Twenty-Nine

312 21 1
                                    


CADE

AFTER THE SMOKE HAD faded, we didn't waste any time and hurried to the general's hovercraft. We didn't only chase time, but also Bea's life. And as second passed by her life seeped out of her one drop at a time.

The hovercraft sliced through the clouds and we didn't feel anything inside. All of us were very still, wearing grim expressions for the deaths the attack had done. In front of me, Deo sat beside Bea who was unconscious and held her hand firmly, murmuring encouragement to fight.

She couldn't hear you.

It was all my fault. I was too slow. I was the reason why all of it happened.

The metal shard protruded from her shoulder fearing if we pulled it, it would cause a lot of blood loss. I did everything I could to lessen her hemorrhage even though my body was tired from the encounter with the annihilator jets.

Nakaupo kaming lahat sa likuran ng cockpit. Napakatahimik at napakabigat ng atmospera sa paligid. Walang nagsasalita at walang nagpangahaas para magsalita. Ganitong-ganito ang eksena iilang buwan na ang nakakalipas no'ng makatakas kami sa kamay ni Goldberg.

Lagi na lang bang ganito? Kapag kami'y may pinaplano at pakiramdam namin ay magiging maayos na ang lahat do'n pa sisipot ang mga binalak ni Goldberg. Hindi siya tao. Hindi siya kaisa sa amin. Isa siyang halimaw na kumitil ng buhay ng libo-libong mga inosente na wala namang kinalaman sa gulong 'to. Wala siyang konsesiya at ang mahalaga lang sa kaniya ay kapangyarihan.

Pero si Deo na mismo ang nagsabi na hindi siya ganito no'ng mas bata pa sila isang daang taon na rin ang nakalipas. Ibang-iba ang kapatid niya no'n. Kung gano'n ano kaya ang nagtulak sa kaniya para maging ganito? Maging sakim at uhaw na uhaw sa kapangyarihan.

What was that thing that turned him into a monster?

Katabi ko si Ezerina sa kanan at si Kato naman sa kaliwa. Naramdaman kong may lumapat na isang kamay sa kanang braso. Lumingon ako't nakita ang kamay ni Kato. Hinimas-himas niya ang aking braso na para bang sa paghimas niyang iyon ay mawawala na ang lahat ng mga problema ko sa buhay.

"Kung iniisip mo na ikaw ang may kasalanan ng lahat," sambit niya at tumingin ng deretso sa aking mata. "Tama ka. Ikaw naman talaga ang dahilan kung bakit nagkakagan'yan si Bea." Matalim ang kaniyang pagkakabitiw sa bawat salita. Nakakahiwa.

Ikinunot ko ang noo ko sa kaniya. Tiningnan naman ako ng masama ni Deo. Kung nakakamatay lang ang mga titig niyang 'yon ay siguradong patay na 'ko sa oras na lumapat ang kaniyang mata sa 'kin. "Kasalanan mong lahat ng 'to, Cade," galit niyang pagkakasabi at tumayo sa kaniyang kinauupuan. Lumapit siya ng dahan-dahan sa akin at ako ay biglaang sinakal.

Hindi ako makahinga. Naiipit ang lalamunan ko sa leeg ko at kahit anong pilit ko paghinga ay walang pumapasok na hangin. Sinubukan kong lumaban sa malabakal niyang kapit pero hindi ko magawa't pagod na 'ko. Sinubukan kong alisin ang kamay niya na mahigpit na nakapalupot sa leeg ko pero walang nangyari. Patuloy niya pa rin akong sinasakal. Patuloy niya pa rin akong pinapatay.

Tumingin ako kay Ezerina na nakatayo na ngayon sa tabi ni Deo. Walang ekspresyon sa kaniyang mukha at sa halip ay parang ayos lang ang lahat ng nangyayari. Humingi ako ng tulong sa pamamagitan ng aking mata pero hindi pa rin siya kumikilos. Ngumisi lang siya at binitiwan ang mga salitang: "Dapat lang sa 'yo yan. Wala ka nang nagawa para protektahan ang mga malalapit na tao sa buhay mo. Wala kang kwenta!" She cupped my face and a painful sensation crawled into my face. It felt like someone was tearing my skin and grinding my flesh. I let out a ear-piercing scream I thought my throat would bleed. I tried to remove her hand on my face but the pain seeped the strength left in me.

God's Rise | WOTG #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon