Kabanata 3
Narito ako sa library ng Sky. Madalas akong nandito, hindi ko naman maipagkakailang masaya sa Sky. Kung papipiliin akong magdesisyon uli, mas pipiliin kong magpunta ulit ng Sky.
Tatlong araw na akong andito pero parang wala pa ring improvement. Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng kapangyarihan ang meron ako, pero sina Scarlet may kakaibang napapansin. Kesyo kapag nagpupunta daw sila sa kwarto ko parang ang init init. Kahit hindi naman talaga. At isa pa, ang weird lang talaga kasi hindi ko akalaing kaibigan nila si Froze. Yung lalaking masungit na kulay puti ang buhok. Akala ko walang pakialam sa mundo 'yon. Akalain mong nakikipagkaibigan rin pala.
Bukod kina Scarlet na may napapansing kakaiba sa akin, ako naman. May napapansing kakaiba sa pandinig at eyesight ko. Lalo na sa utak ko. Gulong gulo ako, hindi ko alam kung epekto lang ba 'to ng paninibago ko sa Sky at parang nababaliw ako. Pakiramdam ko kasi naririnig ko yung mga sinasabi nila kahit bulong lang, maski bulong ng katabing building namin naririnig ko. OA ba? O sadyang nahihibang nanaman ako.
May eksena namang naggagala kami sa gubat ng madaling araw, kahapon lang nangyari 'yon. Nakita ko yung oso na papalapit sa amin kahit isang kilometro pa ang layo niya sa amin kay dali dali akong napatakbo.
At kanina naman, kaya ako dumaretso dito sa library kasi pakiramdam ko mababaliw na 'ko. Parang naririnig ko si Scarlet sa utak ko. Para bang naririnig ko kung ano yung iniisip niya. Hindi ko maintindihan kung anong nangyayari sa'kin, naeengkanto na yata ako.
"Oh? Ba't tulala ka?" Napaigtad naman ako sa gulat dahil kay Froze. Kupal talaga 'tong lalaking 'to, ni hindi manlang marunong bumati ng maayos. Kailangan manggulat?
"Eh ano naman ngayon kung tulala ako? Bakit ka nga pala andito?" Tanong ko, nagkibit balikat naman siya at umupo sa harapan ko.
"Magbabasa." Tipid na sagot niya at inagaw ang librong hawak ko. Bastos, kita nang binabasa ko biglang aagawin. Konti nalang masasapak ko na 'to. Nagulat naman ako ng mahina siyang humalakhak.
"Hindi mo binabasa, tinititigan mo. Hindi ganon ang tamang way ng pagbabasa, Sapphire." Oo, siguro alam ko nang may kapangyarihan nga sila. Pero hindi talaga ako sanay e.
"Eh gano'n ako magbasa, bakit ba?" Iritadong tanong ko, ngumisi naman siya at umiling.
"Hindi naman ako mananalo kung ipagpipilitan ko. Kamusta? Wala bang improvement?" Napakagat labi naman ako nung kamustahin niya 'ko. Kilala si Froze bilang isang cold-hearted man. Cold as Ice ika nga nila, madalas ay hindi pala sa pero itong Froze na nakikita ko ngayon? Dinadaldalan ako. At sa akin lang siya ganito, mukhang trip yata akong bwisitin ng mokong na 'to araw araw.
"Wala eh, hindi ko rin naman kasi alam kung paano ko siya mapapalabas. Kasi diba, kung may kapangyarihan talaga ako, edi sana noon pa. Hindi 'yung pahirapan bago ko malaman kung anong klase ba ng kapangyarihan ang meron ako. Ang hirap umasa sa wala, baka isang araw, malaman ko nalang na wala pala talaga akong kapangyarihan, matatanggap niyo pa ba 'ko bilang isang Elemental Family niyo?" Ngumisi naman siya at tumango.
"Oo naman, once you enter, there's no turning back. Pero mukhang imposibleng wala kang kapangyarihan Sapphire, because I know you have." Cold na saad niya at iniwan ako sa loob ng library. A–ano daw? Alam niyang meron akong kapangyarihan? Pero paano, kailan, saan?
-
"Do you really know her powers?" kanina pa 'ko kinukulit ni Scarlet dahil sa sinabi ko kay Sapphire. Oo, alam ko. Isa akong anghel ng Sky na gifted sa kapangyarihan. Isa sa mga kapangyarihan ko ang makita kung ano ang kapangyarihan ng kapwa ko maski unang harap ko palang sakanila at maski hindi ko pa sila kakilala."Scarlet, ilang ulit na niya sinabi kanina. Hindi mo pa rin ba maintindihan 'yon?" Iritadong saad ni Alexander habang nakahawak sa puno ng narra, narito kami sa Garden's of Eden. Sapat na ang layo nito para hindi kami marinig ni Sapphire. She's a gifted angel, even though she really don't know her powers.
"Manahimik ka, Alexander! Hindi ikaw ang kinakausap ko. Ang hindi ko lang kasi maintindihan, Froze. Bakit hindi niya alam? Hindi ba dapat bata palang alam na yung kapangyarihan? Bakit siya hindi?" Tanong ni Scarlet, umupo naman ako sa damuhan, ganun din siya at pumwesto na parang nakikinig sa isang guro na nagtuturo ng isang lesson. At ako yung guro.
"Hindi ba't galing siyang mortal? Marahil ay hindi siya nafocus sa kapangyarihan niya, kaya matagal naistock ang kapangyarihan niya sa loob niya. It's just like a demon who wants to be free on it's cage. Nakatago." Sagot ko. Nagliwanag naman ang mukha niya.
"It's kinda scary, pero paano 'yon? Hindi niya nailabas ang kapangyarihan niya noong bata palang siya, edi ibig sabihin, hanggang doon palang ang kapangyarihan niya? Mahihirapan siyang mapalakas iyon lalo na't nasa tamang edad na tayo." Halata sakaniya na nag aalala siya para kay Sapphire.
"Nabasa ko sa libro 'yan, lumalakas ang kapangyarihan niya maski nakakulong ng mahabang panahon. Kasi nagiipon 'yon ng enerhiya upang mas lumakas." Napa-pout naman siya.
"Nabasa ko rin 'yon, Froze. Pero ang problema, hindi prinsesa si Sapphire." Napa kagat labi ako, nakalimutan ko. Hindi nga pala siya kagaya ni Ivonne at Alex.
-
Kanina pa 'ko naghahanap ng mga pwedeng mabasang libro dito. May mga history na rin akong nabalikan kagaya ng Reyna ng Sky na si Queen Flame. Ang sabi rito, siya ang isa sa pinaka magiting na bayani ng Sky. Dahil maging ang nawawala niyang anak na babae, ay nagawa niyang ipaligtas para lang maligtas ang Sky. Ang sabi rito, kapapanganak lang daw ni Queen noong may digmaan sa Sky laban sa Underworld. At ang anak niya, hindi pa rin mahanap hanggang ngayon.Pero nagtataka lang ako, bakit kaya naka censored ang tunay na pangalan ni Queen Flame? At may apat na simbolo rito. Ang pulang apoy, asul, puti, at itim na apoy. Ngunit walang nakasulat kung ano ang relasyon nito sa Reyna. Marahil ay ito ang kaniyang kapangyarihan.
Pero teka— apat na apoy? Saan ko ba nakita 'yon?
BINABASA MO ANG
Sky High: School Of Magic
FantasySky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017