Chapter 10
Agad na nagpaalam si Zara nang bumalik si JC.
"Can you drive?" sabad ng lalake habang nag-uusap silang magkapatid.
"Yes,I can drive.Why?".taas ang isang kilay na tanong ni Zara.
"Here.Take my car.Para hindi ka na mahirapang mag-commute pauwi sa apartment.At para may magamit din kayo nina Nanay at Tatay kapag bumalik kayo dito mamaya."
Lihim siyang napangiti. Talaga naman.NAgpapalapad ng papel ang lalake.
Hinarap ni Zara ang lalake. "Alam mo, hindi pa ako decided kung gusto kita o hindi para sa kakambal ko.But I will take your offer." At tinanggap nito ang susi.
"Dumaan ka doon kay Jefferson." Bilin niya.
"Mamaya na.Pag balik namin.Siguradong gusto ding makita nina Nanay ang mokong na yun." Sagot naman nito.
Biglang tumahimik ang silid pagkalapat ng pinto.
Siya ang unang nagsalita. "Hindi mo naman ako kailangang bantayan pa.Sigurado,maraming trabaho ang naghihintay sa iyo."
"Jonas can holdt the port while I'm away.Saka puwede naman akong magtrabaho habang nandito ako.Siyanga pala...ano...ah,para sa iyo." May kinuha ito sa bulsa ng pantalon nito at iniabot sa kanya.
Kumunot ang noo niya sa nakitang hawak nito.
"Aanhin ko yan?". Parang tangang tanong.
"Isuot mo.Palit nung singsing ng ate mo." Sagot nito.
"Bakit?" tanong pa rin niya. Binibigyan ba siya ng sariling engagement ring?
"Siyempre kilala ng pamilya mo ang singsing ng ate mo.Ayaw kong magkahinala sila kapag nakita nilang iyun ang suot mo." Paliwanag ng lalake.
"Bakit?" tanong pa rin niya.
"Anong bakit?"
"BAkit mo ginagawa ito? Hindi ba,the show was supposed to be for the benefit of your family only? Bakit ngayon,bakit kasama na ang pamilya ko sa audience? You're always putting me on the spot....alam mo bang sa ginawa mo,mahihirapan na tayong makawala sa isa't isa?". Napu-frustrate na tanong niya.
"I wouldn't mind." Seryosong sagot ng lalake.
"Ano'ng ibig mong sabihin?".
"Okey lang na matali ako sa iyo.I will even marry you anytime,anywhere..."
"Temporarily."
"No.'Til death do us part, puwede ding hanggang forever.You choose."
"Walang forever." Seryosong sagot niya.Kahit na medyo natatawa siya sa isinagot.Kulang na lang kasi sabihin niya 'hashtagwalangforever'.
"Meron.You plus me equals forever. Just have a little faith." Nakangiti pa ang lalake habang nagsasalita ito.Was he teasing her?
"Ang alam ko,ako yung nabagok ang ulo dahil sa aksidente.Bakit ngayon parang yang ulo mo ang may diperensiya?"
"Seryoso ako, Anne.I will marry you,if you will have me."
"Teka...teka...time out muna." Biglang nagrigodon ang puso niya sa narinig.Seryoso ba talaga ito? Kailan lang, sinabi nito na walang kasalang mangyayari,bakit ngayon parang atat na atat na siyang pakasalan ng lalake?Ni hindi pa nga nanliligaw,propose agad.Ang suwerte naman nito. "Sumakit bigla ang ulo ko.I think kailangan ko nang magpahinga."
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...