T2M2: 12

13.3K 419 13
                                    

Chapter twelve

Isang linggo na silang kasal, at isang linggo na rin silang room mates. Oo, room mates dahil wala talagang ginagawang hakbang ang lalake para ma-consummate ang marriage nila.Pinangatawanan talaga nito,na saka lamang ito gagawa ng hakbang kapag nakumpleto na nito ang mga tasks.Talaga naman,nasobrahan na yata sa pagiging gentleman.Nakakahiya naman kung siya ang mag-initiate,at lalong nakakahiya kung mag-a-assume siya,kaya wala siyang choice kundi ang maghintay.Darating din naman siguro ang tamang panahon.Pero in fairness, isang linggo pa lang pero halos nangangalahati na ito sa romantic tasks nito.Hindi daw marunong manligaw,pero sa mga ginagawa nito araw-araw,daig pa nito ang totoong manliligaw.Kung makasuyo,wagas.Overdosed na nga siya sa kilig.Katulad na lamang kaninang umaga.Puwede naman sana niyang gamitin ang van,ngunit mapilit ang lalake.Ayaw nitong magmaneho siya hangga't hindi pa totally gumagaling ang paa at mga sugat niya.Wala siyang choice kundi ang hintayin ito para maihatid siya sa meeting place nila ng kanyang prospective client.Kaso,naipit sila sa traffic.Pagdating sa venue,halos patakbo na siya sa elavator.Nakakahiya naman sa prospective client niya na ito pa ang maghintay sa kanya.Ngunit hindi pa siya nakakalayo,ay tinawag siya ng lalake.Akala naman niya kung ano na ang naiwan niya o nakalimutan niya,kaya hinintay na rin niyang makalapit ito.At sa pagtataka niya,pagkalapit na pagkalapit nito sa kanya,lumuhod ito sa harap.Akala niya kung ano na ang gagawin ng lalake,pati ang mga ibang naroon sa parking area ay napatingin na rin sa kanila.Walang sabi-sabi ay inayos nito ang sintas ng sapatos niya.

"Be careful. Baka maapakan mo ang sintas, eh, imbes na gumaling ang paa mo ma-sprain pa." wika nito, bago bumalik sa kotse nito.

For a few seconds, she just stood there. Mabuti na lamang at nag-ring ang cellphone niya. Tumawag ang kanyang ka-meeting.She's five minutes away daw,medyo naipit lang daw sa traffic.Nakahinga siya ng maluwag matapos ibaba ang cellphone.At least hindi na niya kailangang magmadali.

Kung tutuusin, malapit lamang mula sa kinaroroonan niya ang opisina ng Montes Inc. Sinabihan na niya ang lalake kanina na magta-taksi na lamang siya pauwi pagkatapos ng meeting niya. Ngunit noong nasa loob na siya ng taksi, nagbago ang isip niya. Imbes na umuwi ay nagpahatid na lamang siya sa dating opisina.

Nakakatuwa naman na kahit dalawang taon na siyang hindi nagtatrabaho doon ay nakilala pa rin siya ni Manong Guard.Sinabi niya na dadalawin lang niya si Anneth sa marketing at si Jonas sa administration. Napaka-awkward naman kung sasabihin niya na pupuntahan niya ang asawa niya.Sa pagkakaalam niya,wala pang nakakaalam sa opisina sa nag-asawa na ang managing director.Ang usapan ay formal siyang ipapakilala kapag kasal na sila sa simbahan.

Dumaan muna siya sa second floor, kung saan naroon ang marketing office.Parang kailan lang,naisip niya nang igala niya ang paningin.Namataan niya kaagad si Anneth.Nakatutok ang atensiyon nito sa computer,kaya hindi siya kaagad napansin.

"Miss, puwedeng magtanong?" wika niya,pigil-pigil ang tawa.

Kahit kailan talaga, eskandalosa ang dating kaopisina.Noong mga unang buwan pagkatapos niyang mag-resigned,may kontak pa sila.Ngunit noong maging busy na siya sa kanyang negosyo,naging madalang na ang pag-te-text at pag-uusap nila sa telepono.

"Princess Anne Chua! Grabe siya. Ano? Saang lupalop ka ba nagpunta? Bakit ngayon ka lang nagparamdam? Grabe, kumusta ka na, girl?" sunod-sunod na tanong nito.

"Shhh....huwag kang mag-eskandalo.Nakakahiya,o,pinagtitinginan na tayo." Wika niya.May mga pamilyar pa ring mukha,at may mga mukhang noon lang niya nakita. "I'm good. Tapos na akong mag-aral and few months ago,I started own my catering services.Baka may mga kakilala na nangangailangan ng caterer,irekomenda mo naman ako." At binigyan niya ito ng dala niyang calling card.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon