Chapter eleven
Bago magtanghali ay nakalabas na siya ng ospital.Na-discharged na rin si Jefferson,na nangakong dadalo sa kasal mamayang hapon.Tila gustong tumutol ni JC nang marinig ang pag-imbita niya kay Jefferson,ngunit nang tingnan niya ito ng matalim,ay itinikom na lamang nito ang bibig.Gusto tuloy niyang mapangiti,ngunit pinigilan niya ang sarili.Kahit papaano may kapangyarihan din naman pala siyang patiklupin ang lalake.
Pagdating nila sa bahay ay may mga damit nang nakahanda para sa kanya at sa kanyang buong pamilya. Courtesy daw iyun ng pamilya Montes.Noong umalis pala ang mga ito sa ospital ay dumiretso sila sa isang mall at nag-shopping galore.Alam na alam ni Zara kung ano ang gusto niya sa damit kaya naman wala siyang masabi sa nakahandang isusuot niya.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" tanong ng ate niya. Nasa silid silang magkakapatid.Mahina lamang ang pag-uusap nila dahil ayaw nilang marinig iyun ng mga magulang na sa sala sa unang palapag.
"Not really. Alam niyo yung feeling na gusto mo pero parang hindi? Iyun ang nararamdaman ko.Yung feeling na nasa bangin ka, and it's either na tatalon ka or lalapain ka ng leon na humahabol sa iyo."
"But you're still doing it dahil mahal mo siya." Hindi iyun tanong kundi isang pagkumpirma mula kay Zara.
"Yun na nga eh.Mahal ko siya,pero ako mahal ba niya? Hindi ko nga ma-gets kung bakit ngayon atat na atat siyang pakasal na kami,gayung ang usapan ay mag-kukunwari lang kaming engaged for the next six months and then we'll go our separate ways."
"Baka naman na-in love na rin siya sa iyo." Ang ate Grace niya.Sa tono na tila nangangantiyaw ngunit parang pinapalakas din ang loob niya.
Tumirik ang mga mata niya.Dahil parang imposible naman yata yun.Napangiti tuloy ang ate niya.
"Pero in fairness ha," si Zara uli. "Super ang effort niya at pati na rin ang buong pamilya niya.Ipinag-shopping ba naman kaming lahat.Ang sabi,tutulungan lang namin silang pumili ng damit na isusuot mo pero hayun nga...hindi kaya nagayuma sila sa mga niluto at ipinakain mo?" nakangiting tanong nito.
"Sira!Gayuma ka diyan..." napangiti na rin siya.
Mag-aalas-singko ng hapon,dumating ang sundo nila. Parang fairy tale lang. Ngunit imbes na karwahe ay isang limousine ang sundo nila. At sa totoo lang overwhelmed siyang masyado sa mga nangyayari.Ni hindi na nga niya alam kung ano ba ang dapat niyang maramdaman.
Ngunit nang magtama ang mata nila ni JC, na sumalubong agad sa kanila,wala na,kung anuman ang agam-agam na nararamdaman niya,lumupad na lahat iyun sa ere.She loves this man,and she would really love to be married to this man.Kahit temporaryo lamang.
It was an intimate family affair.
May mga malalapit na kaibigan din na imbitado,yun nga lang hindi kompleto ang barakadahan ni JC dahil nasa ibang bansa si Jaiden.
Hindi nga niya alam kung kailan at kung paano natapos ang seremonya. Maya-maya ay may pinapapirmahan na sa kanila.
Tapos na ang kasal.
Mrs.Montes na siya!
Mixed-emotions.Iyun ang nararandaman ng mga sandaling iyun.Masaya siya,dahil natupad ang pangarap niyang maging Mrs.Montes,pero natatakot din at the same time.Dahil paano kung hindi ito mag-work out o hindi siya matutunang mahalin ng lalake?Pareho silang matatali sa isang loveless marriage.
Huminga siya ng malalim,at pilit na itinabi muna ang mga negative thoughts na pumapasok sa isip niya.
Pinagsaluhan nila ang mga pagkain na padala ni Jaiden mula sa restaurant ng pamilya nito na Urban Spoon. Ang cake ay courtesy naman nina Chona at Mary.Sa ilang buwan na pagtulong-tulong nila sa kanya natuto na rin ang mga ito na mag-bake. At in fairness, may potential ang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...