T2M2: 8 part 1 & 2

11.5K 306 7
                                    


Chapter eight part 1.

"S-sir? Kayo pala..." na-concious na naman siya sa suot niya.But she calmed herself.Hindi siya puwede pahalata na nagririgodon ang puso niya.Kung bakit kasi ganoon na lamang kalakas ang epekto ng lalake sa kanya.Noon at ngayon,hindi nagbago ang epekto nito.

"Hindi na kita empleyado kaya please lang huwag mo akong tawagin ng 'sir.'" Seryoso ang mukha nito. "Can we talk now?" tanong pa.

"Kaaalis lang ng mga Lola mo, mga kapatid mo at ang Mama mo..." imbes ay wika niya, para lang huwag sagutin ang tanong nito. Nakatayo pa rin sila sa may pintuan. Pasimple siyang humawak sa gilid para kumuha ng suporta.

"I know. I saw them leave. Kanina pa ako naka-park doon sa kabilang kanto...hinihintay na umalis sila.We really need to talk." Natatandaan niya kapag ganoon na ang tono ng boses nito,he really means business.

"O-okey." Wika niya.Tumabi siya para bigyan ng espasyo ang lalake at para makapasok ito sa loob ng apartment.

Pina-upo niya ang lalake.

Hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng mga sandaling iyun.Halo-halong emosyon.Kinakabahan na excited.At nabibingi na siya sa lakas ng kabog ng dibdib niya.

Hindi naman niya nakakalimutan ang mga itinuro sa GMRC, kaya matapos mapa-upo ito ay ini-offer-an niya ito ng maiinom at meryenda. Ngunit nag-decline ito.

"Huwag ka ng mag-abala...mas mabuting makapag-usap na tayo."

Wala na siyang nagawa kundi ang umupo na rin sa katapat na silya nito. Trying very hard to look calm and collected.

"I'm sorry...really I am. I'm sorry for dragging you into this mess,my mess... Narindi na kasi ako sa kakulitan ng pamilya ko and when I saw you, I saw a way out.Alam kong napakababaw ang dahilan ko...ang gusto ko lang naman ay tigilan na nila ako...pero kaninang malaman ko na nagpunta sila dito,mukhang lalo ko lang pinalala ang problema.Dahil pati ikaw kinukulit na nila ngayon...kilala ko ang pamilya ko.Promise,I will talk to them as soon as I can.Tell them the truth..."

"No you can't..." biglang putol niya sa sinasabi ng lalake.Aba'y kapag sinabi ng lalake ang totoo,lalabas naman na sinungaling siya.

Napatitig ang lalake sa kanya.

Mabuti na lamang at mabilis siyang mag-isip."Kasi kapag ginawa mo yun, you're going to make me a liar too.And that's bad for business.Nag-uumpisa pa lang ako sa negosyo ko...at kilala ng mga Lola mo ang ilan sa mga kliyente ko.Saka,we're engaged na,di ba?." At ipinakita niya ang singsing na suot-suot niya.

"Paanong...? Kanino?"


Note: sorry bitin ang chapter 8...as usual i always have problem kapag nakarating na sa chapter na ito.I have to delete yung ibang parts kase parang lumayo yung story.Hopefully matatapos ko din later  kundi ngayon ay bukas ang buong chapter and i will upload it asap.


Chapter 8 part 2:


"Sa ate ko. Wala akong nagawa nang mangulit sila. Bakit daw hindi ko suot yung singsing kagabi. Sabi ko I don't usually wear it when I'm at work,pero wala na akong ibang mairason noong sabihin nila na wala na naman ako sa trabaho." Agad na paliwanag niya.Baka isipin nito na masyado naman siyang atat.Sus,at hindi nga ba?Kantiyaw ng isang bahagi ng isip niya.

"Again, I'm sorry. Hindi ko alam kung paano ako makakabawi sa iyo..."

Gusto na niyang sabihin na, bakit di na lang natin ito totohanin? Halos kagatin niya ang mga labi niya, para pigilan ang sarili.

The Temporary Mrs.MontesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon