Kabanata 13

4.3K 109 0
                                    

Kabanata 13

Third Person's Pov

"Sapphire!" Sigaw ni Scarlet ng makitang bumagsak ang kaibigan. Nagsitakbuhan sila papunta sa gawi nina Miss Celestine at Sapphire, agad namang kinuha ni Froze si Sapphire at inisandal sa dibdib niya habang gumagawa naman ng hangin si Karlos upang mahanginan at magkamalay ang kaibigan.

"Anong nangyari, Miss?" Saad ni Froze habang tinatapik sa pisngi si Sapphire.

"Pagod lang talaga siya, kailangan niya ng pahinga kasi may nalaman siya tungkol sa sarili niya."

"May alam ko tungkol kay Sapphire?" Tankng ni Alexander, ngumisi naman si Miss Celestine.

"Napanaginipan ko yung nangyari noong panahon ng reyna noon. Dahil sa kapangyarihan ko, nagtravel ako papuntang past. Kaya nalaman ko kung ano at sino talaga si Sapphire." Sagot niya. Napatango naman sila Scarlet at tiningnan ulit si Sapphire.

"Osya, dalhin niyo na 'yan sa kaniyang silid. Masyadong napagod sa pangyayari si Sapphire, kailangan niyang magpahinga." Saad nitong muli at iniwan ang mga estudyante kasama si Sapphire.

-

"Sapalagay mo, ano ang nakita ni Sapphire?" Tanong ni Scarlet habang tinatahak nila ang daan papuntang building nila.

"Hindi ko alam, alam rin nating ayaw iopen topic ni Mis Celestine 'yon kasi halata namang iniwasan niya yung mga tanong natin kanina kasi kita mo naman, iniwan tayo sa quad." Sagot ni Joanne.

"Ikaw Froze? Nababasa mo ba ang utak ni Miss Celestine kanina?" Umiling naman agad si Froze na karga karga si Sapphire.

"Sa tingin mo ba hibang si Miss Celestine? Malamang naisipan niyang saraduhin 'yung isip niya para hindi mabasa ni Froze." Sagot ni Ivonne. Umirap naman si Scarlet at humarap kay Scarlet.

"FYI, fake princess. Kayang magbasa ni Froze ng utak na nakasarado. Baka hindi ka informed." Sagot ni Scarlet kaya naman hindi nakasagot si Ivonne. At nanatili nalang na tahimik.

Nakaakyat na sila sa building nila, pero ni isa talaga sakanila walang balak magsalita. Tahimik lang si Froze na nakatingin sa bulsa ni Sapphire, unti unti namang lumabas yung susi ni Sapphire sa bulsa nito.

Inabot naman ni Froze ito at hinawakan. Napatingin naman si Scarlet kay Froze, maging sina Ivonne at Joanne napatingin sakaniya ng hawakan niya ang susi ni Sapphire na may nakaukit na apoy. Napatingin naman ang mga lalaki sakanila na parang nagtataka.

"Anong meron? Bakit ganiyan kayo makatingin kay Froze?" Saad ni Alexander. Tumngo naman si Jillian at Karlos.

"Hindi ka ba naiinitan?" Tanong ni Scarlet kay Froze. Humagalpak naman ng tawa si Alexander.

"Paanong maiinitan si Froze e taong yelo 'yan? [/laughs; patawa ka talaga Scarlet!" Napataas naman ang kilay ni Ivonne at binatukan ang kaniyang kapatid.

"Tanga! Hindi mo kasi maintindihan." Saad nito kaya si Joanne naman ang tumawa sa katangahan ng mga kaibigan.

"Hawakan niyo yung susi ni Sapphire para malaman ninyo, diba ganun naman yung mga susi natin?" Saad ni Joanne. Sumunod naman sina Karlos sa utos ng kaibigan. Hinawakan ni Alexander yung susi ni Sapphire pero agad niya ring naibato 'yon dahil sa init na naramdaman niya.

"Tangina, nakakapaso pala 'yon." Saad ni Alexander at pinalutang ang susi ni Sappgire at pinahawak kay Karlos at Jillian, kagaya ng kay Alexander, ganun rin ang naging reaksyon ng dalawa. Napataas naman ang kilay ni Froze sa inasta ng mga kaibigan.

"Anong problema niyo? Hindi naman mainit e." Saad nito at hinawakan muli ang susi ng kaibigan. Nagkatinginan naman silang lahat.

"May relasyon ba kayo ni Sapphire?" Halos mapatid sa gulat ang binata dahil sa biglaang pagtatanong ng mga kaibigan niya, lumabas na sila ng elevator at naglakad papuntabg kwarto ni Sapphire. Inilapag niya sa kama ng dalaga ang kaibigan at umupo sa tabi nito. Hindi niya sinagot ang tanong ng mga kaibigan, pero hindi naman sumuko ang mga ito sa pangungulit.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon