PROLOGUE

3.5K 102 14
                                    

'SA KABILUGAN NG BUWAN...'

Napabalikwas ako ng bangon mula sa mahimbing na pagkatulog.

Alam kong hindi panaginip itong naririnig ko.

Maagap akong bumangon at sinilip sa kawayang bintana ng aming maliit na bahay-kubo ang maliwanag na buwan sa kalangitan.

Tama!kabilugan nga ng buwan..

Napakadami talagang guni-guni na pumapasok sa aking utak kapag ganito na masama yung loob ko.

Dahan-dahan akong lumabas ng bahay habang bitbit ang pinakamamahal kong violin.

Hindi ko alintana kung hating gabi na..tutal maliwanag naman ang sinag ng buwan.

Pumunta ako sa maliit na lupaing sakahan ni Itay na hindi naman kalayuan mula sa tinitirahan naming bahay-kubo.

Hindi ko alam kung bakit hindi man lang ako nakaramdam ng takot...ganito kaya kapag masama ang loob mo?

Naupo ako sa damuhan at nagsimulang patugtugin ang aking violin.

Umalingawngaw sa kalawakan ang malamyos na tugtugin na nagmumula sa hawak kong instrumento.

Napapikit ako at pilit inaalala ang naging sagutan namin nila Inay at Itay kanina.

Nakapasa ako sa scholarship at gusto kong ipagpatuloy ang aking pag-aaral ng kolehiyo doon sa Maynila.

Pero hindi nila ako pinayagan..hindi naman sa ayaw ko sa ganitong buhay...

Gusto ko lang naman na tuparin ang pangarap ko sa buhay at gusto kong maiahon sila sa hirap.
Pero hindi nila ako naiintindihan...

Ganito nalang ba kami hanggang sa huli?

Bigla akong natigilan at marahan kong iminulat ang aking mga mata.

May naramdaman kasi akong malamig na hangin na dumaan sa aking harapan at may naamoy akong masculine scents na hinding-hindi ko pagsasawaang amuyin!

Oh my gosh!

Mabilis akong tumayo at nangangatog ang aking tuhod nang mapag-alaman kong hindi ako nag-iisa ngayon.

Isang matangkad na lalaki na nakatalikod habang nakapamulsa at nakatitig sa kabilugan ng buwan ang nasa harapan ko ngayon!

Napaatras ako at balak ko na sanang kumaripas ng takbo pero bigla akong natigilan nang bigla syang magsalita.

"Binulabog ng iyong malamyos na tugtugin ang buo kong sistema..hindi ko alam kung paano ako nakarating dito..."

Marahan syang humarap at muntik ko ng malulon ang aking dila nang tumambad sa akin ang kanyang mukha.

Saang lupalop ng mundo nanggaling ang nilalang na ito?

The tall,dark and the gorgeous man!na ngayon ay humahakbang papalapit sa akin..

Oh no!

"S-sino ka?"

Napaatras ako pero bago ko pa muling maiangat ang aking mga paa ay yapos na nya ako sa aking baywang.

"Oh!nahahawakan kita!!"

Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata sa katotohanang iyon.

Bakit?iniisip ba nya na hindi nya ako mahahawakan?tao ako at hindi hangin...

Mas lalong nanlaki ang aking mga mata nang bigla nyang sakupin ang aking mga labi.

"At nahahalikan din kita!!"

Nagpupumiglas ako mula sa kanyang pagkakahawak.

Naku!hindi na ito tama!!

Pero ni hindi man lang ako nakawala mula sa kanyang mga bisig.

"Let go of me!sino ka ba?"

Mas lalo nyang idiniin ang kanyang sarili sa aking katawan.

"You make me arouse!!"

Ano daw?

"Baliw ka ba ha?tinatanong kita kung sino ka!"

Arouse kaya ang pangalan nya?

"Zacky..."

Napalunok ako nang banggitin nya ang aking pangalan.

"That was my name...pareho ba tayo ng pangalan?"

Napahalakhak sya ng tawa na syang ikinatigagal ko.

Oh my god!

Napaka-sexy ng kanyang tawa!

"Meet me in your dreams...I'm Prince Zeneyd!"

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon