Chapter 18

1K 43 3
                                    

(NARRATOR)

SA FANTASYLAND...

Halos hindi na mapakali ang Mother the Queen dahil sa kaiisip kung bakit bigla nalang nagbago ang isip ni Zacky.

Wala na..nawawalan na sya ng pag-asa kung talagang bibitaw na si Zacky buhat sa pagmamahal nya kay Prince Zeneyd.

Mawawalan na ng saysay ang lahat ng kanyang efforts para lamang maging secured ang buhay ni Prince Zeneyd sa ibabaw ng mundo na kung saan mga mortal lamang ang umi-exist.

Oo,hindi pinabayaan ng Mother the Queen ang kanyang anak na maghirap sa mundo ng mga mortal.

Binatikos nya ang kagustuhan ng Father the King na pahihirapan nito ang sariling anak bilang parusa.

Lingid sa kaalaman ng Father the King na palihim na kinokontrol ng kanyang asawa ang takbo ng buhay ni Prince Zeneyd sa ibabaw ng mundo.

Ang Mother the Queen ang nagbigay ng lahat kung bakit nagkaroon ng sariling mansyon si Prince Zeneyd simula ng itakwil sya ng sariling ama palabas ng Fantasyland.

Pero kung lahat ay magagawa ng Mother the Queen sa pamamagitan ng kanyang mahiwagang power's..isa lamang ang hindi nya kayang kontrolin.

Ito ay ang ibalik sa dati ang alaala ni Prince Zeneyd.

Dahil hindi nya kayang kalabanin ang lakas ng power's ng Father the King...sa ngayon ay kontrolado ng Father the King ang buong pag-iisip ng kanilang anak.

At kung may paraan man na maaaring bumalik sa dati ang lahat..

Si Zacky lamang ang nag-iisang paraan para bumalik sa normal ang takbo ng buhay ni Prince Zeneyd.

Ang problema..bigla nalang nagbago si Zacky at hindi na sya nakikinig sa kung ano pa ang sasabihin ng Mother the Queen sa kanya!

Kapag nalulungkot at naiiyak si Zacky ay mas lalong maglalaho ang mga alaala ni Prince Zeneyd buhat sa kanyang nakaraan.

Ang tanong paano pangingitiin ng Mother the Queen si Zacky kung hindi na sya pinapaniwalaan pa ng dalaga?

At iginigiit pa nito sa kanya na nagkamali lang sya ng inaakala!

Hindi na naniniwala si Zacky na si Zeyn at Prince Zeneyd ay iisa!

Paano kung maisipan ni Zacky na aalis mula sa Green Rose Mansion?

Hindi sya pwedeng umalis mula doon..

Hindi pwede..

Ngayon pa na unti-unti ng bumabalik ang mga alaala ni Prince Zeneyd?

Kaya nag-isip ng paraan ang Mother the Queen kung paano nya mapanatili sa loob ng Green Rose Mansion si Zacky.

Mabilis nyang pinatawag si Ferrar!

Kailangan nya ang tulong ng mahiwagang kabayo na syang pinagkakatiwalaang alagad ni Prince Zeneyd.

"Bibigyan kita ng trabaho Ferrar at ipangako mo sa akin na hindi mo ako kayang biguin!"

Panimula ng Mother the Queen nang makaharap nya ang puting kabayo.

"Makakaasa po kayo Mother the Queen!"

Tumango lang ang Mother the Queen bago nagpatuloy sa pagsasalita.

"Gagawin kitang tao at palalabasin kita mula dito sa Fantasyland!magpakilala ka kay Zacky at wala kang gagawin kundi ang pagaanin ang kanyang kalooban..pangitiin mo sya at patawanin...pero ang tanging makakakita sayo ay si Zacky lamang!kaya bago mo gawin ang iyong misyon kapag nagkataong nag-iisa si Zacky!"

Mabilis namang tumalima si Ferrar matapos marinig kung ano ang binabalak ng Mother the Queen.

*

*

*

"Kailangan mo ba talagang gawin ito?Mother the Queen?"

Napahinto sa paglalakad ang Mother the Queen nang marinig ang boses ng kanyang asawa mula sa kanyang likuran.

"Hindi ka ba naaawa sa akin?labis akong nangungulila nang mawala sa aking piling si Prince Zeneyd!alam mong hindi ko makakaya kapag hindi ko nakakasama ang ating anak,Father the King!pabalikin mo na si Prince Zeneyd..parang awa mo na!"

"Pabalikin?ni hindi pa nga nya nalalampasan ang parusang iginawad ko sa kanya?paano natin malalaman kung talagang karapat-dapat nga ang babaeng mortal na iyon para sa kanya!hindi sapat ang pagmamahalan nila para sa isat-isa para sisirain ko ang tradisyon ng angkan natin,Mother the Queen."

"Bakit?hindi mo ba naranasan kung paano magmahal?hindi ba halos magpakamatay ka narin noon dahil hindi ako ang napili ng iyong mga magulang para ipakasal sayo?"

"Iba ka...hwag mong ihambing ang iyong sarili sa isang babaeng mortal Mother the Queen!karapat-dapat kang ipaglaban dahil iisa ang lahi natin!"

"Pero...pareho lang naman Father the King!isa mang babaeng mortal si Zacky pero nararamdaman ko na wagas ang pagmamahal nya kay Prince Zeneyd!katulad mo...magiging masaya ka kaya katulad ngayon kung naipakasal ka sa iba?bakit hindi mo iniisip kung ano ang nararamdaman ng anak natin Father the King?kung ipipilit mo ang iyong gusto ay hinding-hindi magiging masaya si Prince Zeneyd kahit kailan!"

Nagpatuloy sa paghakbang ang Mother the Queen matapos nyang sabihin iyon.

"Mother the Queen-"

"Hwag mo muna akong kausapin hanggat hindi nagbabago ang iyong disisyon,Father the King!at hinding-hindi mo ako mahahawakan hanggat hindi mo naibabalik sa akin ang anak ko!"

Matigas na saad ng Mother the Queen.

Naiwang napapaisip ng malalim ang Father the King..masakit para sa kanya ang biglang paglayo ng kalooban ng kanyang asawa sa kanya.

Simula ng itinakwil nya ang sariling anak ay doon din nagsimula ang pagdistansya ng Mother the Queen sa kanya.

At nasasaktan sya sa katotohanang iyon!

Mawala na ang lahat...hwag lang ang pagmamahal ng Mother the Queen sa kanya.

Dahil hindi biro ang pagsasakripisyo nya noon para lamang ipaglaban ang nag-iisang babae sa buhay nya!


☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon