CADESILENCE STRETCHED FOR THE whole journey. No one spoke. I could only hear nothing but the humming of Deo's car, the calmed breathing of each of us, and the whistling of the wind. The road to be taken ahead was wide and filled with humvees and other vehicles fleeing the city and going somewhere safe. I wasn't sure if there was even a place as such.
Mas maluwag ang kabilang linya ng freeway dahil wala o kakaunti na lang naman ang papuntang Edge City at karamihan do'n ay humvees o mas malaking mga military hover trucks. Kahit marami kaming kasabay sa linya namin ay maaayos at maluwag pa rin ang daloy ng trapiko. Tuloy-tuloy lang sa pagmamaneho si Deo habang katabi niya ang tahimik na si Bea na nakatitig sa bintana ng sasakyan.
Halos kalahating oras ang tinagal namin sa kalsada hanggang sa maaninag na namin ang mga nagkikislapan at mga nagtatayugang mga gusali ng Twin Cities. Nasa gilid kami ng bangin at mula dito ay kitang-kita ko kung gaano kalaki ang syudad na 'yon.
Dito na nagsimulang mas bumigat ang daloy ng trapiko. Kahit malapad ang daan ay punong-puno pa rin ang kabilang linya na papaalis ng Twin Cities. Nagsisimula na rin sigurong mag-alisan ang mga hindi naman nakatira sa syudad na 'yon.
Pahinhto-hinto at mabagal ang usad nila sa bigat ng trapiko samantalang kami ay derederetso lang. Daan-daang sasakyan ang humehelera sa kabilang kalsada at siguro'y lilisanin na nila ang syudad para makapaghanap rin ng ligtas na lugar. Nagdeklara na rin siguro ng pagrerebelde ang syudad na 'to.
Patuloy lang sa pagmamaneho si Deo at may nakita akong isang hologram sa gilid ng malapad na kalsada. Welcome to Twin Cities! The Home of Soldiers, saad nito sa kulay pulang mga letra. Habang mas nalalapit kami sa boundary ng Twin Cities ay naalala ko na tatlong syudad nga pala 'yon na pinagsama-sama para makagawa ng isang malaki at malawak na military city. Binubuo 'to ng dating bayan ng Gonzaga, Lal-lo, at maliit na parte ng Santa Teresita sa probinsiya na dating kilala bilang Isabela.
Kaunting usad pa namin ay tuluyan na kaming nakapasok at nakitang walang kalaman-laman ang mga kalsada. Walang kaming ingay na naririning kundi ang hangin at ang tunog ng mga ibon. Para bang ang syudad na ito ay inabandona na at ang mga hologram lang ang palatandaan na ang syudad na ito ay buhay pa.
Bawat hologram ay may nakalagay na:
ALL 18 YEAR-OLDS AND BELOW WITH 55 YEAR-OLDS AND ABOVE ARE REQUIRED TO EVACUATE FROM THE CITY. ALL EXCEPT TWIN CITIES' RESIDENTS WILL BE ESCORTED UPON HILLEY FREEWAY. COOPERATION IS NECESSARY FOR YOUR OWN SAFETY.
Sinuong namin ang bawat kalsada hanggang sa tumambad sa amin ang isang malaking gusali . May isa ring malawak na bakanteng lugar na mas malaki pa sa City Quadrangle ng Edge City at halos dito nagkumpulan ang lahat ng mga taong nakatira rito. Nagkalat sila sa buong lugar habang suot-suot nila ang kanilang kulay brown na uniporme. Mapababae man o lalaki ay may nakasukbit na baril sa kanilang balikat. Humuhelera rin dito ang daan-daang military hover trucks.
Naghanap lang si Deo ng isang lugar na p'wedeng pag-iwanan ng saskyan at bumaba na kami. Pinatay niya ang makina at dahan-dahang lumapat ang ilalim ng kotse sa konkreto. Bago siya bumaba ay kinuha niya ang kulay itim niyang bag. Minsan naiisip ko kung ano ang nasa loob no'n bukod sa workpad niya.
"Tara na," sambit niya at binuksan ang pinto sa tabi niya.
Bumaba naman kami agad-agad at sumunod sa kaniya. Basa ang konkretong inaapakan namin dahil sa ulan at ramdam na ramdam na naman namin ang mga malalamig na hangin.
BINABASA MO ANG
God's Rise | WOTG #2
Science FictionCOWER SO YOU SHALL BE VANQUISHED. Weeks have passed since their escape and Havierre's special project comes to its wake. With his army and his newly awoken weapon, he plans to overthrow the Philippine government and seize the power of the most power...