Fifty

131 11 0
                                    


C A D E

ANYONE COULD BURST THE tension between Ezerina and me with a pin. Anyone but us. We would rather not address it and the underground base could explode into shouting and yelling. We chose not to pour fuel on a dying ember.

I faked a cough while she focused all her attention to her hands—the same hands which almost destroyed a military base and buried us with falling debris—avoiding the general's scrutinizing stare.

"How are you both?" she asked and thankfully, dropped the topic. I almost let out a sigh of relief but my breath was caught in my throat. I breathed it back afraid if she heard it she would pick it up again.

"Ayos lang naman kami," sagot ko nang hindi sumagot si Ezerina.

"Good," sambit niya. "I'll be needing a report from each one of you." May dalang military-issued na workpad ang dalawang sundalong kasama niya at lumapit sila sa 'min at binigay 'yon. "Bea and Kato have already submitted theirs and I'm hoping you can send it to me today."

Kinuha ko ang manipis na salamin mula sa kamay ng sundalo. Malamig ito at mukhang matagal-tagal na no'ng huling nagamit. Bagong-bago pa at walang bakas ng kahit isang fingerprint.

"Kailangan namin 'yan for assessment," dagdag niya. "Ang report at dapat naka-focus sa kung paano niyo ginamit ang inyong mga abilidad."

Biglang bumalik ang tensyon sa hangin na parang pabalik-balik na multo. Nagkatinginan kaming dalawa ni Deo habang wala namang kamalay-malay si Ezerina.

Binuksan agad ni Ezerina nag workpad na binigay sa kaniya at sumayaw ang kaniyang mga daliri sa ibabaw ng keyboard at iilang sentence pa lang ang nasusulat niya ay inabot niya na agad ito sa sundalo. Tinitigan lang siya ni General Auxria and isang ngisi ang gumapang sa kaniyang labi.

"We have a required word count, Ms. Arechavaleta," sabi niya habang natitig sa inaabot na workpad ni Ezerina. "And we want you to follow it." Ngumiti siya.

Binigyan lang siya ng malupit na irap ni Ezerina na akala ko ay makakapunta na siya sa ibang dimension. Siguro isa 'yon sa mga kakayahan niya. She could roll her eyes until she could see her brain. She withdrew the thin device above her bed and crossed her arms like a child throwing a tantrum.

"Inuulit ko: hanggang ngayon na lang 'yan," sabi niya sa aming dalawa pero mostly kay Ezerina. Kinuha niya ulit ang workpad at nagsimulang mag-type habang bumubulong sa kaniyang sarili tungkol sa school works sa gitna ng giyera.

"At bago ko makalimutan," panimula ulit ng heneral. "Ang pakay ko kaya ako pumunta dito ay sabihin sa inyo na kailangan kayo sa meeting ten minutes from now. See you at the conference room." Tumalikod siya at lumabas na sa kwarto kasama ang dalawa niyang gwardiya.

"Ezerina," tawag ni Deo. Tumingala naman si Ezerina sa kaniya at tinamaan ng ilaw ang kaniyang baba. "Send mo muna sa 'kin 'yong report mo bago mo ibigay kay general."

Kumunot ang noo niya. "At bakit?"

"Basta."

"Ayoko."

Bumuntung hininga na lang si Deo sa katigasan ng ulo ng kausap niya. Mukhang desidiong hindi makikipag-cooperate sa kaniya si Ezerina kung hindi niya sasabihin ang dahilan.

"Sasabihin ko na lang sa 'yo kapag natapos mo na."

"Bakit 'di mo pa sabihin kasi ngayon?"

"Basta."

"Ayoko."

"It has something to do with your ability," Deo blurted, growing tired of Ezerina's stubborness. "And you might not want me to say it here."

God's Rise | WOTG #2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon