T2M2:4

11.4K 351 4
                                    



Chapter four

Itinigil niya ang van sa harap ng isang bahay na mataas ang bakod.

"Tama ba yung address?" tanong niya sa dalawang kasama. Oo, siya nga ang boss, siya din ang chef at siya pa rin ang driver dahil hindi pa rin kaya ng budget niya na mag-hire ng mas maraming tao. May mga part-timer siyang mga lalake.Dahil siyempre,hindi naman nila kakayaning mga babae ang magbuhat ng mga mesa at upuan,kapag ganoon na kailangan nilang mag-set up ng mga mesa.Pero hanggang doon lang ang kaya ng budget niya.

"No.54 Palanca Street, di ba ate?" si Mary ang nagsalita. Si Chona ay katulad niyang palinga-linga.Sinisiguro kung tama ba ang lugar na tinungo nila.

"Doon 'te," turo ni Chona sa kasunod na bahay, mas mababa ang bakod. Ang unang bahay na hinintuan nila ay number 54-A pala.

"Pakitawagan si Jonas...sabihin mo nandito na tayo sa tapat ng bahay ng boss niya." Iniabot niya kay Chona ang kanyang cellphone na nakaupo sa tabi niya.

Eksaktong paghinto niya, ay bumukas naman ang gate.

Napahanga siya sa itsura at laki ng bahay.Para sa kanya na nakatira sa isang ordinaryong two bedroom apartment,isa na iyung mansion.

Inaabangan na pala sila ni Jonas at at kaagad siyang sinenyasan na ipasok na sa loob ng bakuran ang van.

Si Jonas ay pinsan ni Kate, ang barkada niya noon sa college,na siya ding naging daan para maumpisahan niya ang kanyang catering services.

Tumawag ang lalake dalawang linggo na ang nakakaraan, para sa isang meeting. Kinabukasan dumating ito sa apartment/office niya para pag-usapan ng personal ang detalye ng catering project para sa amo nito. Suwerte naman na wala silang tanggap na trabaho sa araw ng dinner gathering ng amo nito kaya umu-oo na siya kaagad.At suwerte din dahil maliit na gathering lamang iyun.Usually kasi kapag malalakihang handaan linggo o buwan ang kailangan para sa paghahanda.

Ang totoo niyan bukas pa talaga ang party, pero kailangan na niyang makita ang lugar para alam niya kung paano ise-set up ang buffet table. Nasa van na rin ang mga ingredients na gagamitin niya.At naka-standby na rin ang mga part timer niya, kung kailangan pa ba nilang umupa ng dagdag na mesa at upuan.Oo,yung mga mesa at upuang ginagamit niya kapag medyo malakihang gathering ang project niya ay inuupahan lamang niya sa ngayon.

Pagkababa nila sa van ay ipinakilala sila ni Jonas ang isang babaeng halos kasing edad ng nanay niya.

" Aling Sol, si Ate Princess nga pala, at sila naman ang mga kasama niya..."

"Chona po." Pakilala ni Chona sa sarili. Ganoon din ang ginawa ni Mary.

"Halika kayo mga Ineng, pasok..." magiliw na wika ni Aling Sol.

Sumunod sila sa matanda.

Kasabay niya sa paglalakad si Jonas, at nalaman niya sa lalake na wala ngayon doon ang amo nito dahil nasa isang out of town business meeting.MAmayang gabi pa raw ito darating.

Habang naglalakad sila patungo sa kusina, di maiwasang igala ni Anne ang paningin. Mukhang bagong lipat ang amo ni Jonas.Ni wala pang kalaman-laman ang bahay.Yung sala set mukhang kade-deliver lamang.

"Although two years nang nabili ni Sir itong property, noong isang linggo lang siya lumipat dito,kaya bale house blessing na rin yung gathering bukas...."

Napangiti siya dahil parang kinumpirma lang ng lalake ang nasa isip niya.

"Ganoon ba? Halata nga eh. Kaunti pa lang mga gamit....and that's kinda good,dahil madali naming maipupuwesto ang mga mesa.About nga pala doon sa menu,wala na bang pababago ang boss mo?"Nabili na kasi nila lahat ang mga ingredients.At least kung may last minute na pagbabago may oras pa siya para mamili.Isa sa mga pagbabago noong makapag-aral siya sa culinary school ay pagiging mas metikulosa niya pagdating sa mga ingredients na gagamitin niya.Kaya isa sa mga kondisyon niya lagi kapag ganoon na may tanggap silang trabaho ay siya ang personal na mamimili ng mga ingredients.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon