Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang makarinig ako ng malamyos na tugtugin.
Bahagya pa akong napakurap nang kumikinang na silid ang aking namulatan.
Dumiritso ang aking paningin sa nakakasilaw na kisame.
Wait...
Ibig sabihin ba nito ay nakahiga ako sa malambot na kama?
Marahan kong sinalat ang makinis na sapin ng kama na kinahihigaan ko.
Teka...nasaan na kaya ako?
Bigla akong natigilan nang maamoy ko ang pamilyar na masculine scent na yun.
Prince Zeneyd...
Marahan kong ipinilig ang aking ulo at saka ako nakahinga ng maluwag nang masilayan ko ang guapong mukha ni Prince Zeneyd.
"You're awake..."
Sabi nya sa pamamagitan ng malambing na tono.
Dahan-dahan akong bumangon at naupo ng tuwid sa ibabaw ng kama.
"Anong nangyari?nasaan ang Mama mo?"
Lumapit sya akin at marahang naupo sa may gilid ng kama.
"My parents tricked me...mabuti nalang at naisipan mong sambitin ang pangalan ko ng tatlong beses.."
Ikinulong nya ako sa kanyang mga bisig kaya napayakap ako ng mahigpit sa kanyang katawan.
"Hindi tumalab ang powers ni Mama dahil naunahan ko sya...Zacky,mabuti nalang at may kakayahan kang makiramdam.."
Napakurap ako nang mariin nya akong titigan sa aking mga mata.
"Mahal mo ako diba?"
Biglang nanlamig ang aking mga kamay sa klase ng kanyang tanong.
Anong ibig nyang sabihin?
"Zacky...i need to do this..."
Hindi na ako nakahanap pa ng maisasagot dahil bigla nalang nyang sakupin ang aking mga labi.
Marahan nya akong ihiniga habang hindi parin nya ihinihiwalay ang kanyang labi mula sa aking labi.
He kissing me torridly on the lips.
Naramdaman ko nalang na marahang lumalakbay ang kanyang mga kamay sa bawat parte ng aking katawan.
Bawat dampi ng kanyang palad sa aking balat ay nang-iiwan ng kakaibang sensasyon.
Bigla akong nataranta nang bigla kong maisip ang pag-uusap namin ng kanyang Mama kanina.
Totoo kayang mapapahamak si Prince Zeneyd kapag magkaroon kami ng relasyon?
"Prince Zeneyd,wait..."
Kunot-noo nya akong tinitigan habang hinihintay ang aking sasabihin.
"Mali itong ginagawa natin...mahal kita ayokong mapahamak ka Prince Zeneyd!hwag mong suwayin ang kagustuhan ng iyong mga magulang para sayo...tawagan mo na si Ferrar at ipahatid mo na ako sa mundong pinanggalingan ko,nag-aalala na din ako baka kasi hinahanap na ako nila Inay at Itay.."
Biglang nagdilim ang kanyang anyo at marahas na umalis mula sa ibabaw ko.
Napatutop nalang ako sa aking bibig nang bigla nyang sirain ang higanteng chandelier na nakasabit sa gitna ng silid gamit ang kanyang powers.
"P-prince Zeneyd-"
Bumangon ako mula sa higaan at mabilis na tumayo para lapitan si Prince Zeneyd.
BINABASA MO ANG
PRINCE ZENEYD AND HIS WORLD
FantasyPrince Zeneyd was living in another world called Fantasyland.. The world's that full of magic. The only heir of a whole Kingdom! But his life got ruined when he fell in love.. Not with the Princess but with the woman living in another world. The wo...