Chapter 19

1.1K 42 4
                                    

Zacky's POV

Wala sa sarili na naupo ako sa may bench na nasa tabi ng kalsada pagkalabas ko mula sa Green Rose Mansion.

Marahas akong napa-facepalm nang muling sumagi sa aking isipan yung nasaksihan ko kanina.

Bigla akong natigilan nang maramdaman ko ang presensya ng isang tao na biglang naupo sa aking tabi.Kaya wala sa sariling napalingon ako para mapagsino itong taong tumabi sa akin ngayon.

"Hi!pretty girl!!"

Oh my god!his voice is so familiar...

Ang ganda ng kanyang ngiti...pero bakit parang may kakaiba sa kanya?

Oh matalas lang talaga ang aking pakiramdam?

"Sabi nila...kapag may bumabagabag sa iyong kalooban ay hwag mo daw itong takbuhan.Dapat harapin mo ang problema para maliwanagan ka.."

Napaisip ako nang marinig ang kanyang sinabi.Bakit parang pinapangaralan nya ako?stalker ko ba ang lalaking ito kaya alam nya na mayroon akong dinadaramdam ngayon?

Pero pamilyar talaga sa akin ang kanyang boses.Saglit akong napaisip at bigla nalang akong napatuwid ng upo nang mayroong sumagi sa aking isipan.

Oo,naalala ko na!

"Ferrar?"

Wala sa loob na tawag ko doon sa katabi kong lalaki ngayon.Napansin ko ang pagkagulat na rumihestro sa kanyang mukha pero maagap syang ngumiti sa akin.

"I'm not Ferrar,my name is Ferdu!bakit mo nga pala akong tinawag sa ganyang pangalan?"

"Wala lang...magkaboses kasi kayo nung kabayong nakilala ko.."

Napakagat ako sa aking labi habang nag-iisip kung magawa ba nya akong paniwalaan sa aking sinabi ngayon.O,baka naman ay iisipin nyang nababaliw na ako,aba syempre!sino ang hindi magtataka na mayroon palang kabayo na nagsasalita?

"Hahaha!sobra ka naman...sa guapong ito ay ihahambing mo lang ako sa isang kabayo?"

Nahawaan yata ako sa kanyang malakas na tawa dahil namalayan ko nalang ang aking sarili na nakikisabay na din sa kanyang pagtawa.

Bigla ko tuloy nakalimutan ang sama ng loob na dinaramdam ko kanina.

Para namang may magic ang lalaking ito...tumawa lang sya ha?tapos nadamay na nya ako kaagad!

Alam ko namang walang nakakatawa pero para kasi akong kinikiliti dito!

"See?mas lalo kang gumaganda kapag lagi kang nakatawa...keep it up!"

"Hwag mo akong bolahin!"

Biro kong sabi sa kanya para lamang maikubli ang namumula kong mukha ngayon.

"Totoo!kaya pakiusap hwag na hwag kang umiyak...i swear papangit kang talaga!gusto mo bang magmukha kang unggoy?"

"Hindi noh!"

Maagap kong sagot.

"Yun naman pala eh,kaya dapat lagi kang nakangiti,oh paano?umuwi kana...at may naghihintay na surpresa sayo sa loob ng Green Rose Mansion."

Kumurap lang ako ng isang beses pero nakakagulat dahil bigla nalang nawala si Ferdu pagkatapos nyang sabihin ang salitang iyon.

Taranta akong napatayo at nagpalinga-linga sa paligid pero talagang walang katao-tao sa paligid.

Sinalakay tuloy ako ng matinding kaba sa aking dibdib kaya wala akong ibang choice kundi muling tahakin ang daan pabalik sa mansyon.

Habang nasa daan ay muli kong binalikan sa aking isip ang huling sinabi ni Ferdu sa akin kanina.

Anong surpresa kaya ang kanyang tinutukoy?

*

*

*

Binundol ng matinding kaba ang aking dibdib dahil malakas na sigaw ang aking narinig pagkapasok ko pa lamang sa loob ng bahay.

Oh my god!si Sir Zeyn!!

Tinakbo ko ang hagdan paakyat sa kanyang kwarto dahil hindi ako maaaring magkamali..si Sir Zeyn yung nagsisigaw.

Saktong pagpasok ko sa loob ng kwarto at paglanding ng aking paningin sa nakayukong binata..kasabay ang pag-ihip ng malakas na hangin.

Hindi ko mawari kung nahihilo ba ako o ano?basta hindi ko tinantanan ng aking paningin si Sir Zeyn habang hawak ang kanyang ulo.

Dahan-dahan nyang inangat ang kanyang mukha at diretso syang napatitig sa aking mga mata.

Nanlalaki ang aking mga mata at hindi ko na rin mabilang kung nakailang beses na akong napakurap..

Ang lalaking nasa harapan ko ngayon ay walang iba kundi ang lalaking sinisisigaw ng puso ko!

"P-prince Zeneyd?"

Kinakabahan kong tawag sa kanya...oo,nakilala ko na sya ngayon..bumalik na sa aking alaala kung ano at paano ang kanyang hitsura!

"Zacky!"

Napaawang ang aking bibig..oh my god!bumalik na ang kanyang alaala!!

"Naaalala mo na ang lahat?naaalala mo na ako ngayon?"

"Zacky...oh my god!you're here!!"

Mabilis nyang hinakbang ang pagitan namin pero ni hindi pa nga sya tuluyang nakakalapit sa akin ay pareho kaming nagulat nang biglang may lumitaw na umiikot na usok.

Ang umiikot na usok ang nagsisilbing harang namin ngayon.

"Zacky,dyan ka lang at hwag kang lumabas!!"

Sigaw ni Prince Zeneyd habang inilalayo ang kanyang sarili palayo sa usok.

Naging blangko ang aking utak..wala akong maintindihan!

Anong mayroon sa umiikot na usok na ito?

"Zacky,naririnig mo ba ako?sumagot ka!!"

Muli akong natauhan nang marinig ang boses ni Prince Zeneyd mula sa kabila.

"Hindi ako aalis,Prince Zeneyd!mahal na mahal kita..hindi kita iiwan!!"

Napalunok ako ng mariin nang biglang umalingawngaw ang boses ng Mother the Queen sa apat na sulok ng silid na yun.

"PANAHON NA PARA IYONG LISANIN ANG MUNDO NG MGA MORTAL,PRINCE ZENEYD!LABING-LIMANG MINUTO LANG ANG NATITIRA PARA TULUYAN KA NANG MAKABALIK SA FANTASYLAND!!TUMAPAT KA LANG SA UMIIKOT NA USOK NA NASA HARAPAN MO NGAYON DAHIL ANG USOK NA YAN ANG MAGIGING DAAN PABALIK SA TOTOO MONG MUNDO!"

Nanginig ang aking tuhod nang malinaw sa aking pandinig ang bawat salaysay ng Mother the Queen.

Aalis na ba si Prince Zeneyd?

Tuluyan na kaming magkalayo sa isat-isa?

Biglang sumikip ang aking dibdib sa isiping iyon.Alam ko hindi naman sya pwedeng manatili dito dahil hindi naman sya isang mortal na katulad ko!

Kailangan ko na nga talagang tanggapin sa aking sarili..na hinding-hindi pwedeng magiging kami ni Prince Zeneyd..

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon