CADEWE DECIDED TO FOLLOW the wide dirt roads that only led us into endless plain, green fields since none of us were good at navigation. I drove without a word and glued my eyes on the rocky path ahead of us. Kato balanced himself on her seat beside me while Bea and Ezerina sat at the back. Both of them looked around. There was nothing to see except the large expanse of green fields and the trees jutting from the side of the rough drive.
My breath hitched whenever I heard an unidentified noise, tensing until I realising it was just the chirping of the birds or the stumbling of rocks beneath us. Or even at the engine's roaring. I looked at the battery meter and it said we'd be traveling by foot later. I wished I could keep driving and be at the comfort of this car, but it seemed that it was running out of battery.
Actually, the charge of the battery wasn't the problem. Kato was here to solve it if it came to that. But then I heard the engines coughing.
Hindi lang naman 'yon ang problema. Hindi rin namin ma-access ang GPS nitong kotse dahil sira. Kaya pala nakahambalang lang 'tong sasakyan sa daan sa Asterisk Farm dahil may malfunction na pala. Siguro hindi naman na 'to hahanapin ng may-ari dahil una pa lang ay ininwan niya 'to sa gilid kalsada.
"Anong nangyari?" tanong ni Bea habang nakataas ang kaniyang kilay. Nakatingin ako sa kaniya sa rear mirror.
Bumuntung-hininga muna 'ko bago siya sagutin. "Nauubusan na ng baterya 'tong kotse. Hindi rin ako sigurado kung tatagal ba 'to hanggang sa makahanap tayo ng matutuluyan," sagot ko at inalis ang seatbelt. Binuksan ko ang pinto at lumabas ng sasakyan. "Mukhang maglalakad muna tayo." Nakatingin lang silang tatlo sa akin habang binuksan ko ang hood ng kotse at tiningnan ang baterya.
Wala akong kaalam-alam sa makinarya ng sasakyan basta't ang alam ko lang ay kung paano 'yon manehuhin.
"Ano na?" pahabol ni Bea. Lumabas na rin siya at ipinatong ang siko sa ibabaw ng sasakyan.
"Nothing," I said. "Sa tingin ko kakayanin pa nito mga ilang kilometro pa." Sinarado ko ang hood at tinapik 'to ng tatlong beses. Malayo na kami sa Asterisk Farm at hindi na namin naaaninag ang mga gusali do'n kundi mga maliliit na bahay na nasa gitna ng napakalawak na bukirin. Napatitig ako sa isang kulay dilaw na simpleng bahay na nakatirik malayo sa daan. Hindi ko mapigilang maisip kung ano kaya ang nalalaman ng mga nakatira do'n tungkol sa mga balita sa labas ng kanilang munting tahanan.
"May problema ba?" tanong ni Ezerina mula sa loob. Ibinaba niya ang bintana at sinilip kaming dalawa ni Bea.
"Hayaan mo na. We still got time," I said, looking beyond the road we have taken, back to the way we were from, to see if Goldberg's trucks were on our tail. Fortunately, they weren't. Yet.
"If ever naman na mawawalan na tayo ng baterya na'ndito naman si Kato," sabi ni Bea. Hindi na lang namin napigilang matawa ni Ezerina.
"I am not a freaking charger," Kato groaned and rolled his eyes at us. "Ang kulit."
I smiled at him through the windshield and he just stared daggers at me. He could cut me with those stare.
Pumasok na ako sa loob at sumandal sa malamabot na driver's seat. Hinayaan ko lang ang kamay ko sa manubela habang nakasara ang mata at binabaling sa ibang bagay ang aking utak. Hindi ko lang kasi mapigilang maisip kung ano ang mangyayari kung sakaling maabutan na kami ni Goldberg dito sa gitna ng daan at walang katao-taong kundi puro palay na Farmlands. Sa totoo lang, itong lugar na 'to ang least populated regions sa buong Kronos Island. And I was seeing that now.
"Cade?" tawag ni Kato sa tabi ko.
"Ano 'yon?" sabi ko at binuksan ang aking mga mata at tumingin sa kaniya.
BINABASA MO ANG
God's Rise | WOTG #2
Science FictionCOWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly awoken weapon, he plans to overthrow the Philippine government and seize the power of the most power...