Chapter two
Mukhang sinusuwerte siya, dahil ilang araw pagkatapos niyang makuha ang kanyang certificate ay tinawagan siya ng kanyang barkada sa college.Kinukuha siyang ninang sa pangalawang anak nito.Sabi nga nila,masamang tumanggi,kaya oo naman siya kaagad.Ngunit dalawang araw bago ang binyag,naospital ang cook na kinuha nito.Pamilya,ninong at ninang,at mga malalapit na kaibigan lamang ang mga bisita,kaya cook lamang ang hi-nire ng mag-asawa.Alam ng kaibigan niya na katatapos lamang niyang mag-aral sa culinary school,at tinanong siya kung puwedeng siya na lamang ang pumalit sa may sakit na cook.Nakahanda na kung ano'ng putahe ang lulutuin,kumpleto na rin ang rekado,at may mga nag-volunteer na rin para tulungan siya sa preparations.Ang kailangan lang niyang gawin ay lutuin ang mga nakahandang rekado.Hindi naman siya tumanggi.At iyun ang kauna-unahang gig niya bilang cook.Iyun din ang nagbukas ng pintuan para magkaroon siya ng iba pang kustumer.
Noong una solo lang siya. KAsi nga maliliit na gatherings and parties lamang ang tinatanggap niya.Ang kailangan lang niyang gawin ay lutuin ang mga nakahanda ng rekado at tutulong sa pagse-serve.Pero nitong huling buwan,kailangan na niyang mag-hire ng makakasama.Lumalawak na ang network niya,at may mga nag-i-inquire na rin kung nagbibigay siya ng full catering services.At naisip niya,iyun na nga siguro ang sign na puwede na niyang simulan ang matagal na niyang balak na magtayo ng sariling negosyo.Pero kailangan pa rin niya ng puhunan.At sino pa ba ang matatakbuhan niya kundi ang pamilya niya.Kinausap niya ang kanyang ate kung puwedeng i-trade in ang kotse para sa isang service van. At kung puwedeng tulungan siyang maka-utang sa bangko. Pumayag naman ito.Sa katunayan,personal pa siyang sinamahan,dahil ginawa nilang collateral ang apartment nito.Kaagad na rin niyang inayos ang mga papeles na kakailanganin.Ini-register niya sa Department of Trade and Industry ang pangalang naisip niya: Princess Catering Services,bilang pagpupugay sa mga kapatid niya.Lahat kasi silang magkakapatid ay may Princess sa unahan ng pangalan.Mayroon na rin siyang barangay clearance at mayor's permit,TIN mula sa Bureau of Internal Revenue,at siyempre ang Sanitary Permit.Mayroon na rin siyang na-hire na mga tao na tutulong sa kanya.Si Chona ay kababaryo niya.NAhinto ito sa pag-aaral noong isang taon pagkatapos na maaksidente ang tatay nito at hindi na makapagtrabaho.Kumukuha ito ng hotel and restaurant management doon sa isang local university.Tatlong semester na lamang ay matatapos na sana ito.At ngayon ay tinutulungan na lamang nito ang Nanay na naglalako ng mga kakanin sa public market.Nabanggit nito noong huli siyang nagbakasyon na gusto nitong maipagpatuloy ang pag-aaral.Kaya ito ang kaagad na naisip niya.Si Mary naman ay high school graduate,at katulad ni Chona ay gusto din makatapos,ngunit hindi na ito kayang pag-aralin ng kanyang Lola.Pinaluwas niya ang mga ito sa Maynila,at ngayon ay kasama din niya sa bahay.Sa susunod na pasukan ay aayusin nila ang kanilang mga schedules para makapag-aral uli.
Successful ang birthday party ni Senator Ramon Alfonso,at dahil doon ibinigay din ni Ginang Alfonso ang kontrata para sa 30th wedding anniversary ng mga ito sa katapusan ng taon.Mas malaki ang nasabing handaan dahil sa guest list pa lamang ay doble na sa naging bisita sa kaarawan ng senador.
"Ate Chona,ang guwapo talaga nung anak ni Ma'am Bettina,ano?" kinikilig na wika ni Mary.Nakaupo ito sa likod,habang katabi naman niya si Chona sa harap.
"Guwapo nga,masungit naman." Sagot ni Chona.Pagkatapos ay binalingan siya ng babae. "Ate Anne,may trabaho ba tayo next weekend?".
"Wala pa naman, bakit?".
"Uuwi sana ako 'te...dadalaw kina Tatay at aayusin na rin yung mga credentials ko para makapag-transfer ako next school year.Kung makakabiyahe ako bukas,nandito na uli ako sa Biyernes.Makakahabol pa ako kung may trabaho tayo sa weekend."
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...