Chapter 13

1K 40 0
                                    

"Anong ginagawa mo dito sa ganitong oras?diba ikaw yung waitress sa restaurant na naka-encounter ko kaninang umaga?"

Gulat nyang tanong sa akin.

"Hinahanap ko yung Green Rose Mansion para mamasukan bilang katulong..."

Napansin ko ang biglang pagkunot ng kanyang noo.

"Mamasukan bilang katulong?diba doon ka naman nagtatrabaho sa restaurant na yun?"

Napalabi ako bago muling nagsalita.

"Wala na akong trabaho...pinalayas na ako ng may-ari dahil sa nangyaring eskandalo kanina.."

Napansin ko ang paghinga nya ng malalim.

"Anong pangalan mo?"

Maya-maya ay tanong nya sa akin.

"Zacky po Sir!"

"Okay Zacky...marunong ka bang magluto,at gumawa ng mga gawaing bahay..tulad ng paglilinis-"

"Lahat alam ko po Sir!"

Putol ko sa iba pa nyang sasabihin.

"Ihahatid na kita sa Green Rose Mansion..."

Ano daw?

Ihahatid nya ako sa GreenRose Mansion?

Maagap akong sumunod sa kanyang likuran habang patungo sa kinapaparadahan ng kanyang sasakyan.

Mabilis nyang binuksan ang backseat sabay sabing-

"Sakay!"

Tuloy hindi ko maiwasan ang aking sarili na hindi mataranta.

"Okay lang po Sir...maglalakad nalang ako papunta doon pero hwag nyo nalang po masyadong bilisan ang pagpapatakbo ng inyong kotse para masundan ko po kayo..."

Napakurap nalang ako nang mapansin ko ang biglang pagtigas ng kanyang anyo.

"Ang sabi ko sakay!hindi ka ba nakakaintindi?o sadyang bingi ka lang?"

Aba!galit?

Masungit....

"Amm...basang-basa po kasi ako Sir,eh!iniisip ko na baka madumihan ko yung upuan ng kotse nyo..."

Honest kong sabi...nakakahiya naman talaga,diba?

Napakadungis ko ngayon samantalang itong kaharap ko ay kumikinang ang kaguapohan!

Hindi ko napaghandaan ang biglang pagtulak nya sa akin papasok sa loob ng kotse kaya tuloy napasubsob nalang ako sa ibabaw ng upuan.

No choice...marahan nalang akong sumampa at maayos na napaupo..

Nang makita nyang hindi na ako kumibo habang kampante sa pagkakaupo ay saka nya isinara ang pintuan ng kotse sa may tapat ko bago sya gumilid para pumunta sa driver's seat.

Saglit pang nagtama ang aming mga mata buhat sa front mirror nang tuluyan na syang makapwesto sa may driver's seat.

Maagap ko namang naibaling sa ibang direksyon ang aking paningin para maiwasan ang nakakatense nitong mga titig.

"Oh magbihis ka muna..."

May inabot syang coat sa akin na sa pagkakaalam ko ay pag-aari nya siguro.

"Okay lang po Sir!kaya ko pa naman-"

"Ang sabi ko magbihis ka!"

Muli na naman akong nataranta sa tono ng kanyang pananalita.

Napaka-bossy naman ng lalaking ito...nakakatakot..

Wala akong nagawa kundi tanggapin nalang ang inaabot nyang coat.

"Yan nalang muna ang isuot mo para pamalit sa basang damit mo..."

Sabi nya habang nakatutok sa akin ang mata mula sa front mirror.

"Magbihis ka na Zacky!gusto mo bang magkasakit?"

Sabi nya ulit nang mapansin nyang hindi parin ako kumikilos.

"Eh S-Sir pakitaas nalang muna yang front mirror...nakikita nyo po kasi ako,paano ako makapagbihis?"

Napapailing nalang sya bago inangat pataas yung front mirror.

"Magbihis kana!para namang nahahawakan ka ng mga titig ko...tsk!"

Napalunok muna ako bago ko tinanggal yung suot kong blusa.

Haist Zacky...

"May pahiya-hiya ka pang nalalaman...kunwari parang Santa kung kumilos...eh sa totoo nyan hindi ka naman virgin!"

Bigla akong napaangat ng mukha nang biglang magsalita yung lalaki.

"May sinasabi ka?anong hindi na virgin?"

My eyes widened..

"Po?narinig nyo ba yung sinabi ko ngayon Sir?hindi naman kayo ang kinakausap ko Sir kundi yung sarili ko..hehe.."

Napapakamot nalang ako sa aking ulo.

"Tsss...parang baliw..."

He murmured pero malinaw parin sa aking pandinig ang kanyang sinabi.

Hindi ko nalang sya pinansin bagkus pinagpatuloy ko na ang paghuhubad ng basa kong damit.

Inamoy-amoy ko muna yung coat bago ko isinuot.

Hmmm...ang bango..

Sing-bango ni Prince Zeneyd!

Lahat kaya ng lalaki ay pareho ang kanilang amoy?

Naaamoy ko kasi sa lalaking ito ang amoy ni Prince Zeneyd eh!

The familiar smell...

Yung masculine scents!

*

*

*

Habang nasa byahe ay nakatutok lang sa labas ng bintana ang aking paningin.

Labis-labis na din ang pasasalamat ko dahil hindi na muling nagsalita yung lalaki..tahimik lang syang nagmamaneho at nakatutok lang sa daan ang kanyang paningin.

Mahabang kalsada din pala itong tinatahak ng kanyang kotse..kasi matapos ang mahabang minuto saka ko palang natanaw ang mga ilaw sa mga maliliit na pamilihan na nadadaanan namin.

Nalampasan na namin ang masukal na kakahuyan kanina.Namangha ako sa nakita,kasi sa ngayon ay nakakatanaw na ako ng liwanag.

Akala ko pa naman ay sa isang liblib na lugar nya ako dadalhin.

Napakurap ako nang tumapat kami sa isang napakagandang mansion.

Ito na siguro yung Green Rose Mansion!

Ibubuka ko na sana ang aking bibig para magsalita nang bigla akong matigilan.

Nakita ko kasi na biglang bumukas yung higanteng gate..at walang babala na ipinasok nung lalaki sa loob ang kanyang sasakyan.

Pumarada ito sa may garahe na nasa harapan ng malaking bahay.

"Sir,kilala nyo po ba ang may-ari ng mansion na ito?"

Lakas-loob kong tanong sa kanya.

"Hindi..."

Maagap nyang sagot habang tinatanggal yung seatbelt.

"Ha?eh bakit kayo nakapasok dito?"

Hindi ko na naman maiwasan ang hindi mataranta sa klase ng kanyang sagot.

Napaka-weirdo naman ng lalaking ito..

"Dahil ako ang nagmamay-ari ng mansion nato..Zacky,I'm ZEYN GREEN ROSE...your new boss!"

W-what!?

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon