T2M2:1

26.1K 439 7
                                    

This will be the story of Anne,ang kapatid ni Grace sa 'the chosen bride'.Kauumpisa ko pa lamang sa chapter 3 and i will start uploading kapag natapos ko na ang story ni Grace,probably next month....


Chapter one

Abot hanggang tainga ang ngiti ni Anne.Kung hindi nga lang siya nasa public place,baka kanina pa siya nagsisigaw at nagtatalon sa tuwa.Katatapos lang kasi nilang mag-usap ni Mrs. Bettina Alfonso,ang asawa ng bagong senate president na si senator Ramon Alfonso.At katatapos lang din pirmahan ng ginang ang kontrata.It's official.Nakuha ng Princess Catering Services ang kontrata para sa handaan na gaganapin para sa 60th birthday celebration ng senator.

Mag-a-anim na buwan pa lamang mula noong sinimulan niya ang kanyang catering services.Mga kaibigan at mga kakilala ang mga kliyente niya lang dati.Maliliit na gatherings at parties ang karaniwang siniserbisyuhan niya.Kasi nga bago pa lamang at limited pa ang budget niya,kaya hindi pa niya kayang i-promote ng bonggang-bongga ang kanyang negosyo.Umaasa lamang siya sa mga feedbacks ng mga kustumer niya.At ang tawag na iyun ng secretary ni Mrs.Alfonso three days ago ang break na hinihintay niya.Salamat doon sa birthday party na sinervice-an nila noong Sabado.Isa sa mga bisita doon ay kaibigan ng ginang at ito ang nag-suggest na ang kanyang catering services ang kunin para sa planong birthday party para senador.Kinalunesan tumawag ang secretary nito at nagkasundong mag-meeting ngayon.Madali silang nagkasundo ng Ginang at hayun pumirma na kaagad ng kontrata.Mabuti na lamang at girl scout siya,laging handa,laging may dalang kontrata,kaya nakapagpirmahan sila kaagad.

Masaya siya,hindi lamang dahil may bago silang kustumer,kundi dahil sa wakas may big time silang kustumer.Kaya kailangan gawin niya ang kanyang best para magustuhan ng ginang ang serbisyo niya,at baka sakali irekomenda din siya nito sa mga iba pang kaibigan nito.

Nakangiti pa rin siya habang binubuksan ang pintuan ng van sa driver's side.Yung kotse ng ate Grace niya na dating ginagamit niya ay ipinalit niya para may magamit silang service van kapag may catering project sila.Siyempre,may go signal ang ate niya.Actually,kung hindi sa suporta ng pamilya niya,wala siguro siya ngayon sa kinalalagyan niya.At nagpapasalamat siya sa Diyos dahil napaka-blessed niya,dahil napaka-supportive ng pamilya niya.Tatlo silang magkakapatid.Ang ate Grace niya,isang nurse at dating OFW,at ang kakambal niyang si Zara,na isa namang teacher sa elementary doon sa bayan nila.Ang mga magulang niya ay dating mga trabahador ng pamilya Villa Roman. Sa pagtatrabaho ng mga ito sa nasabing pamilya, nagkakilala ang mga ito. Naging magkasintahan,at pagkatapos ng isang taon ay nagpakasal.MAbabait ang amo ng kanyang mga magulang. Sa katunayan,ay hindi sila itinuring na mga tauhan,kundi bilang parte na ng kanilang pamilya.May libreng pabahay din ang mga ito.At sa nasabing bahay,doon na sila isinilang at lumaking magkakapatid.At dahil ang turing ng mga Villa Roman sa mga magulang niya ay kapamilya,silang magkakapatid naman ay itinuring bilang mga apo.Lumaki silang kahalubilo ang magpipinsang Villa Roman.Isa pa iyun sa ipinagpapasalamat niya sa Diyos.Dahil kay Lola Justina Villa Roman,nakapag-aral ang ate Grace niya.At noong makapagtapos ito,ay ito na ang tumulong sa mga magulang nila para naman makatapos sila ng kakambal niya.

Noong mag-resigned siya sa kanyang trabaho bilang executive assistant ng managing director ng Montes Inc.,ang balak niya ay bumalik na sa probinsiya at doon na lamang maghanap ng trabaho.Alam naman niya na hindi kasing lucrative at kasing laki ng suweldo niya kung sakali,ang mahalaga ay may trabaho siya.Puwede din siyang mag-apply bilang instructor doon sa unibersidad na pinagtuturuan ni kuya Harley,ang isa sa mga Villa Roman cousins.Kung hindi naman,ay puwede din siyang magtinda-tinda ng mga cakes na siya mismo ang nag-bake.Pero may ibang plano pala ang tadhana sa kanya,at iyun ay sa tulong ng mga kapatid niya.

Sinagot ng kanyang ate Grace ang kanyang tuition fee para makapag-aral siya sa isang culinary school,habang si Zara naman ang sumagot sa kanyang daily allowance.

Noon pa man ay mahilig na siyang magluto,mag-experiment ng kung anu-anong pagkain.Kayang-kaya din niyang mag-bake.She didn't take that road before,noong may pagkakataon siya para pumili kung ano ang kursong kukunin niya.Ang katwiran kasi niya noon,hindi naman niya kailangan ang formal na training para magluto ng masarap.She just have to put her heart and soul into it,'ika nga.Dahil noong mga panahong iyun,she envisioned her life to be in the corporate world,nagta-trabaho sa isang opisina,naka-bussiness suit,at kahulabilo ang mga big time business owners.Pero minsan pala talaga,kung saan ka nakatadhana doon ka.Pero noong ma-realized niya iyun at gustuhin man niyang magkaroon na ng formal training,hindi niya ginawa dahil maliban sa mahal ang tuition fees,hindi na din niya maisingit sa trabaho niya.Kaya noong mag-resigned siya trabaho niya ,her sisters pushed her to take that formal training she needed.Noong una,ayaw niya,dahil saan naman siya kukuha ng pantustus sa sarili niya?Oo nga't may ipon din naman siya,pero hindi iyun magkakasya,lalo't wala na naman siyang suweldo na aasahan buwan-buwan.

"May kaunting ipon kami ng Tatay niyo,puwede mong gamitin." Wika ng Nanay niya.

"'Nay naman...ipon niyo yun ni Tatay.Okey lang ako..." tanggi niya.

"Eh,kung sagutin ko ang tuition fee mo?" sumabad ang ate Ate Grace niya.KAsalukuyang ka-video chat nila ito ngayon.Nakabalik na kasi ito sa Kent,UK kung saan nagta-trabaho.

"Ate,pinag-aral mo na nga ako,di ba? Ako ang nakatira sa bahay mo sa Maynila,at ako pa rin ang gumagamit ng kotse mo...Sobra na naman yata yun.Huwag niyo akong alalahanin...makakahanap din ako ng trabaho."

"Hindi naman namin sinasabing hindi ka makakahanap ng trabaho.Ang sa amin lang naman,you have the talent,pagyamanin mo,gamitin mo...And I'm willing to support you.Consider it as my investment..."wika pa rin ng ate niya.

"Alam mo naman kung magkano ang suweldo ng teacher,pero puwede kitang tulungan sa daily expenses mo." Sumabad si Zara.

She was speechless.Literally.Naiiyak na nga siya.Pero pinigilan niya ang sarili.

"Promise, I will pay you back..."

Natawa ang ate niya. "Hay naku,siguraduhin mo munang makakatapos ka bago mo isipin kung paano ka makakabayad.At dapat ikaw ang magba-bake ng cake sa kasal ko..."

"Oo nga...hoy, kailan ka pa naging iyakin?" tanong ni Zara.Hindi na niya kasi napigilan ang sarili.

Natawa na lamang siya,sabay pahid sa luhang umagos sa pisngi niya.

Bumalik siya sa Maynila para mag-enroll sa isang kilalang culinary school.Masyado na siyang sinusuwerte kung bachelor's degree ang kukunin niya,isa pa hindi na niya kakayanin ang apat na taon na naman sa eskuwela,kaya nagpasya siyang kumuha na lamang ng nine months program na Professional baking and pastry arts management. Marketing graduate siya pero gusto din niyang ma-improve ang kanyang managerial skills.At sa pamamagitan ng program na iyun,hindi lamang pag-be-bake at pastry making ang matutunan niya kundi pati na rin ang entrepreneurship skills.At para makumpleto ang background niya,sumunod naman niyang kinuha ang Professional Chef-accelerated program na tumagal ng six months. Kaya sa nakalipas na fifteen months,naka-focus siya sa kanyang pag-aaral.Naisantabi ang rason kung bakit bigla na lang siyang nag-resign sa trabaho niya noon.Oo,paminsan-minsan,sumasagi iyun sa isip niya,ngunit mas na pinagtuunan niya ng pansin ang sakripisyo at tiwala ng mga kapatid niya.Kaya noong matapos niya ang huling program na kinuha niya,handa na siyang harapin ang bagong propesyon niya.Gumawa siya ng isang complete study,product research,at business plan.Ang tanong: Saan siya kukuha ng puhunan? Bumalik na sa bansa ang Ate Grace niya para mag-for good dahil ikakasal na ito kay kuya Harold Villa Roman.Kaya nahiya na siyang mag-sabi dito.Pero hindi siya nawalan ng pag-asa.Alam niyang makakahanap din siya ng paraan para masimulan na ang balak na catering services.

***10.05.16 note: pasensiya na kung maraming mali...draft pa lamang ito and i haven't have the time para i-proof read...anyway,thanks for reading.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon