Kabanata 25

2.7K 88 0
                                    

Kabanata 25

"Kamusta ang first day sa loob ng room ninyo?" wika ni Anikka habang nakain kami sa Cafeteria. Gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil ayokong magsalita sakanila, pero gusto kong sabihin sakanilang impyerno ang unang araw ko sa eskwelahan na 'to. Parang gusto ko nang kainin ako ng lupa sa sobrang boring.

"Ayos naman, masaya. Approachable ang mga kaklase ko." masayang wika ni Krystel habang nakain, sumangayon naman si Keila at Anikka sa sinabi ng kaibigan. Para bang sinasabi nilang ganun rin ang naging ugali sakanila ng mga kaklase nila. Sumunod namang nagkwento si Ivette. Hindi na kami aasang magkwento ang mga kalalakihan tungkol sa first day nila kasi paniguradong nababagot lang sila sa loob ng silid aralan lalo na't wala kami roon na mapapagtripan nila.

"Akin medyo masaya, medyo lang kasi may mga insekyora sa loob ng room na hindi malaman kung bakit tingin ng tingin sa akin. Para bang ngayon lang sila nakakita ng tao." iritableng saad nito, kaya napatawa ang mga babae sa sinabi nito. Sumang ayon si Alexandrite sa sinabi ni Ivette, maharil ay gano'n rin ang nangyari sakaniya. Hindi na ako magtataka dahil maganda at makinis ang balat nito ni Alexa, kaya paniguradong hindi siya titigilan ng mga kaklase niya.

"Ikaw, Lori? Kamusta ang first day mo? Parang kanina ka pa kasing walang imik." wika ni Anikka.

"Hindi ka na nasanay kay Lori, Annie. Lagi naman talagang walamg imik si Lori maski noon pa." gatong ni Ivette at lumingon sa akin. Walang kahit anong emosyon ko siyang tiningnan at iniwasan agad ng tingin, hindi naman maangas ang pagkakasabi niya do'n. Parang tine-trace niya lang ang reality sa sinabi niyang sentence kaya hindi na ako magrereklamo ro'n.

"Ayos lang. Boring." sagot ko kay Ani na naging dahilan ng pagtawa nila. Tinapik ako ni Krystel sa braso at nagthumbs up.

"Ayos lang 'yan, masasanay ka rin." pangche-cheer up niya sakin. Ngumisi ako at tumango. Tinapos ko na ang pagkain ko at kinuha ang gamit ko.

"Alis na 'ko, magbabasa lang ako sa library." wika ko, tumango naman sila at nagpaalam sa akin. Naglakad ako papuntang library at pumasok roon upang magbasa. Kumuha ako ng ilang libro at umupo sa sulok ng library dahil ayokong makihalubilo sa mga tao.

Inabot ako ng ilang minuto sa pagbabasa pero napatigil ako dahil pakiramdam ko may nakamasid sa akin. Inalis ko ng dahan dahan ang librong hawak ko sa mukha ko at nilibot ang tingin ko sa paligid ko. Pero walang tao. Umiling ako at isinantabi ang kaisipang iyon. Marahil ay guni-guni ko lamang 'yon. Isang oras na ang natapos pero gano'n parin ang atmosphere sa gawi ko. Gamit ko ang kapangyarihan ko pero wala akong kahit anong nakikita. Isinara ko ang librong binabasa ko at binalik iyon sa lalagyan. Tumigin ako sa orasan ko at bumalik na ng silid aralan dahil malapit na ang fourth subject namin at baka malate pa ako sa klase.

Umupo ako sa pwesto ko kanina at nagbasa ng librong binili ko sa NBS kahapon, ito pa rin ang hawak ko mula kanina hanggang ngayon dahil hindi ko pa tapos ang librong ito. Kagaya kanina, gano'n pa rin ang atmosphere sa akin pero parang  sa akin lang. Dahil may kanya-kanyang ginagawa ang mga kaklase ko. Para bang wala silang pakialam sa paligid nila unless gumawa ka ng katangahan ikaw ang magiging bida. Hindi mo mahahalatang star section dahil sa mga katangahan.

Nagulat ako ng biglang bumukas ang pinto ng malakas at iniluwal no'n ang isang lalaking nakaearphone habang may hawak na libro at nakasukbit sa likod ang bag, dahil sa tabi ko na nalang ang bakante, dito siya dumaretso. Binaba niya yung bag niyo at nagpatuloy sa pagbabasa ng librong hawak niya. Gusto kong humanga dahil ngayon lang ako nakakita ng lalaking nagbabasa ng libro, dahil sina Brix kahit kailan hindi manlang humawak ng libro maski pocket book.

Inalis ko ang tingin ko sakaniya at binalik ang tingin ko sa libro. Nakikita at naririnig kong maraming nagpapakilala sakaniya at uma-approach sa isang transferee na katulad niya. Nalaman ko lang na transferee dahil sinabi ng isa sa mga kaklase ko sa kausap niya. Hindi ko kasalanang marinig, gano'n ang kapangyarihan namin. Kung titignan mo siya, hindi maipagkakailang gwapo siya. Pero mukhang suplado dahil wala siyang iniintindi sa mga kaklase naming babae. Sa halip ay nagpapatuloy lang sa pagbabasa. Ibang klase.

Napailing nalang ako at binalik ang atensyon ko sa libro, dumating na ang guro namin pero gaya kanina, hindi ako tumayo. Pero napatingin ako sa katabi ko, parang wala siyang pakialam na nariyan na ang guro namin. Parang ayaw niya ring bigyan ng pansin 'yung mga tao sa tabi niya. Napangisi ako, ayos pala ang seatmate ko. Mukhang magiging tahimik ang buong school year ko.

"Students at the back please pay attention, I have something important to say." wika ng guro namin sa harap kaya't ibinaba ko ang libro ko, gano'n rin naman yung katabi ko at tinuon ng atensyon sa guro namin.

"Lahat ng estudyante ay may karapatang mamili ng club na sasalihan nila." ibinalik ko ang tingin ko sa librong hawak ko. Wala akong pakialam tungkol dyan sa club na 'yan. Wala akong balak salihan na club.

Hinayaan ko nalang na magsalita ang guro sa harapan pero wala akong pakialam sa sinabi niya. Ni wala akong natandaan sa sinabi niya kundi yung unang sentence lang. Ang mga tao talaga, kung ano ang maisipan sasabihin. Kahit walang kwenta.

"Excuse me?" napalingon ako sa lalaking katabi ko at ibinalik ang tingin sa aking libro. Ito ang unang beses na kinausap niya 'ko. Tinaasan ko siya ng kilay, tugon ko sakaniyang pagkuha ng aking atensyon.

"Anong kukunin mong club?" tanong niya. Nakikinig pala siya? hindi halata ah.

"Wala akong pakialam do'n. Bahala na." narinig kong humagikgik siya kaya napalingon ulit ako sakaniya. Wala naman kasing nakakatawa sa sinabi ko. Inabot niya ang kamay niya sa akin na para bang nakikipagshake hands.

"Ako si Lucian, Lucian Xavier Andres. And you are?" tinitigan ko siya sa mata bago ko abutin ang kamay niya.

"Laurelie, Laurelie Camaya." ani ko at hinawakan ang kamay niya. Sabay kaming nalaglag sa upuan pagkadampi ng kamay namin sa isa't isa. Nanlaki ang mga mata ko nang marealize kong gano'n rin ang nangyari sa amin ni Froze noong nasa gubat kami ng Sky. Napalingon ako sa lalaking nakausap ko, purong itim ang mata niya at pagkurap ko ay agad nawala ito. Guni guni ko lang ba 'yon, o totoo? O sadyang, paranoid lang ako kaya ko nakita 'yon.

"What happened to the two of you? Are you okay there?" tanong ng aming guro. Tumayo ako at pinagpag ang paldang suot ko sabay itinayo ko ang upuan kong natumba gawa ng pagshake hands namin. Napatingin ako sa kamay ko pati na rin kay Lucian. Nakatingin rin siya sakin habang pabalik balik ang tingin niya sa kamay niya at sa akin.

"Anong nangyari sainyo? Dahil ba sa lindol kaya kayo natumba?" tanong ng isa sa kaklase ko. Lindol? Dahil lang ba sa lindol kaya kami natumba, o dahil sa enerhiyang narmdaman namin kaya kami natumba? Naguguluhan na 'ko. Hindi ako tumugon sa tanong ng kaklase ko at umupo nalang sa upuan ko.

"Hayaan nalang ninyo, bumalik na tayo sa ating tinatalakay. Malapit na naman ang uwian ninyo kaya makakauwi na kayo ng ligtas." saad ng aming guro at nagbalik sa kanyang tinatalakay. Napatingin ako kay Lucian na nakatingin rin pala sa akin.

"Dahil ba sa lindol 'yon, o hindi?" tanong niya sa akin. Hindi ako umimik, hindi ko rin alam. At hindi ako titigil hangga't hindi ko nalalaman.

Sky High: School Of MagicTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon