Chapter seven
MAdaling araw na uli siya dinalaw ng antok at puwede sana siyang bumangon ng late, ngunit yung katawan niya parang may sariling alarm clock.May lakad man siya o wala automatic na nagigising pa rin siya ng alas nueve ng umaga.Maliban na lamang kung naka-set talaga ang alarm clock niya sa mas maagang oras.Hindi iyun pumapalya sa nakalipas na dalawang taon.Ngunit tinatamad pa siyang bumangon,kaya itinuloy lang niya ang paghilata kahit gising na ang diwa niya.
Nag-ring ang cellphone niya. Automatic na dinampot niya ang aparato mula sa kanyang side table at sinagot ang tawag.Ni hindi na nga niya tiningnan kung sino ang caller.Ang kakambal niyang si Zara lang naman ang nangungulit sa kanya ng ganoong kaaga kapag Linggo.
Napabangon siya bigla nang magpakilala ang nasa kabilang linya.
"Naku, pasensiya na...nagising ba kita?" ang kapatid na panganay ni JC.Si Ate Carla.
"Ayy, hi-hindi a-ate...gising na rin ako, hindi pa nga lang bumabangon?".kung ano man yung antok na natitira sa katawan niya kanina,naglaho na lahat.
"Mabuti naman kung ganoon? Nakalimutan ko kasing itanong kagabi.May lakad o trabaho ka ba ngayon?"
"Eh, wala naman.Ano pong meron?" naiwasan nga niya si JC kagabi pero mukhang wala siyang kawala sa mga kapatid nito.
"Hindi pa bumabalik sa Tagaytay si Jesy, nag-overnight yun kina Mama kagabi...I was thinking,since nandito pa siya why not take this opportunity to meet up.Ano sa palagay mo?" tanong ng babae.
Nasabi na niya na wala siyang lakad o gagawin ng araw na iyun, kaya wala siyang maidahilan pa para tumanggi. Isa pa, at least may maidadahilan siya kay JC kapag nangulit ito na mag-usap sila ngayong araw na ito.Kailangan niyang mamili kung sino ang una niyang haharapin.
"Sige, Ate...saan po ba?".
"Saan ka ba nakatira?"
"Ha?" naguluhan siya pero sinabi din naman niya ang address ng apartment niya.
"Good.We'll be there...susunduin ko na si Jesy ngayon, tapos mag-usap na lang tayo kapag nandiyan na kami."
"O-okey." Wika na lamang niya, bago nagpaalam sa babae.
Paglabas niya sa kanyang silid, nakita niyang nakabihis na ang dalawang kasambahay.Parang hinihintay lamang siyang lumabas.
Nagpaalam ang dalawa na magsisimba at tutuloy na sa mall pagkatapos, baka din daw gabihin ang mga ito kasi manonood din ng sine dahil palabas na yung pelikulang inaabangan nila.
Wala namang problema sa kanya, dahil paminsan-minsan lang naman kung gumala ang mga ito. Lalo at madalas ay tuwing weekends ang mga catering projects nila.
Tinungo niya ang kusina.
Mukhang nag-tinapay lamang ang dalawa. Dahil sa nangyari kahapon, hindi siya nakakain ng husto,kaya ngayon feeling niya gutom na gutom siya.Hindi siya mabubusog sa tinapay lamang.Bigla siyang nag-crave ng Spanish omelet at chocolate French toast at fried rice.
May oras pa naman siya para maghanda ng agahan niya.
Binuksan niya ang ref at naglabas ng itlog. Mula sa counter ay kumuha siya ng dalawang pirasong patatas at isang sibuyas, ngunit nang maalalang may mga bisita nga pala siyang darating, dinagdagan na niya ang kanyang inihanda.At least may mai-o-offer man lang siya pagdating ng mga ito kung sakali.Kung hindi naman,puwedeng kainin nina Chona at Mary ang matitira niya.
Ibinabad na niya ang tinapay sa itlog at tsokolate. Uumpisahan pa lamang niyang i-prepare ang ingredients ng kanyang Spanish omelet nang may kumatok.
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...