Anim na buwan ang lumipas...
*
*
*
"Hoy Zacky...bumangon kana!mataas na ang araw at nagkakagulo na sa loob ng restaurant ko dahil sa dami ng costumer..tapos ikaw,naghihilik pa din?hayyy buhay nato oh-oh...kailan ka paba magbagong buhay?twing umaga nalang..ako na ang ginawa mong alarm clock!"
Haist!twing umaga nalang ay walang palya sa kapuputak ang Ginang nato!
Hindi ba nya naiisip na late na akong natutulog sa gabi dahil sa daming hugasan ng mga pinggan sa kusina?
Marahan kong iminulat ang aking mga mata at hindi na ako nagulat pa nang mamulatan ko ang nakapameywang at nakataas kilay na si Tita Amanda.
Nagpupungas-pungas pa ako bago bumangon mula sa aking higaan.
"Maliligo na po-"
"Aba'y bilisan mo!may darating daw na VIP at dito kakain ngayong araw!!kailangang galingan mo ang iyong performance sa pagpapatugtog ng violin para mas dadami pa ang kita ng aking restaurant!"
Aba at parang kinikilig si Tita ah!sino kaya itong VIP na tinutukoy nya?
"Opo..."
Tatalikod na sana sya para tunguhin ang pintuan nang muli ko syang tawagin.
"Ah Tita?"
"Oh ano na naman?"
Kunot-noong tanong nya sa akin.
"Sigurado po ba kayo na nag-iisa lang ako noong matagpuan nyo ako na nakadapa sa may lansangan?"
"Naku Zacky!!pang-ilang beses mo na bang naitanong sa akin yan?simula nang nagkamalay ka at hanggang ngayon ay hindi mo parin nakakaligtaang itanong sa akin iyan...anim na buwan na ang lumipas hindi ka parin ba nagsasawa sa pagtatanong?dahil ako...sawang-sawa na ako sa kasasagot sa katanungan mo!paulit-ulit ko nalang ba sasabihin sayo na nag-iisa ka lang talaga o maliban nalang na may kasama kang multo at hindi ko nakikita sa mga panahon na yun?"
Haist!
Huminga muna ako ng malalim bago tumayo.
"Sige po Tita..maliligo na ako..."
*
*
*
Habang nakatingala at hinahayaan kong saluhin ng aking mukha ang patak ng tubig na nagmumula sa shower ay hindi ko maiwasan na hindi mapaisip.
Matapos ang pangyayari sa Fantasyland six months ago ay napag-alaman ko nalang na nasa loob na ako ng pamamahay ni Tita Amanda.
Hindi ko alam kung paano ako napadpad sa lugar na ito.Nagtataka ako kung bakit hindi ako nakabalik sa amin.
Kamusta na kaya sina Inay at Itay?kung alam ko lang sana kung nasaan ang aking pinanggalingan ay di sana matagal na akong umuwi sa amin.
Kaso,hindi ko matandaan kung saan ako nakatira dati.
Basta ang kwento ni Tita Amanda ay natagpuan daw nya ako na nakadapa sa may lansangan.
Kinupkop nya ako sa kadahilanan na nag-iisa lang sya sa buhay.Kailangan nyang may makakasama lalo pa at may sarili itong restaurant.
Sa tagal na pamamalagi ko sa kanyang pamamahay ay natuto na din akong magluto ng ibat-ibang putahe ng pagkain.
At sa loob ng anim na buwan na kasama ko sya ay hindi naging madali sa akin ang lahat.
BINABASA MO ANG
PRINCE ZENEYD AND HIS WORLD
FantasiaPrince Zeneyd was living in another world called Fantasyland.. The world's that full of magic. The only heir of a whole Kingdom! But his life got ruined when he fell in love.. Not with the Princess but with the woman living in another world. The wo...