Kabanata 7

5.3K 156 7
                                    

Kabanata 7

Nag aayos ako ng pwedeng dalhin na mapapakinabangan namin kapag nasa gubat na kami, incase lang na magutom diba? Edi may pagkain. May kanya kanya naman kaming baon kaya okay na rin para mas marami mas masaya [/laughs; I love foods.

"Handa naba kayo?" nagaalalang tanong ni Miss Celestine. Tumango naman ako bilang sagot, ganun rin naman sila. Hindi ko alam pero masyado yata akong excited. Ito ang first adventure ko ng may kapangyarihan ako. Sa mundo kasi natin dati, mga mountain climbing lang ang alam kong andventure. Ngayon, iba na.

"Mag iingat kayo, delikado sa gubat lalo na doon sa pusod nito. Kahit pa sabihin mong maliwanag roon, Fire. Mas delikado parin ito." napa-pout naman ako kay Sir Johnson. Para siyang tatay namin. Nagthumbs up ako bilang sagot.

"Wala pong problema, magiingat po kami. Maraming salamat po sa pag aalala Sir." ngumisi ako, ganun rin naman si Sir at tumango.

"Osiya, humayo na kayo't baka matagalan kayo sa pagbalik. Ingat mga bata." saad ni Sir Zhou kaya tumango lamang kami at nagumpisa nang maglakbay. Bawat daanan na tinatahak namin ay sinisigurado kong tama sa utak ko. Nakasarado ang utak ko kaya paniguradong walang makakabasa nito.

Yung tungkol naman sa kapangyarihan ko, hindi ko sinasabi sakanilang magkapareho kami ng kapangyarihan ng yumaong reyna. Hahanapin ko pa rin kasi ang rason kung bakit at paano ko nakuha ang kapangyarihan nito. Saka nalang siguro kapag handa na 'ko, saka ko sasabihin sakanila ang tungkol doon, pero sa ngayon wag na muna.

"Ito na yata 'yung lagusan papasok ng gubat, Fire." napatigil ako sa paglalakad ng biglang magsalita si Alexander. Napatingin ako sa lagusan na nasa harapan ko. Tinitigan kong mabuti ito para na rin makasiguradong ito nga ang lagusang tinutukoy ko. At mukhang tama naman si Alexander. Nauna akong pumasok, gumawa kaagad ako ng apoy upang maging liwanag sa amin sapagkat gaya nga ng sabi ko ay delikado rito sapagkat walang liwanag rito.

Pinalutang ko ang apoy na ginawa ko upang hindi ako mangalay kakahawak rito. Sinusundan ko lamang ang alam kong daan upang matahak namin ang daan papuntang pusod ng gubat. Wala ni isa sa amin ang may gustong magsalita. Marahil ay seryoso sila sa nakaatas na gawain sa amin. Maski ako, ayokong dumaldal. Napatigil ako ng may narinig akong kaluskos. Nabunggo naman nila ako kaya natumba ako para kaming domino. Tangina ang bigat.

"Bakit kaba tumigil, Sap? Para namang timang 'to." saad ni Karlos habang pinapagpag ang damit niya dahil nadumihan sa pagkakadapa namin. Tinulungan ako ni Alex na tumayo at pagpagin ang damit ko dahil sila ang dumagan sa akin.

"Wala ba kayong naririnig?" mahinang tanong ko. Napatingin naman sa akin sina Alex at Froze.

"Akala ko ako lang ang nakapansin." saad ni Alex.

"Ang buong akala ko guni-guni ko lang 'yon." cold na saad naman ni Froze. Bagay na bagay talaga sakaniya ang pangalan niya. Napakalamig niya. Napairap ako ng marinig ko siyang magsalita. Naramdaman ko namang sinukbit ni Scarlet ang braso niya sa braso ko.

"Pwede 'wag kayong manakot? Ang dilim kaya dito." saad niya. Nararamdaman ko ang pagnginig ng kamay niya. Gusto ko mang matawa hindi ko magawa.

"Chillax, Vio. Hindi nageexist ang multo rito." saad ni Joanne. Naniniwala rin pala sila sa multo? Ang akala ko sa mundo lang ng mga tao uso 'yon. Dito rin pala.

"Oo nga pala." saad ni Scarlet at agad na binawi ang braso niya. Napalingon ulit ako dahil mas lumakas ang kaluskos na narinig ko. Nagkatinginan kaming lahat, kung kanina ay kami lang tatlo ang nakarinig nina Alex, ngayon sigurado ko nang hindi lang kami ang nakarinig.

"Narinig niyo 'yun?" ramdam ko ang kaba sa boses ni Joanne dahil sa kaluskos na narinig namin. Napairap ako sa hangin at huminga ng malalim.

"Sinong andyan? Lumabas ka, hindi kami magaling sa hide and seek." lakas loob kong saad. Napatingin naman sa akin si Froze, walang emosyon ang mukha niya. Hindi ko rin naman mabasa ang utak niya dahil saradong sarado iyon.

Napalingon naman ako sa kanan dahil dun naman napunta ang kaluskos. Ganun rin naman sila, para bang pinaglalaruan kami. Napunta naman sa kaliwa ang kaluskos. Kaya don naman ako napatingin. Sobrang dilim, wala akong ibang makita. Bakit kasi walang night vision ang mata ko? Badtrip.

Napalingon ako sa gawi ni Alexander. Napakunot noo ako at hinanap ang anino ni Ivonne pero wala akong nakitang anino ni Ivonne. Nawala rin ang kaluskos na naririnig namin kanina. Napamura ako ng marealize kong pinain niya kami para makuha niya si Ivonne. Nilito niya kami gamit ang kaluskos o ingay na ginagawa niya para makuha ng ganun kabilis si Ivonne.

"Nawala na, guys." saad ni Scarlet sabay lingon kay Alex na nakatulala. Napakunot noo naman ako at pareho naming nilapitan si Alex. Para siyang isang statwa lang na nakatayo roon at nakatingin sa kawalan.

"Shit, freeze poison. Saan nanggaling 'yon?" inis na saad ni Scarlet at inalis ang poison na nakalagay kay Alex kaya agad siyangbalik sa realidad. Para bang nakatulog siya sa sandaling panahon. Lumingon siya sa tabi niya nanlaki ang mata niya ng makitang wala ang kapatid sa tabi niya.

"Asan si Ivonne?" tanong niya, agad namang nakuha ni Alex ang atensyon ng lahat dahil sa sinabi niya. Nang makumpirma na wala nga ang prinsesa ay nakarinig na agad ako ng sunod sunod na pagmumura galing sa mga kasama ko.

"Bait. Napain niya tayo, sa simpleng kaluskos lang. I am wondering kung bakit hindi makuha ng utak ko kung sino ang kumuha. Pero malakas ang kutob ko na doon niya rin dinala si Ivonne." saad ko. Nakarinig ulit ako ng kaluskos galing sa malapit na lugar. Mukhang ganun rin naman sila. Naalarma lang ako pero hindi ako nagpahalata. Lumpit  ang kaluskos sa kabila. Naramdaman kong nagbabago ang buhok ko, umiilaw siya na kulay pula. Kaya lumiwanag ang buong lugar dito. Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng kweba, pero wala akong nakitang bakas ng isang imortal. Pagharap ko ay bigla akong tumilapon sa isang malaking bato.

"Sapphire!" sigaw ni Scarlet. Napahawak ako sa ulo ko dahil medyo napalakas ang tilapon ko. Hindi man ako napuruhan medyo nahilo lang. Nakita ko ng kabuuan ang isang lalaking mukhang kasing edad lamang namin, kulay pula ang mga mata at itim na medyo mapula ang buhok nito. Nakatingin diya sa akin bago siya atakihin ng mga kasama ko. Bigla naman siyang nawala sa harapan nila napatingala ako ng makita kong nasa harap ko na siya.

"Not too fast." pagyayabang niya. Napakagat labi ako at tumayo.

"Anong kailangan mo?" nilaksan ko ang loob ko para lang matanong 'yon. Mukhang effective naman kasi nawala ang kaba sa dibdib ko.

"Ikaw. Ikaw ang kailangan ko." napakunot noo ako ng malaman ko na ako ang kailangan nito.

"Bakit ako? Anong kasalanan ko sa'yo?" ngumisi lang siya at sinugod ako. This time, nakailag ako.

"Malaki, marami." pagpapatuloy niya at sinunod sunod ang atake sa akin. Lahat ng 'yon ay nablock ko. Sinikmuraan ko siya at napatalsik ko naman siya sa malayo sa akin agad namang kumilos sina Alexander para hawakan siya. Nilapitan ko siya dahil hindi siya makapigwas sa pagkakahawak nina Alex. Gumawa ako ng apoy na lubid at isinuot sa leeg niya, ramdam ko naman ang sakit na nararamdaman niya sa init nito.

"Wala akong natatandaang atraso sa kahit kanino man." hinila ko ng dahan dahan yung lubid. Ngumisi siya at muling nagsalita.

"Hindi mo alam kung gaano kasakit yung ginawa mo sakin, Sapphire." ngising saad niya. Napairap ako sa sinabi niya, kilala niya ko? So what? Nonsense.

"Any last words?" tanong ko. Tumango naman siya kaya pinagbigyan ko.

"Ang tagal kitang hinintay, Sapphire. Ang tagal kong naghintay ng isang kapatid. Pero mukhang ito na yata ang first and last na pagkikita natin." nanlaki ang mata ko at napatigil. Biglang ng pop out yung lubid na hawak ko. Nawala lahat sa kamay ko pati apoy wala. Nabitawan nila yung lalaki dahil muntik akong matumba.

"Tangina ba't di mo tinuloy?!" inis na saad nung lalaking kapatid ko raw. Umiling ako.

"Umalis ka na." saad ko.

"Ayoko! Gawin mo kung anong gusto mo." hinawakan niya yung kamay ko at nilagay sa leeg niya.

"Ayoko! Sa palagay mo ba ganun ako katanga para pumatay ng kadugo ko?" inalis ko yung kamay ko sa leeg niya at umiling.

"Sana napaaga ang dating mo, para hindi ako nakulong sakanila. Ni minsan hindi ko ginustong maging masama. Oo nga pala, yung kaibigan mo at yung mga estudyante ng Sky nasa pusod ng gubat. Mga ilang metro nalang amg layo niyo mararating niyo na ang pusod ng gubat. Tinakas ko lang sila balak ko sanang iligaw, kaya lang nung nakita kita, nagbago ang aking pananaw. Paalam, aking kapatid." ngumisi siya sa huling pagkakataon at biglang nawala sa paningin ko.

K—kapatid...

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon