Epilogue
Eksaktong dalawang buwan mula noong magkasundo sila ay ikinasal naman sila sa simbahan.
Ang gusto sana niya ay katulad din ng civil wedding nila na simple lamang ngunit masyadong marami na ang magtatampong mga kamag-anak at mga kaibigan kapag pati sa kasal nila sa simbahan ay hindi pa rin imbitado ang mga ito.Kaya nag-compromise na lamang sila.Sa probinsiya sila ikakasal para maimbitahan niya ang mga kamag-anak at mga kaibigan na hindi makakabiyahe kung sa Maynila ang kasalan.Pagkatapos ay magdadaos na lamang ng malaking handaan sa Maynila para maimbitahan pati na rin ang mga business associates ng pamilya nito.Noong una ayaw pumayag ang mga Lolas na hush-hush ang wedding preparations.Ang gusto ba naman ay talagang engrande,ngunit sinabihan ba naman sila ni JC na kailangan nilang magmadali bago pa mahalata ang kanyang tiyan.Naniwala naman kaagad ang mga Lolas kaya hayun ang mga ito na ang nagpurisigeng makasal sila kaagad.
Kumpleto ang barkada ng lalake dahil pati si Father Arnold ay umuwi pa talaga sa Pilipinas katulad ng pangako nito at ito ang naging main celebrant sa kasal nila.
Doon sila ikinasal sa chapel na nasa baryo nila, at ang reception ay sa malawak na bakuran ng mga Villa Roman.Ang totoo niyan, malaking tulong ang mga Villa Roman cousins at mga asa-asawa ng mga ito, kaya naging madali ang paghahanda para sa kasal.
"Ano ito? You insisted there will be no gifts for us, tapos ngayon may regalo ka naman pala." Tila nagtatampong wika ng asawa. Nasa kanyang silid na sila.Her childhood room.Doon sila dumiretso pagkatapos ng reception imbes na mag-check inn din doon sa hotel na kung saan naka-check inn ang mga dumalo galing sa Maynila.
Sa dalawang buwan nilang pagsasama bilang mag-asawa, may mga nadiskubre siyang mga paraan para mawala kaagad ang tampo nito.Ang ginawa niya, niyakap niya ito mula sa likuran.
"Kasi nga hindi ko naman yan plinano. Saka isa pa, kasalanan mo din..." pero hindi naman niya ini-elaborate kung bakit.Pigil-pigil ang pagngiti. Lumipat siya ng puwesto at muling niyakap ito."Bakit di mo muna buksan bago ka magtampo?". Kumawala siya saglit sa pagkakayakap niya para bigyan ito ng space at mabuksan ang maliit na naka-gift wrap.
"Ano'ng...?" literal na nanlaki ang mga mata nito nang makita ang laman nun.
"O, ano? Magtatampo ka pa?" abot hanggang tainga ang ngiti niya.
"You're the best, my Princess.This is the best gift ever." Ito naman ang yumakap sa kanya, pagkatapos siyang gawaran ng mabilis na halik sa labi. "But how long? At bakit ngayon mo lang sinabi?".
"Dahil hindi ko din naman alam. Akala ko yung mga symptoms na nararamdaman ko nitong mga nakaraan ay dahil lamang sa stress. May mga komprimiso akong natanguan tapos naghahanda pa para sa kasal...tapos kahapon bigla ba naman akong tinanong ni ate Grace kung buntis ako. Hindi ko talaga alam...kaya sinamahan niya ako doon sa OB niya and did some tests. I think nabuo siya that first night. Nagdilang-angel ka, sabi mo kasi sa mga Lola kailangan na nating magpakasal sa simbahan bago pa mahalata ang tiyan ko." Natatawang wika.
"Magiging Daddy na ako.Wow!Should we tell them now..."
"Hoy, excited much? Madaling araw na kaya,pagod din ang mga yan.Bukas na.We'll tell them over breakfast,okey?".
"Okey."
"Now that's settled,di pa ba natin uumpisahan ang honeymoon?".mula noong magkasundo sila,naging mas daring na siya para iparating kung ano ang gusto niya.
"Okey lang ba? Hindi makakasama sa baby? Sa iyo?".
Hindi na niya napigilan ang sarili at natawa na siya. "Ang cute mo talaga." Pinisil niya ang magkabilang pisngi ng lalake. Mukhang ang asawa pa yata ang mapaglilihian niya."Don't worry, na-lecture-an na ako ni Ate tungkol diyan.At tinanong ko din yung Doctor kahapon.And they both reassured me.It's safe.Any more questions?"
Umiling ito.Pagkatapos ay muli siyang niyakap.Mas mahigpit.
"Thank you, my Princess.Sulit na sulit yung mga araw na naaburido ako dahil sa iyo.At kahit araw-araw akong kinakantiyawan ng mga bugok kong kaibigan na under de saya na daw ako,I wouldn't change it for the world.Thank you for this gift,thank you for loving me...."
"Hoy, sobra ka na...naiiyak na ako. Seriously, thank you din kasi hindi ka nag-give up. And for the record,hindi ka under de saya.Tell that to your friends.MAhal mo lang ako kaya ganoon."
"Exactly, kasi nga mahal na mahal kita. And I would do anything that makes you happy coz that makes me happy."
Tuluyan nang nalaglag ang luha niya.But it was tears of joy.
Fin
01.09.16 osl
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...