Chapter 6

1.1K 41 0
                                    

Matapos ang napakahabang byahe ay namalayan ko na lamang ang paghinto ni Ferrar sa tapat ng mataas na gate.

Kakaiba ang gate na ito..sa tingin ko kasi para syang sagradong dingding na wala man lang kakikitaan na kahit kaunting butas.

Napaawang ang aking bibig nang bigla kong tingalain ang gate.Halos umabot na kasi sa kalangitan ang taas nito.

Whoa!

"Bumaba na po kayo Zacky.."

Nakuha ni Ferrar ang aking atensyon nang bigla syang magsalita.

"Ha?bakit?"

Kunot-noong tanong ko.

"Sumunod nalang po kayo.."

Huminga muna ako ng malalim bago marahang bumaba mula sa pagkakasampa sa likod ni Ferrar.

"Ipikit nyo ang inyong mga mata at umikot po kayo ng tatlong beses..."

Ha?

Sinunod ko nalang ang instruction na binigay ni Ferrar sa akin at hindi na ako nagsalita pa.

Ipinikit ko ang aking mga mata at inumpisahan ko na ang pag-ikot.

Nagsimula akong magbilang sa aking isip.

Isa..

Dalawa..

Tatlo..

At-

"Buksan nyo na po ang inyong mga mata,Zacky!"

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit muli akong napapikit dahil nasisilaw ako sa mga nagkikislapang ilaw sa aking paligid.

Muli kong sinubukan na idilat ang aking mga mata..at-

Wow!

Lahat ng natatanaw ko ay parang mga ginto!

Parang nasa loob ako ng bahaghari.

Kumikinang ang lahat ng nakikita ko sa aking paligid.

Mula sa mga puno..

Mga mumunting ilog...

At-

Bigla akong natigilan nang maibaling ko sa aking sarili ang aking paningin.

Nakasuot ako ng kumikinang na princess gown!

Ha?napakabilis naman ah!

Umikot lang ako kanina tapos nakasuot na ako ng princess gown kaagad?

"Welcome in Fantasyland,Zacky!"

Nilingon ko si Ferrar..

So,nasa Fantasyland na pala ako ngayon..

Sumilay ang matamis na ngiti mula sa aking labi..hindi ko buong akalain na marunong din palang magsalita ng english si Ferrar.

High-tech na kabayo..

"May nakapasok na mortal!"

"May nakapasok na mortal!"

"May nakapasok na mortal!"

Bigla akong kinabahan nang marinig ko ang ingay sa paligid.

Napalinga-linga ako pero wala naman akong nakikitang nilalang sa paligid.

"Ferrar,naririnig mo ba ang mga ingay na yun?"

"Hwag mo silang intindihin...alagad din sila ng Mahal na Prinsipe!"

"Pero saan nanggagaling ang mga ingay na yun?wala naman akong nakikita ah!maliban sa ating dalawa..Ferrar!"

"Sila yung mga mahihiwagang palaka..tumingin ka sa may ilog...doon nanggagaling ang mga ingay na naririnig mo.."

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon