CADEMY MIND RACED I thought my skull would shatter. Anxiety started to build up inside my chest, eating up my calmness. But I fought against it. The high-pitched rhythm of the alarm rung on the crowd-filled streets as the bright red lit holograms blinked violently. This way, the bold white letters pointed.
I could see a swarm of calm people making their way to the City Quadrangle as we dissolved with the crowd. Some were walking and some were jogging. The cold winds ruffled my hair and caressed my cheeks as we walked quietly towards the Quadrangle.
I breathed and closed my eyes for a second.
You're being paranoid. Paranoia won't bring you any good.
Pinaulit-ulit ko 'yon sa 'king ulo hanggang sa kumalma na ako.
"Okay ka lang?" tanong sa akin ni Kato na habang naglalakad sa tabi ko.
Tumango na lang ako at nginitian ko siya para hindi na siya mag-alala pa. Tumingin ako kay Bea na tumingin rin pabalik. Tila ba nag-uusap na kami sa pamamagitan lang ng aming mga mata.
Nagpatuloy lang kami sa paglalakad at hinayaang tangayin kami ng agos ng mga tao. Naririnig ko lang ang mga yapak, ang tunog at ang mga usapan ng mga taong nakapaligid sa amin. Nilakad pa namin ang iilang kalsada at kinalaunan ay nakarating na kami sa City Quadrangle.
No'ng una'y malawak pero nang dahan-dahan na itong mapuno ay medyo sumikip na. Hindi pala ito isang parke kundi isa pala itong lugar na pinagtitipunan ng mga tao. Mayroon ring mga humvees at mga sundalong nagkalat sa buong lugar habang nagmamasid-masid sa mga taong dumarating. Kahit saan kami tumingin ay wala kaming makikita kundi ang mga nakatira sa syudad na 'to. Sa gitna ng quadrangle ay may isang nakaangat na konkreto na para bang isang entablado.
Naghintay lang kami ng iilang minuto hanggang sa dumami pa nang dumami at kumapal pa nang kumapal ang mga tao. Siguro naman ay lahat ay nandito na. O 'yong iba'y nasa kanilang mga bahay at nanonood na lang sa kanilang mga HTV kung ano man ang nangyayari rito. Tumingin ako sa likuran at nakitang pati ang mga kalsada ay puno na rin ng mga tao.
Doon sa isang nakaangat na entablado ay mayroong isang lalaking nakatayo. Naka-uniporme siya na pangsundalo at kung titigan ang mga nakakabit na insignia sa kaniyang dibdib masasabi kong mataas ang ranggo niya. May apat rin na lalaki na nakatayo sa apat na sulok ng nakausling plataporma. Tumango siya sa isa sa mga lalaki at may pinindot. Bumuka ang lupa at humawi ang mga tao nang may lumabas na mga speaker mula sa sahig. Lumutang lahat 'yon sa ere na para bang mga malalaking langaw.
May mga hologram din na lumitaw sa tabi ng mga speakers para makita rin ng mga tao na nasa bandang likuran.
"Magandang araw sa inyong lahat," bati ng lalaki. Rinig na rinig ang kaniyang boses sa buong lugar sa tulong ng mga speaker. "Tinipon kayo lahat dito upang iparating ang balitang ito sa inyo," sambit niya. Inabot ng isang lalaki ang isang military-grade na workpad na hawak-hawak niya sa lalaking nagsasalita. Huminga muna siya ng malalim bago iparating sa buong syudad kung ano ang nababasa niya sa workpad. "Ang isla ng Thrios sa Region Craete ay wala na. Pinalaglagan ni Havierre Goldberg, ang self-proclaimed na presidente, ang naturang isla." He tapped on his workpad and a huge hologram showed up above him. Images of the island were flashed on the screens. The hole city gasped as they saw the atrocities committed against the island. Smokes were coming from the ground as it coalesced into the sky, dimming the bright afternoon sky. I couldn't see anything other than destruction and chaos. Fire was eating up the remaining ruins of the island.
BINABASA MO ANG
God's Rise | WOTG #2
Science FictionCOWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly awoken weapon, he plans to overthrow the Philippine government and seize the power of the most power...