Chapter nine
Naguguluhan siya, hindi dahil sa aksidenteng kinasangkutan nila ni Jefferson, kundi dahil sa mga tao na nasa loob ng hospital room niya.
"Thank God, you're awake." Si ate Carla ang nagsalita. Sa tabi nito ay ang dalawang Lola at si Lolo Jesus. "JC will be here any moment. Importante kasing sumaglit siya sa opisina kaya kami muna ang magbabantay sa iyo.Naka-usap na rin niya ang mga magulang mo kagabi at nasa biyahe na raw sila ngayon.Nandito din kanina sina Chona at Mary pero may mga deliveries daw kayo ngayon at ..."
"T-tubig." Wika niya. Uhaw na uhaw ang pakiramdam niya.
Agad na kinuha ni ate Carla ang bottled water na nasa side table at nagsalin sa plastic cup na nasa tabi ng botelya. Inalalayan pa siya nito para makainom siya.
"Si Jefferson?" agad niyang tanong pagkatapos.
"As far as we know, he's doing better than you.Sa iyo kami kinabahan Anne...ilang oras ka ba namang walang malay."Sagot pa rin ng babae.
"Carla,bakit hindi mo muna tawagin yung mga nurses o di kaya ay ang doctor para ma-eksamen muna itong si Anne." Sumabad si Lolo Jesus.
"Ayy,oo nga pala.Sorry,na-excite lang ako na nagkamalay ka na.Sige,tatawagin ko muna sila..." bago pa siya makasagot ay nakalabas na ng silid ang babae.
Kinumusta siya ng dalawang Lola.Ano'ng isasagot niya? Na para siyang nag-alay-lakad mula sa isang disyerto?Na parang binugbog ang buong katawan niya? Na para siyang dinaanan ng pison?
"Huwag kang mag-aalala, iha." Nagsalita uli si Lolo Jesus."Nahuli na ng mga pulis ang reckless driver na bumangga sa inyo." Patuloy pa nito.
Bumukas ang pinto at iniluwa nun si Ate Carla.Kasunod nitong pumasok ang doctor at si JC.Sa huli nagtagal ang tingin niya.She know that look in his face. Nagpipigil lang itong sumabog.
Kinausap ng lalake ang pamilya nito.Pagkatapos ay isa-isang nagpaalam at sinabing babalik mamayang hapon.
Nasa isang tabi lang si JC habang ineeksamen siya ng doctor. Hindi pa rin maipinta ang mukha nito.
Napilitan siyang ibaling ang tingin nang magsalita ang doctor.
"We will keep you here for a few days. Just to make sure na walang ibang komplikasyon. Minsan kasi may mga delayed symptoms ang head injuries,kahit pa mild lamang ito.Kailangang sabihin o ipaalam mo kaagad sa mga nurses na nakaduty kung may maramdaman kang kakaiba katulad na lamang kung sumasakit ang ulo mo,nasusuka ka o nahihilo...So far, wala naman akong nakitang mali sa physical at neurological tests results mo. Napaka-suwerte mo pa rin dahil kahit malakas yung impact, you did not sustained any major injuries,wala ring fractures according sa x-ray mo,although I can see na medyo paga yung kanang paa mo.Hinay-hinay lang muna diyan....Kapag naghilom na ang mga sugat mo, you will be good as new."
Napaka-awkward ng mga sumunod na sandali pagkalabas ng doctor sa silid. Siguro kung hindi lang siya nakaratay sa hospital bed, kanina pa siya pinagalitan ng lalake. Iyun ang interpretasyon niya sa nakikita niyang ekspresyon sa mukha nito, kahit na hindi naman niya talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
"Really, Anne..." simula nito. "Pulling that pranked on me. Kunwari hindi mo ako kilala, at may kakambal ka pa.You and that Jefferson together is not a good idea."
Hindi siya sumagot. Ibinaling niya ang tingin.Kulang na lang ay talikuran niya ito.
"My heart literally stopped when I saw that elf truck hit your side..."
BINABASA MO ANG
The Temporary Mrs.Montes
RomanceTEASER: 'Love at first sight' si Anne sa kanyang boss na si Jesus Carlo o JC.Pero alam naman niya na hindi siya papansinin nito kaya pinakatago-tago niya ang katotohanang iyun.Sino ba naman siya,isang contractual employee na kinikilig kapag nasa mal...