, walang mababago roon." Napatakip ako ng bibig ko ng marinig ko 'yon, sino ang mga anak ng reyna? Bakit ko ba nakikita 'to? Bakit parang curious rin ako?
Nakarinig ako ng iyak ng bagong panganak na sanggol kaya napalingon ako sa pintuan ng reyna na may awang na kaunti upang makita siguro ng kaniyang kapatid ang kaniyang kalagayan. Naipanganak niya ng maayos ang tatlong bata. Naningkit ang mga mata ko ng makita ko kung anong kulay ng mga buhok ng mga ito. Red brown ang sa isang lalaki, redish black ang sa isang lalaki, at ang babaeng tinutukoy ng matanda ay parang buhok ko. Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko, dahil ang batang nakikita ko ngayon, ay ang batang nasa photo album ko na nasa tiya ko.
Umiling ako at naiiyak sa nakikita ko, hindi ko alam kung anong nais na maging mesahe para sa akin nito, pero laki pasasalamat ko kay Miss Celestine dahil pinakita niya sa akin kung ano talaga ako. Kahit medyo naguguluhan ako, masaya pa rin na may halong lungkot. Dahil hindi ko manlang nakilala ang tunay na ina ko.
Ang yumaong reyna na pinaka iniidolo ko ay ang tunay na ina ko. Hindi ako makapaniwala pero itong pangitain na ito ang sumagot sa mga tanong ko. Naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko pero mas naguluhan ako ng nagdilim muli ang paningin ko at lumipat sa eksenang may digmaan. Laban sa sky at under..
Nakita kong hirap na hirap ang karamihan sa pakikipaglaban sa mga taga under, pero isang tao lang ang umakit sa mga mata ko. Ang reyna na pinipilit makipaglaban sa mga tauhan ng taga under habang hawak ang kaniyang anak na babae. Napatakip ako ng bibig ko dahil nakikita ko, ng dalawang mata ko kung ano ang sinasapit ng ina ko habang pinoprotektahan ako.
Kahit nanghihina ay natalo pa rin ng reyna ang ilang tauhan ng under na humarang sakaniya. Nakita ko ring papalapit siya sa aking ama habang nakagapos sa isang puno. Agad niyang tinanggalan ng gapos ito nagyakapan sila at halata mong mahal na mahal nila ang isa't isa.
"Blitz, parang awa mo na. Ipangako mo sa aking aalagaan mo ang anak natin sa abot ng makakaya mo. Siya ang magiging reyna ng sky balang araw at ang pipigil sa digmaan na nangyayari laban sa under at sky. Siya ang mamumuno ng buong mundo natin. Dahil siya lang ang nagiisang nakakuha ng dugo mo at dugo ko. Na kalahating sky at kalahating under." Naiiyak na saad ni Mama. Pinunasan ko ang luha ko, umiling si Papa sa sinabi ni Mama.
"Anong sinasabi mo, Sapphira? Tayo ang mag aalaga sa anak nating si Sapphire. Papalakihin natin siya ng maayos, sap." Naiiyak ring tugon ni Papa.
"Hindi ko na kaya, Blitz. Marami nang dugo ang nawala sa akin, ramdam ko na ang katapusan ko." Saad ni Mama. Nakita kong may dugo sa bandang hita niya, at umaagos pa rin ito hanggang ngayon. Tangina, ang sakit makita ito.
"Hindi, sap. Kaya mong oagalingin ang sarili mo, iligtas mo ang sarili mo parang awa mo na gusto pa kitang makasama." Nabasag ang boses ni Papa dahil na rin sa pagpipigil niya ng iyak para lang maipakitang malakas siya. Ngumiti si Mama at umiling.
"I already give all my strength to Sapphire, Blitz. Deserve ng anak mo na maging mas malakas para mahandle ang isang napakalaking populasyon ng sky at under." Ngumisi naman si Papa at tumango. Hinalikan niya sa noo si Mama. Kitang kita ko ang pagmamahal nila sa akin, pati na rin ang pagmamahal nila sa isa't isa. May kinuha si Paoa na parang isang spirit sa kwintas na suot niya. Ibinuka niya ang labi ko at pinasok ang spirit na iyon. Nang makita ko yon nakaramdam ako ng enerhiya sa katawan ko pero hindi ko pinansin.
Napalingon ako sa gawi ng isang taga under na sasaksakin si Mama. Humarang ako pero lumagpas lang ang espada at nasaksak pa rin si Mama. Napaluha ako ng marealize kong wala akong magawa. Hindi ko siya nagawang iligtas.
"Sapphira!!" Sigaw ng ama ko at buong lakas na pinatay ang tauhan niya. Naagaw ng ama ko ang pansin ng ibang taga under kaya naman nagsama sama sila para patayin si Papa.
"Blitz, iligtas mo na ang anak natin. Ipangako mo sa aking ililigtas mo siya." Kahit labag sa loob ng ama ko na iwanan ang aking ina, kinuha niya pa rin ako at tumango. Sa huling pagkakataon, hinalikan niya si Mama sa labi bago niya ko itakas.
Nagdilim ang paningin ko at nagbago nanaman ang eksena. Nasa lugar kami ng mga tao, nakita ko na nasa harapan ng bahay ni Tiya si Ama. Kinagat niya ang labi niya, at inilapag ako bago mag doorbell.
"Patawarin mo ako anak sa pagiwan ko sa'yo, pero kailangan kong itigil ang kahibangan na nangyayari sa lugar natin. Babalik ka, Sapphire. Ipinapangako ko sa sarili kong babalik ka sa lugar kung saan ka nararapat. Mahal na mahal kita anak, kagaya ng pagmamahal ng iyong ina sa'yo. Nawa'y ingatan ka nila rito. Paalam." Hinalikan ni Papa sa noo ang isang bata na nakabalot sa lampin. Napaluha ako ng iwanan na niya ako. Naiintindihan ko ama, naiintindihan ko.
Napadilat ako at nakita ko na ng tuluyan ang mukha ni Miss Celestine, ibinaba niya ang kaniyang kamay at kasabay no'n ang pagdilim ng paningin ko.
BINABASA MO ANG
Sky High: School Of Magic
FantasySky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017