T2M2: 5

11.3K 372 8
                                    

Chapter five

Hindi niya inaasahan na ganoon  pa rin katindi ang magiging reaksiyon niya sa muli nilang pagkikita ni Anne.Expected na naman niya na magkikita sila uli ng araw na iyun,at sa totoo lang excited siya,but still it was an awkward situation.Kampante siya na iparada ang katawan niya,ang hindi siya kampante ay ang reaction ng katawan niya nang makita ang babae.Mabuti na lamang at dala niya ang kanyang tuwalya,kaya mabilis niyang itinapi iyun sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.At mabuti na rin na nasa niluluto ang atensiyon ng babae kaya hindi nito nakita o napansin ang reaksiyon ng kanyang 'kaibigan'.

Paglabas niya sa back door ng kusina ay mabibilis ang hakbang na bumalik siya sa pool. Tinanggal ang nakataping tuwalya at agad na nag-dive sa pool.Kailangan niyang mahimasmasan.Calm himself bago pa dumating si aling Sol.Kaya hayun,naka-dalawang laps na siya nang dumating si aling Sol dala ang kanyang agahan.

"Umahon ka na muna diyan at kumain ." Wika ng matanda. Sampung taon lamang siya noong mag-umpisang magtrabaho sa pamilya nila si Aling Sol.Parang pangalawang nanay na nilang magkakapatid ito.Noong nagpasya siyang bumili ng bahay,si aling Sol ang una niyang naisip na makakasama sa bahay.Mabuti na lamang at pumayag ito,kahit na nabanggit na nito ang planong pag-uwi na rin sa probinsiya para makasama uli si Nelson,ang anak nito.Parang kapatid na rin niya ang lalake.Dose anyos ito noon at kaga-graduate ng elementary noong lumuwas ito sa Manila para makasama na nito ang nanay nito.Mas convenient din,dahil ang mga magulang na niya ang umako sa gastos para makapag-aral ito ng high school at college .Mas bata ito ng dalawang taon sa kanya,at dahil sa lalake naranasan niya kung paano ang maging kuya.Palibhasa,siya ang bunso at nag-iisang lalake sa kanilang magkakapatid.Alam din niya na nagkaka-edad na rin si aling Sol kaya on going na ang paghahanap nila ng dagdag na makakasama para sa mga gawaing bahay na mabibigat.

Sumunod naman siya kaagad,at umaahon na sa pool.Iniabot ni aling Sol ang tuwalya at agad naman niyang tinanggap iyun.

Medyo napakunot ang noo niya noong makita ang nakahandang pagkain.Magtatanong pa lamang siya ay naunahan na siya ng matanda.

"Si Princess ang may gawa niyan..."turo nito sa dalawang pirasong croissant at isang pan cake na nasa tray. "Ang sarap talaga ng luto ng batang iyun. Sayang nga hindi mo natikman yun beef caldereta na niluto niya para sa ulam namin kahapon. Sa sobrang sarap,hayun naubos namin." Patuloy pa ni aling Sol.

Hindi niya alam ang isasagot sa kanyang dating yaya, kaya ngumiti na lamang siya.

"O, siya...doon na muna ako sa loob.Titingnan ko kung ano ang maitutulong ko doon sa mga dalaga." Paalam ng babae.

Umupo siya at dinampot ang croissant. Kung gaano katagal na hindi sila nagkita ni Anne,ganoon na rin katagal na hindi siya nakakain ng croissant.Parang nag-iba ang lasa,kaya sinabihan na lamang niya ang mga naging assistants niya at pati si Jonas ngayon na mag-order ng kahit ano para sa breakfast niya huwag lang croissant.Dahil nasubukan na nilang mag-order sa iba't ibang bake shops ngunit iba pa rin ang lasa.Si Anne ba ang gumagawa ng mga breakfast niya noon kaya walang katulad ang lasa?Only one way to find out.Sa unang kagat pa lamang niya,alam na niya ang sagot sa kanyang tanong.All those times,buong akala niya ino-order lamang ng babae ang mga kinakain niya sa umaga katulad ng ginagawa noon ni tita Rhodora.

Pagkatapos kumain ay bumalik na siya sa kanyang silid. Noong mabili niya ang bahay, isa sa mga renovations na pinagawa niya ay ang magkaroon ng sariling daanan papunta sa swimming pool mula sa master's bedroom.Iyun ang dahilan kung bakit hindi niya alam na may mga ibang tao na sa kanyang bahay noong pumunta siya sa kusina.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon