CADEDEO AND I WERE not unicorns or lions with eagle's wings, goat's horns and snakes for tails. We were the future of humanity and the highest species in the world. We weren't mythical creatures that only existed between the pages of children's fairy tale books.
We are real. We are here.
But Erika stared at us like we were. She looked at us like her dreams and all her fantasy stories came true before her eyes.
"Totoo pala," she said dreamily. "Kieth's telling the truth and I-"
The hatch door closed completely with a soft thud, separating us from the turbulent winds outside. Erika stood at the doorway and her air was messed up above her head and she didn't even bother to comb it with her fingers.
Hindi ko alam kung maiiyak ba siya sa pagsisisi na hindi niya pinaniwalaan si Kieth o sa saya dahil kahit patay na ang kaibigan niya ay totoo naman ang sinabi niya.
Tumayo si Deo at nilapitan siya. Nasa dibdib lang ang eye-level ni Erika at para matitigan si Deo sa mata ay kinailangan niya pang tumingala.
"Pumasok na tayo sa loob," sabi ni Deo sabay pasok.
Tumayo ako at tinitigan si Erika. Hindi pa rin siya pumapasok at sa halip ay nakatingin lang sa akin. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya't ang unang pumasok sa isip ko ay ngitian siya.
"Uh," na lang ang nasabi ko. Wala naman kasi akong ideya sa kung ano ang dapat gawin sa mga ganitong sitwasyon. "Ipapaliwanag na lang siguro ni Deo sa 'yo lahat sa loob."
Nilampasan ko siya at nauna nang pumasok. Sumunod naman siya agad.
"Kato," tawag ni Deo habang nakatayo at nakapamaywang sa gitna ng cabin. "P'wede ka nang tumayo d'yan at bumalik dito. The aircraft is in autopilot anyway."
Masaya namang hinubad ni Kato ang flight helmet sa ulo niya at bumalik na sa cabin. Umupo siya sa kinauupuan niya kanina. Nakatingin lang siya kay Deo at halatang naguguluhan sa mga nangyayari.
Nagkibit-balikat lang sa kaniya si Ezerina. Pati siya ay walng clue sa mga nangyayari.
"Erika, sit."
Sumunod naman siya at bumalik sa kinauupuan niya.
"Tell me what Kieth told you," sabi niya at humarap sa sundalo. Hindi rin namin mapigilang tumingin sa kaniya. Napatitig na lang din sa amin pabalik si Erika at hindi alam kung paano magsisimula.
"Sige lang," sabi ko. Alam kong hindi siya komportable sa titig naming lahat. Kita ko naman 'yon kung paano niya paglaruan ang mga daliri niya. "Mapagkakatiwalaan mo kami."
She took a deep breath-an inhale so audibly I thought we'd be sucked by her nose-and rubbed her palms against her closed knees. She pressed her lips together and found her black combat boot interesting.
"Hindi na ako magtataka kung bakit ka sikat sa buong Armed Forces," panimula niya. Sa wakas ay napatingin na siya kay Deo na nakatingin naman sa kaniya nang maigi. "It was supposed to be confidential pero no'ng pumasok kami sa opisina ni Colonel Hanson ay nakita namin siyang may pinapanood na isang video sa hologram niya. The screen was big enough kaya naman kahit papaano ay may naaninag kaming dalawa ni Kieth na isang taong nakalutang sa kalawakan habang may kaharap na isang malaking spacecraft." Huminga siya nang malalim at sinubukang alalahanin ang mga nangyari no'ng araw na 'yon.
"Ang susunod na lang namin nakita ay biglang inatake ng spacecraft na 'yon ang isa pang spacecraft. Pero nagulat na lang kaming pareho ni Kieth na hinarangan 'yon ng taong 'yon at hinigop 'yong makapal na laser beam.
BINABASA MO ANG
God's Rise | WOTG #2
Science FictionCOWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly awoken weapon, he plans to overthrow the Philippine government and seize the power of the most power...