Kabanata 19

3.4K 101 3
                                    

Kabanata 19

Naalimpungatan ako galing sa pagidlip ng makaramdam ako ng pagkauhaw. Iminulat ko ang aking mga mata at nagunat sandali bago kumuha ng tubig na maiinom sa aking bag. Pagkainom ay inilibot ko ang tingin ko sa mga kasama kong kapwa natutulog sa kani-kanilang mga upuan pwera kay Hunter na nakataas lamang ang paa sa sandalan habang nakatitig sa gawi ko. Tinaasan ko siya ng kilay dahil sa wirdo niyang akto.

"Oh? Anong problema mo?" Tanong ko. Umiling siya at iniwas ang tingin sa akin, mabilis niyang ibinaling ang kaniyang tingin sa bintana ng kaniyang upuan. Kung titingnang mabuti, makikita mo sa bintana ang milyong-milyon na mga bituin, marahil ay malapit na kaming bumaba. Itinaas ko ang bintana ko at pinagmasdan ang kagandahan ng mga bituin. Sumandal ako sa sandalan ng aking upuan at tumitig lamang rito.

"Gaano ako katagal na natutulog?" tanong ko sa kasama ko. Hindi ko alam kung narinig niya 'ko o hindi, pero wala na akong pakialam.

"Mga anim na oras na 'kong nagiintay ng paggising ninyo, kaya't anim na oras na rin ang nakalipas noong pagtulog mo." Napanganga ako, ang inakala kong idlip lamang ay tulog na pala. Akalain mong nasikmura niyang magintay ng anim na oras ng nakagano'n lang. Ibang klase talaga. Napakunot 'yung noo ko ng marealize kong wala pa siyang tulog, hindi ba siya napapagod? Kung tutuusin, dapat ay nagpapahinga na siya ngayon. Anim na oras niya kaming binantayan, kaya't paniguradong puyat siya.

"Wala ka bang balak na matulog? Hindi ba nakakapagod 'yung ginawa mo? Binantayan mo kami ng anim na oras, dapat natutulog ka ngayon dahil paniguradong aantukin ka mamaya. O kaya wala kang sapat na lakas para kumilos ng kumilos." Saad ko, agad namang lumipat ang tingin niya sa akin. At tinaasan ako ng kilay.

"Talaga bang concern ka sa akin, o hindi mo talaga alam na hindi natutulog ang bampira?" Napatikom ang bibig ko sa sinabi niya, tangina. Hindi pala natutulog ang bampira? Ba't hindi ko alam 'yon? Narinig ko ang mahinang hagikgik niya, pero nang tingnan ko siya ay agad na nagbago ang expression niya sa pagiging isang masungit at walang emosyong Hunter na kilala ko. Napairap nalang ako at binalik ang tingin ko sa bintana na katabi ko.

Ano kaya ang magiging misyon namin sa mundo ng mga mortal? Isa 'yon sa mga tanong na bumabagabag sa akin, paano nami malalaman kung sino ang kakampi sa kalaban? Paano kung isa pala sa'min 'yung magsilbing kalaban? Paano kung ang isa sa amin ay bigla nalang magtaksil?

"Mukhang malalim ang iniisip mo ah?" Napalingon ako kay Hunter na nakatingin parin sa kawalan. Paano niya nalalamang malalim ang iniisip ko kung hindi naman siya nakatingin sa akin?

"Ano bang bumabagabag sa'yo?" Tanong niya, heto nanaman kami ni Hunter. Parang naulit lang 'yung una naming pagkakakilala sa isa't isa. Ganito rin siya kadaldal noong tumakbo ako papuntang Garden. Hindi ko akalaing maiiwanan ko ang pinakapaborito kong tambayan.

"Naisip ko lang 'yung sinabi ni Sir Z kanina, paano natin malalaman kung sino ang kakampi sa kalaban? Mukhang mahihirapan tayo sa magiging misyon natin." Tumaas naman agad ang kilay niya at lumingon sa akin. Nakita kong nag smirk siya at tumayo sa inuupuan niya, at nagsimulang lumapit sa akin. Pagkarating niya sa harap ko at inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

"Hindi pa nga tayo nagsisimula, nahihirapan ka na. 'Wag mong sabihing pasuko ka na?" Pang asar na tanong niya. Sumimangot ako at lumayo sakaniya, tumayo ako upang makapantay ko siya. Pumaywang ako sa harapan niya at tinaasan siya ng kilay.

"Narito ako upang isakatuparan ang misyong ibinigay sa atin ni Miss Celestine, hindi ako sasama rito kung alam kong susukuan ko lang." Matapang na sagot ko. Ngumisi siya at tumango. Hindi siya nagsalita pero tinalikuran niya ako at bumalik sa pwesto niya, tinitigan ko lang ang likod niya tapos bumalik na sa upuan ko. Maypagka mayabang rin pala ang lalaking 'yon. Tss.

Halos mabingi ako nang maramdaman kong pababa na kami, siguro gano'n talaga kapag pababa na, parang eroplano lang. Ang pinagkaiba lang, lumulutang na tren ang sinasakyan namin. Nilingon ko ang mga kasama ko na siguro ay naalimpungatan na pababa na kami. May mga naghihikab at sinusubukang matulog muli, at may mga nagkukuyumos dahil mas pinagpasya na magising nalang kaysa piliting matulog muli.

"Pababa na tayo?" Tanong ni Scarlet, tumango ako at tumingin muli sa bintana. Parang gusto kong bumalik ng Sky. Hindi pa yata ako handang bumalik sa mundo ko dati.

"What's bothering you?" Tanong ni Alex gamit ang telepathy power niya.

"Nothing, I'm just tense." sagot ko sakaniya pabalik. Napalingon ako sakaniya, sakto namang lumingon rin siya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Wala kang dapat ikabahala, kung hindi ka pa handa, andito kami para tulungan ka. Bumalik ka rito ng ibang ikaw, may misyon tayo ritong kailangang tapusin kaya 'yun nalang ang isipin mo." saad niya, ngumisi ako ng marinig ko yun sa isip ko at lumingon muli sa bintana.

-
Hindi ko alam kung anong gagawin ko matapos ang paglapag namin sa gubat kung saan ako unang beses na nakita ni Mang Himeryo. Para bang bumalik lahat ng alaala ko nu'ng nakita ko ang gubat.

"Okay ka lang?" Tanong ni Annie sa akin at hinawakan ako sa likod. Tumango ako at ngumiti. Binitbit ko ang mga gamit ko gano'n rin naman sila at hinanap sa gubat ang sinasabi nilang SH Academy kung saan kami tutuloy. Matapos ang ilang minutong paghahanap ay natunton agad namin ang SH, kung titingnan ay simple lamang ito at parang isang normal na eskwelahan na nakatayo sa gubat. Kung tatantsahin ay malapit na sa syudad kung saan nakatayo ang SH kaya kung hahanapin ay mabilis itong makikita.

Nauna ako sa paglakad sa harapan ng SH hinarang ako ng mga armadong guards at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Tinaasan ko sila ng kilay at ginaya ang tingin nila sa akin.

"Miss kung naliligaw ka mali ka ng papasukan." Ngumisi naman ako at taas noong linapitan siya.

"You're suck at guessing, huh? Narito ako dahil kami ang pinadala mula sa Sky. We are here for Miss Liza." Nagtinginan naman sila at nagbulungan, napataas ang kilay ko ng mapagtanto kong hindi nila ako pinaniniwalaan. Tinignan ko sila mata sa mata, naramdaman kong naging pula ang mga mata ko. Ibinaba ko ang mga gamit na hawak ko at itinapat sa kanila ang kamay kong may apoy.

"Hindi ninyo kami papapasukin o itutusta ko kayo ng buhay? Well, if I were you, I will choose the seco–" Hindi pa ko nakakapagtapos na magsalita ay agad na nilang binuksan ang gate at pinapasok kami sa loob ng SH. Madali lang naman palang kausap ang mga ito. Lumingon ako pabalik kina Annie, ngumisi ako at tumango sakanila upang sundan ako. Napangiti ako habang naglalakad papasok ng SH.

I think I will love this mission. Panibagong buhay nanaman ang haharapin ko bukas. Mukhang kailangan ko ng mahabang pahinga.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon