Kabanata 15

3.8K 117 11
                                    

Kabanata 15

Hindi ko alam kung paano ko naintindihan yung sinabi ni Froze nung araw na 'yon, pero parang nagfunction yung utak ko na yun yung ibig sabihin no'n. At, yup. Kami na, hindi ko lang napansing may gusto ako sakaniya kasi laging mainit ang ulo ko sakaniya. Siguro tama yung motto sa Pilipinas, 'the more you hate, the more you love.' Hindi ko akalaing magkakagusto ako sa isang katulad niyang antipatiko at demanding.

Hindi namin sinabi sa mga kaibigan namin ang tungkol sa relasyon namin, hahayaan nalang naming sila ang makapansin, hindi 'yung sasabihin pa namin sakanila. Para kasing pinaglalandakan pa naming kami na no'n, dapat private lang para walang makisawsaw.

Nasa kwarto ako ngayon, may klase kasi kami ngayon. At balita ko may mamemeet daw kaming iba pang magiging kaklase namin galing Camelot. Ang camelot ay isa sa lugar sa labas ng Sky na sakop parin ng Kingdom namin, bukod doon, naninirahan dito ang mga Half animals, other angels at iba pang creatures like Wolves, Vampires and Hybrids. Malaki ang nasasakop ng Camelot, kaya siguro hindi rin lalagpas ng sampu ang estudyanteng makikilala namin. Pero nakakasigurado akong kasing lakas rin namin sila, sapagkat sa aming pamilya sila napunta.

Ipinusod ko ng mataas ang mahaba kong buhok. Nakasuot lang ako ng simpleng skinny jeans at sandong spaghetti strap na kulay itim. Tumingin ako sa salamin at pinailaw ang mata ko. Napangiti ako at nagsuot ng ankle boots na may heels na hindi tataas ng 3 inches. Para rin namang normal na buhay ang pamumuhay namin rito. Kaya enjoy life rin.

Paglabas ko ng banyo ay kinuha ko yung bag ko at naglakad papuntang pintuan, pagbukas ko ay bumungad sa akin dibdib ng boyfriend kong yelo. Hanggang baba niya lang kasi ako. Matangkad na 'ko, pero mas matangkad siya. Tumingala ako at tumingin sakaniya. Ngumiti agad siya ng makita ako, pero kumunot rin bigla ang noo niya ng tingnan niya yung suot ko.

"Bakit nakasando ka lang?" Tanong niya. Sinukbit ko naman ang braso ko sa braso niya. Otomatiko namang dumulas ang kamay ko sa kamay niya at naglock kagad iyon. Sinara ko na ang pinto at hinila siya papuntang elevator.

"Mainit kaya, mahirap magkaroon ng kapangyarihang apoy ah?" Ngumiti siya at bahagyang natawa.

"Pero malamig pa rin sa labas." Katwiran niya, hindi nga ko nakakaramdam ng lamig.

"Ramdam mo? Yelo ka rin kaya." Pang asar ko kaya natahimik siya. Bago pa 'ko mapahamak hinila ko na siya palabas ng elevator dahil bumukas na ito.

Paglabas namin ng building hindi ko maipagkakailang naiilang ako sa mga tingin sa amin ng ibang family, yung iba parang nang aasar na hindi malaman, yung iba naman parang nagtataka. Siguro, hindi nila akalaing magiging kami nito. Sino nga ba namang mag aakala? Eh halos magpatayan kami nito dati.

Hinigpitan niya ang hawak sa kamay ko, naramdaman ko yon kaya tumingin ako sakaniya. Ngumisi lang siya at umiling, siguro alam na niya na magtatanong ako ng 'bakit?'

Pagpasok namin ni Froze ng room naagaw namin yung atensyon nilang lahat. May kanya-kanya silang naging reaksyon pagkakita nila sa amin.

Si Scarlet nabiwatan yung ballpen niya, si Joanne napa-nganga, si Karlos nakangisi, si Alexander nanlaki yung mata, si Ivonne nakataas lang yung kilay, tapos si Jillian nakangiti sa amin. Napakagat labi naman ako, at lumingon kay Miss Celestine na may kasamang apat na bago sigurong estudyante.

"Maupo na kayo, love birds. Kakausapin ko na muna itong apat." Mapang asar na saad ni Miss Celestine kaya naman sinunod nalang namin siya at umupo sa sa upuan namin.

"Anong meron?" Paguumpisa ni Scarlet sabay nguso sa kamay namin na magkaholding hands. Ayaw kasing bitawan nito ni Froze kaya hindi ko maitakas.

"Obvious ba? Edi sila na." Mataray na saad ni Ivonne kaya napatingin ako sakaniya. Tinaasan niya naman ako ng kilay at inirapan. Anong problema no'n?

"Kailan pa? Bakit hindi niyo sinabi?" Tanong ni Joanne. Magsasalita na sana ako kung hindi sumingit si Ivonne.

"Bakit? Lahat ba kailangan nating malaman?" Sagot niya kaya napatingin ulit ako sakaniya. Bumitaw ako sa kamay ni Froze at hinagis ang upuan na pumapagit na sa amin ni Ivonne.

Third Person's Pov

Tumilapon palabas ng silid ang upuang hinagis ni Sapphire, lingid sa kaalaman niya na tila parang nag-aapoy sa pula ang kaniyang mga mata at parang nalilibutan siya ng apoy. Lumayo naman ang magkakaibigan sa dalawa dahil halata nilang delikado ang lagay nila kay Sapphire.

"Anong problema mo, Ivonne?" Matapang na tanong nito, upang sinadakin sana ang kaibigan pero hindi ito nagpatinag.

"Ikaw, ikaw ang problema ko. Feeling mo kasi ikaw na 'yung bida, pati si Froze pinatos mo." Mas lumaki ang apoy na umaligid sa katawan ni Sapphire, napaatras naman si Ivonne sa nangyari.

"Sapphire!" Sigaw ni Miss Celestine pero tiningnan lang niya ito at ibinalik ang tingin kay Ivonne.

"Wala kang alam tungkol sa akin, kaya kung pwede, manahimik ka nalang." Madiin na saad ni Sapphire. Mabilis naman pumaywang si Ivonne at tiningnan si Sapphire mula ulo hanggang paa.

"Bakit? Sino ka nga ba? Ano nga ba yung totoong ikaw?" Mausisang saad nito. Ngumisi naman si Sapphire sa dalaga. Bigla nalang itong nawala ng parang bula at mabilis na sumulpot sa likod ni Ivonne. Dinakma niya ang leeg nito at binulungan.

"Hindi mo na kailangang malaman." Saad nito at sumulpot muli sa harapan ni Ivonne, pero, sa dati na nitong anyo. Napa-nganga naman sina Scarlet sa nangyari pero mabilis rin naman silang naalarma at nilapitan ang dalawang kaibigan. Tumingin si Alex kay Sapphire ng walang emosyon, pero hindi rin niya nilapitan ang kapatid na si Ivonne, ni hindi niya manlang tinanong kung ayos lang ba ito o ano, nakatitig lang siya kay Sapphire at nalipat ang tingin kay Miss Celestine. Napayuko naman si Sapphire. Napatingin siya kay Scarlet ng hawakan siya nito at agad ring binawi.

"Ah eh, ang init mo Sapphire. Nakakapaso." Saad niya at tiningnan ang kamay na may lapnos dahil sa kainitan ng katawan ni Sapphire. Napakagat labi naman si Sapphire at hinawakan ang kamay ng kaibigan. Hindi naman nakaramdam ng init ang kaibigan ni Sapphire na si Scarlet ng hawakan siya nito. Tinakpan ni Sapphire ng kamay niya ang lapnos ni Scarlet, pumikit ito at tila may enerhiyang inilagay sa lapnos ni Scarlet pag alis niya ng kaniyang kamay ay wala na ang bakas ng lapnos sa kamay ng kaibigan.

Napa-nganga sila, pati na rin ang apat na bagong estudyanteng galing Camelot sa nangyari. Hindi naman nagsalita si Sapphire at umiwas nalang ng tingin sa mga kaibigan upang hindi na maidawit pa ng nangyari.

"Pasensya na, Miss Celestine." Saad ng dalaga at tumakbo palabas upng magtungo sa Kakahuyan o and tinatawag nilang Garden's of Eden.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon