Kabanata 35

2.2K 59 0
                                    

Kabanata 35

"May ano?!" tanong ni Krystel na para bang naguguluhan sa nangyayari. Hindi pa kami sigurado sa narinig namin kaya pinawalang bahala nalang namin 'yon at nagsimulang magikot ng sama-sama sa likod ng building ng grade 12. Hanggang ngayon ay sina Krystel at Lucian pa rin ang magkasama sa lukod habang kami ang nauuna ni Justin maglakad sakanila. Sa palagay ko e kinulong ni Krystel ang sarili nila sa isang bula dahil hindi ko marinig ang pinaguusapan nila, hindi naman siguro gano'n ka importante 'yon. Bakit kailangan pang nasa loob ng bula?

Mukha namang hindi maipinta ang mukha ni Justin kanina pa parang pinagsakluban ng langit ang lupa ang mukha ng isang 'to. At kanina ko pa rin siya inaasar asar dahil halatng halata na nagseselos siya. Ayaw niya pa kasing umamin, tapos ngayon naiinis siya kasi masayang kausap ang ibang tao. Kung hindi ko lang kapatid 'to, malamang natusta ko na 'to sa sobrang torpe. Wala namang mawawala kung aamin siya, depende nalang kung hindi siya gusto ni Krystel, pero imposible. Boyfriend material ang isang 'to, para siyang si Brix..

"Alam mo ba na ang pag-iwang bukas ng isipan ay isang hindi magandang desisyon?" wika ni Justin. Napatakip ako ng bibig dahil hindi ko alam na naiwan ko palang bukas ang aking isipan, kaya naman agad kong sinara ang isip ko para hindi na niya mabasa pa kung ano ang nasa isipan ko.

"You really treat me as your brother, right?" wika niya ulit. Hindi ako nakapagsalita ng ilang segundo pero agad rin naman akong ngumiti at tumango. Hindi pa niya alam ang totoong pagkatao ko, mas ayos nang kapatid-kapatiran na muna ang turing namin sa isa't isa.

"Thank you, Sa- i mean, Laurelie." Ngumisi ako ng tipid at sumagot ng walang anuman. Hindi ko alam kung anong dahilan pero agad na nagbago ang mood ko. Naiwanan kong bukas ang isipan ko, at aksidente lamang 'yon, dahil madalas ay kontrolado ko ang isipan ko kung kailan ko siya hahayaang nakabukas o kung kailan ko siya pansamantalang isasara.

"Nagbago bigla mood mo, is it because of Brix? 'Wag mo na kasi isipin ang isang 'yon. Walang mangyayari kung ikukulong mo ang sarili mo sakaniya. Mas mabuti kung tatanggapin mo kung ano ang kinahinatnan ninyo ngayon. Marahil ay may dahilan siya, pero alam niyang hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ang dahilan na 'yon." tumingin ako sa mga mata niya, ganun rin naman siya sa akin. Tinapik niya ng bahagya ang balikat ko at ngumiti sa akin, na nakapagpagaan naman ng loob ko. Oras nalang talaga ang kailangan ko, babalikan ko ulit sila.

"Salamat, Justin." Tanging ngisi lamang ang isinagot sa akin ni Justin at nagpatuloy na kami sa paglalakad, pero agad ring nabawi ang mga paa naming palayo ng grade 12 building dahil nakarinig nanaman kami ng sunod-sunod na kaluskos na nanggagaling sa katabi nitong abandonadong building. Kung titingnan mo ito, talagang matatakot sa sa unang tingin dahil sobrang dilim rito at tangin mga ilaw lamang sa flashlight ang nagiging ilaw namin. Nagkatinginan kami ni Justin dahil sa narinig namin, maging ang bula na ginawa ni Krystel para sakanila ni Lucian ay tila nawala dahil mukhang nakuha ng kaluskos ang atensyon ni Krystel. Napatigil rin si Lucian sa pakikipagusap kay Krystel. Pero ang pinagtataka ko, narinig kaya ni Lucian ang kaluskos na narinig namin? Dahil sa aming mga ibang uri sakanila ay normal na makarinig ng mga bagay na malayo talaga sa amin. Pero siya? Sino nga ba siya?

"Ako lang ba? O parang may kakaibang mangyayari ngayon.." wika ni Lucian. Hindi ako umimik, maging sina Krystel at Justin ay pinapakiramdaman ang paligid dahil nararamdaman naming hindi lang kami ang nandito ss loob ng Britton. Sinasabi ko na nga ba, may kakaibang atmospera sa paligid. Nararamdaman ko ring parang may nakamasid sa amin kanina pa. Maski noong si Lucian pa lang ang kasama ko.

"Hindi na 'ko makapagtiis pa, Lori. Gusto ko nang malaman kung ano ang mayroon sa loob ng abandonadong building na 'yon." madiin na wika ni Justin na halatang kanina pa nagpipigil pumasok sa loob ng abandonadong building.

"Wag kang padalos-dalos, Justin. Baka ikapahamak mo. Hayaan mong ako ag maunang pumasok sa loob, at kapag nasigurado kong malinis at walang bahid ng kung ano, saka ko kayo papapasukin." sagot ko.

"Nahihibang ka na ba? Ikaw pa talaga ang unang papasok? Ako ang lalaki sa ating dalawa kaya ako dapat ang mauna." Napatahimik ako sa sinabi niya, pero ayoko namang may mangyaring masama sakaniya kung may panganib ngang nakaabang doon.

"Pero, Ju-" hindi ako pinatapos magsalita ni Justin at iniwan ako sa kinatatayuan ko dahil nauna na siyang pumasok ng abandonadong building. Napaitsa ako sa sahig at ginamit ang kapangyarihan ko para makasunod sakaniya kaya naman naabutan ko agad siya.

"Ano bang trip mo? Sinabi ko sa'yong-" tinakpan niya ang bibig ko dahil naalingawngaw ang boses ko sa loob ng building. Sumenyas siyang walang magsasalita, para kaming nasa loob ng refrigerator na kakapatay palang. Ang lamig dito, nakakakaba kapag ikaw lang magisa ang pumasok. Lalo kung normal na tao ka lang, ang kaibahan lang naman sa amin may mga kapangyarihan kami. At kung may mangyari man sa amin, kaya naming iligtas ang sarili namin.

Napatigil ako dahil nakaapak ako ng matigas na bagay, tumigil rin si Justin para malaman kung ayos lang ba ang lagay ko. Unti unti kong sinilip ang bagay na naapakan ko pero agad na may nagtakip ng ulo ko ng isang sako. Nagpumiglas ako at batid kong gano'n din ang ginawa kay Justin dahil naririnig ko ang sunod-sunod na pagmumura niya.

"Laurelie! Ayos ka lang?" Hinawakan niya ako sa braso ng makawala siya, lumuwag ang hawak ng sako sa ulo ko at mukhang nawala ang mga nagtakip sa amin.

"Anong nangyari?" tanong ko at hinawakan ang dibdib ko dahil nahirapan akong huminga nung tinakpan nila kmi ng sako.

"Tumakas sila, may itim na dimensyon silang ginamit kaya sila nakawala." halos matumba ako ng yakapin ako ni Krystel kaya napahawak ako sakaniya ng mahigpit.

"Akala ko kung ano nang nangyari sainyo, nakarinig ako ng ingay galing dito. Tsaka, narinig ko rin ang pagmumura ni Al- Justin kaya dumaretso agad kami ni Lucian dito." tumango naman si Lucian sa sinabi ni Scarlet.

Hindi kami kumibo ni Justin pero nauuna silang lumabas ng abandonadong building, nahuhuli ako sa paglalakad kaya napatigil ako ng biglang may humawak sa braso ko at tinakpan ang bibig ko. Naramdaman kong bumibigat ang mga mata ko, at bago ako mawalan ng malay, nakita ko ang isang imahe ng lalaki. Pero hindi ko alam kung sino siya. Alam kong hindi pa kami nagkikita.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon