Kabanata 20
"What?! Seryoso ba kayo dyan?" Gulat na tanong ni Scarlet. Maski kami ay hindi makapaniwala sa sinabi ni Miss Liza. Hindi ako umimik at tiningnan lang si Miss Liza sa mata, halata mong bata palang siya dahil sa postura ng kanyang katawan. Maliit ang baywang nito, may kalakihan ang hinaharap at ang balakang kaya mahahalata mong maganda ang katawan nito, may katangkaran din ito at tila parang isang model kung umasta. Maganda ang kanyang mukha at may pagkamorena ang kanyang balat. Siguro ay tinatago lamang niya ang tunay niyang katauhan sa kung anong itsura niya ngayon, gaya ng ginagawa namin dahil nasa mundo kami ng mga tao.
"Oo, pumayag kaming dito kayo manirahan ng pansamantala, pero hindi namin sinabing dito kayo mag aaral." Saad niya, may pagkamasungit nga lang ang isang 'to, kung ano ang ikinabait ni Miss Celestine ay ito ang kinasungit niya. Napangisi ako ng mapagtanto kong masarap pagtripan ang isang katulad niya.
"Then we'll just get our things then move out of here. I guess you don't need us. And please, don't ever call us again if there's something happened or you'll need a backup." Saad ko at umaktong aakyat ulit sa dorm na pinasukan namin pero pinigilan ako ni Miss Liza gamit ang kamay niya na humawak sa braso ko. Ngumisi ako at tiningnan siya ng mata sa mata.
"Hindi mo kaikangang umalis, inuulit ko, welcome kayong manirahan dito. Pero hindi kayo dito mag aaral." Inagaw ko yung braso ko sakaniya at tumayo ng tuwid.
"Hindi mo 'ko kailangang hawakan, mamaya may sakit ka pala, edi nahawa pa 'ko sa'yo? By the way, wala na rin namang sense kung dito kami tutuloy habang hindi naman kami dito mag aaral. Mas mabuti na ring mamukod kami, atleast malaya kaming gumalaw." Tiningnan ko ang mga kaibigan ko, nagsi-sang ayon naman sila sa sinabi ko. Alam ko na talagang sasang ayon sila sa akin dahil iyon rin naman ang gusto nila.
"Ibinilin kayo sa akin ni Celestine." Madiing saad niya, otomatiko namang tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
"Ibinilin lang, tsaka, hindi mo ba nakikitang hindi na kami mga bata na kailangan pang talian sa leeg dahil baka mawala? May mga salita nang iniwan sa amin sina Miss Celestine na binaon namin dito. At dahil doon sa salitang pinabaon nila sa amin, hindi na rin namin matutukoy kung kaaway ka ba o kakampi. Mahirap nang magtiwala sa ngayon, kaya kung ayaw mong itusta ko ng maaga kung pwede, tumabi ka sa dinadaanan ko?" Masungit na saad ko. Wala sa plano kong sungitan siya pero mayabang ang dating sa akin ng pananalita niya. Ano ba kami? Mga bata? Hindi na kami mga bata para bantayan pa. Kaya na namin ang sarili namin, hangga't sama sama kami, walang mapapahamak sa amin.
"Hindi ako natatakot sa'yo." Sagot niya na naging dahilan ng pagkainis ko. Naramdaman kong pumula ang mga mata ko pati na rin ang buhok ko. Napaatras siya ng makita niya 'yon, kaya ngumisi ako. Hindi ko alam kung paano ako bumalik sa dati kong anyo pero wala na akong pakialam do'n.
"Ako rin, hindi rin ako natatakot sa'yo." sagot ko at nilapitan siya. Narinig ko ang mga tawag ng mga kaibigan ko pero hindi ko sila pinansin, alam ko ang limitasyon ko kaya wala silang dapat na ikabahala. Gusto ko lang takutin ang isang to. Itinaas ko ang kamay ko at gumawa ng bolang apoy roon habang pinapanood siyang palayo ng palayo. Nang makuntento ako sa laki ng bolang apoy na iyon ay ibinato ko ito sa direkyon niya at pinatigil sa harapan niya.
"Oops? Already scared?" Saad ko at tumawa ng mala demonyo. Bumalik sa pagiging pokerface ang mukha ko pati na rin ang anyo ko, naging tao na ulit. Maging ang bolang apoy na ginawa ko ay naglaho.
"Hindi ako tanga para patayin ka agad. They said you're an ally, are you?" saad ko at tiningnan siyang mabuti. Hindi naman siya agad nakapagsalita dahil na rin siguro sa ginawa ko. Kaya agad akong umalis sa harapan niya at umakyat sa dorm na tinutuluyan namin, hindi na rin ako lumingon kung nakasunod sila sa akin. Paniguradong hihingi pa sila ng despensa kay Miss Liza.
-
Tama nga ako, ang tagal nilang bumalik kaya humiga na muna ako sa kama habang iniintay sila. Panigurado namang hindi na sika kakatok dahil iisa lang naman kami ng tinutuluyan. Ipinikit ko ang mga mata ko nang makarinig ako ng footsteps paakyat ng hagdan, marahil ay sila na 'yon papuntang dorm. Hindi rin nagtagal ito, at bumukas na rin ang pintuan ng dorm namin."Hoy Sapphire, alam kong gising ka kayabwagbkang magkunwari diyan." Rinig ko ang boses ni Ivonne kaya dumilat ako gamit ang isang mata.
"Bakit? Sinabi ko bang nagkukunwari lang ako?" Tanong ko at umupo sa kama. Narinig ko ang buntong hininga ni Froze pati na rin ni Scarlet. Wala naman na silang magagawa kung ganito ako e. Nakita ko ang pagirap ni Ivonne.
"I am sure that you're a monster." saad ni Ivonne habang nakatingin sa akin.
"Mahiya ka, mas mukha kang monster kaysa sa'kin." sagot ko sakaniya na ikinatawa ni Keila.
"That's why I love you, Sap. You're direct to the point." Natatawang saad ni Keila kaya naman inirapan siya ni Ivonne.
"Shut up, Kei." sagot ni Ivonne kay Keila.
"Bakit? Ikaw ba kausap ko?" Inosenteng tanong ni Kei. Napangisi nalang ako at umiling. Tumingin ako kay Scarlet na nakatingin sa akin. Otomatikong tumaas ang kilay ko, gesture namin ng salitang 'bakit?' Inalis ko sa isipan ko ang nagaaway na sina Ivonne at Keila. Dahil ibinigay ko ang atensyon ko kay Scarlet.
"Hey, I know you have a reason why you did that. Pero, Sap. Hindi tama na takutin mo si Miss para lang hindi niya tayo pakialaman." Nagpout pa si Scarlet na parang bata. Ngumisi ako at lumapit sakaniya.
"Okay, I'm sorry." Niyakap ko siya, ganun rin naman siya sa akin. Inaalo ko siya dahil medyo nagtatampo pa sa akin ito. Dahil matataas ang respeto niya sa mga nakakatandang anghel ng sky.
"I will do my best to respect them even though they don't deserve it." Saad ko sabay tawa, hinampas niya naman ako ng kamay niya pero mahina lang. She's weaker than me.
"Sige na, mag ayos na kayo. Lilipat tayo mamaya."
BINABASA MO ANG
Sky High: School Of Magic
FantasySky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017