Kabanata 11

4.1K 131 3
                                    

Kabanata 11

Dahil sa nangyari kaninang madaling araw, nagiiwasan kami ni Froze. Hindi ko alam kung ako lang ba 'yung naiwas o pati siya, kasi talagang hindi ako makatingin sakaniya. Kaya siguro hindi ko na rin mapansin.

Nakauwi naman kami ng maayos kagabi, hindi lang talaga namin maintindihan kung anong nangyari at nagkaron ng ganung feeling. Tsaka, bakit kami tumilapon sa puno. Kung bakit kami nakuryente ng hindi malaman.

Pabagsak akong humiga sa kama ko, wala kasi kaming klase kaya napagpasyahan ko nalang na magpunta sa kwarto ko imbes na dumaretso sa library gaya ng gawain ko dati. Pakiramdam ko kasi, pagod na pagod pa rin ako. Medyo nakakaramdam kasi ako ng pananakit ng katawan, ngayon ko lang siguro naramdaman yung dapat na naramdaman ko kahapon.

Umikot ako at tumitig sa kisame. Halos sumakit yung ulo ko dahil sa halo halong pangyayari at mga tanong ang naiisip ko. Pero para bang napawi lahat ng 'yon kasi may isang bagay akong naisip.

Si Froze..

"Tangina, ano bang iniisip ko?" Pinalo ko ng mahina ang ulo ko dahil sa naiisip ko. Tinitigan ko maigi yung kisame bago pumikit. Nakita ko sa isip ko yung cold stare ni Froze. Kung paano niya ko titigan bago niya ko halikan.

Yung malambot na labi niya, damang dama ko yung paghalik niya sakin. Lalo na nung hinawakan niya yung kamay ko. Yung lamig ng palad niya..

Tumili ako at gumulong sa kama, napalakas ang tili ko nung nalaglag ako sa kama. Nakarinig naman agad ako ng sunod sunod na pagkatok sa pinto ng kwarto ko. Agad akong tumayo, tapos tumakbo papuntang pinto at binuksan 'yon. Napa-nganga naman si Scarlet nung nakita niya 'ko. Maging si Joanne at sina Alex, Karlos at maging si Froze ay nakatingin sa akin.

"Anong nangyari sa'yo, Sapp? Ang gulo ng buhok mo." Saad ni Alex at hinawakan yung buhok ko at inayos sabay tinap yung ulo ko.

"Ano ba kasing ginagawa mo diyan? Para ka namang gumawa ng sandamakmak na trabaho at sobrang pagod ka." Napalingon naman ako kay Joanne na parang nagtataka. Lumingon ako kay Froze na nakatingin ng daretso sa akin. Hindi niya sinabi?

"Ah wala, hindi kasi ako makatulog kagabi ng maayos siguro madaling araw na rin 'yon na hindi ako dinalaw ng antok. Nagpunta lang ako sandali sa Garden's nagpahangin lang pampaantok, ganon?" Pumalakpak naman si Karlos at tumingin  sa akin.

"Seryoso? Eh galing rin si Froze sa Garden's kagabi. Nagkita kayo?" Saad niya, nagkatinginan ulit kami ni Froze, nauna akong umiwas bago pa humaba 'yung titigan namin.

"Oo, magkasama kami kagabi." Sagot ni Froze habang nakatingin sa akin. Nakikita ko pa rin siya kahit hindi ako nakatingin sakaniya.

"Okay? Gusto mo gumala, Sapp? Hindi ka kasi nagu-unwind." Saad naman ni Scarlet tapos nag pout. Napailing naman ako.

"Gustuhin ko man, kailangan ko talaga ng tulog. Siguro next time nalang?" Sagot ko at humingi ng paumanhin. Tumango naman siya at ngumiti.

"Naku, ayos lang. Kailangan mo nga ng tulog kawawa ka naman e." Natatawang saad niya. Tumango nalang ako at ngumiti. Nagpasalamat na rin ako dahil sa pagiging maintindihin niyang kaibigan.

"Una na kami." Saad nila at umalis na, naiwan na nakatayo si Froze sa harapan ng pintuan ko. Nawala agad sina Scarlet sa paningin namin dahil sa kanilang ability. Nakakamangha talaga.

"Hindi ka ba sasama sakanila?"

"Kasama ako, susunod nalang ako. Kamusta pakiramdam mo?" Tanong niya.

"Ayos lang naman, hindi naman ako nagkasakit gaya ng sinabi mo kagabi. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik. Napansin ko rin kasing ang laki ng eyebags niya tsaka parang inaantok rin siya.

"Medyo inaantok rin, pero kaya naman. Tsaka, sumakit lang yung likod ko sa lakas ng impact ng pagkalipad natin sa puno." Pakiramdam ko namula 'yung pisngi ko dahil naalala ko nanaman 'yung nangyari kagabi. Kinagat ko yung labi ko at tumingin sa mata niya.

"Ah, oo. Ako rin e. Mukhang kailangan mo rin ng tulog, medyo malaki yung eyebags mo." Pagbibiro ko, humalakhak naman siya at tumango.

"Kaya ko 'to, ikaw ang magpahinga. Kailangan mo 'yun, nagpakabayani ka kasi." Masungit na saad niya kaya otomatikong tumaas ang kilay ko.

"Hoy, tapos na 'yun. Nangyari na ang nangyari. Kaya past is past." Humikab ako at humalakhak ng mahina. Ngumisi naman siya at tumango..

"Matulog ka na, Sapphire. May pagsasanay pa tayo bukas. Kailangan mong magipon ng lakas para bukas. Baka hindi mo kayanin ang ensayo." Tumango ako at ngumiti.

"Oo, magiipon ako ng lakas." Ngumiti ako at umaktong isasara ang pinto ko.

"Sapphire." Napatigil ako at binuksan ng kaunti yung pintuan ko.

"Bakit?" Nagstep forward siya sa harap ko at nagkamot ng batok, umiling siya at ngumisi. Tumango nalang ako at umakto uli na sasarhan ko ang pinto ko pero hinila niya 'yung braso ko. And next thing I knew ay hinalikan niya 'ko. Humiwalay siya agad at yumuko.

"Pasensya na, sinubukan ko lang kung mangyayari ulit yung nangyari kaninang madaling araw. Sige, pwede ka na magpahinga." Saad niya at nawala nalang sa harapan ko.

Napahawak ako sa labi ko habang nakatulala sa kawalan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Bakit ang gulo? Bakit may mga demonyong nagwawala sa loob ng tyan ko?

Bakit niya 'ko hinalikan? Pero ang worse, bakit ko nagustuhan?

-
Alam ko, lame at short UD lang 'yan. Hayaan niyo sa ibang chapters babawi ako. Sabaw utak ko e. Sorry. Sana maenjoy niyo, salamat!

-mf

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon