Chapter 2

1.5K 55 0
                                    

Isang linggo na ang lumipas ay hindi na muling nagparamdam si Prince Zeneyd.

Sa katunayan nyan ay unti-unti ko narin syang nakakalimutan.Iniisip ko na baka guni-guni ko nga lang ang lahat ng mga pangyayari nitong nakaraang mga araw.

Sa loob kasi ng isang linggo ay walang palya ang ginagawa kong paglabas mula sa bahay pagsapit ng hating-gabi.

Nahinto lang ako sa ginagawa nang minsang nakita ni Itay ang paglabas ko mula sa bahay.Mabuti nalang at kaagad akong nakahanap ng dahilan kaya hindi naman sya nagalit.

Kaya back to normal na ngayon ang buhay ko.Ayoko ng guluhin pa ng Prince Zeneyd na yun ang utak ko.

Naguguluhan kasi ako sa isipin na kung umi-exist ba sa mundo si Prince Zeneyd.

*

*

*

Sa wakas ay naging peaceful na nga ako sa aking pagtulog..

Pero iyon ang inaakala ko!

Sa himbing ng aking pagtulog ay bigla nalang bumigat ang aking katawan.

Pakiramdam ko ay may mabigat na bagay na nakadagan sa ibabaw ko.

Kumalat sa loob ng aking silid ang masculine scent na yun.

That smell...

Nakaramdam ako ng mainit na hininga na tumatama sa aking mukha.

Kung hindi ako nagkakamali ay pakiramdam ko na parang ginagawaran ako ng soft kisses mula sa aking noo...

Sa aking magkabilang pisngi...

Sa ilong...

Sa baba...

Sa bawat gilid ng aking labi...

At tumagal iyon sa ibabaw ng aking labi!

Pinipilit kong igalaw ang aking katawan at gusto kong imulat ang aking mga mata pero hindi ko magawa.

What happen?

Binabangungot kaya ako?

Inay!Itay!!!

Ahhhhhhh!!!!

Sinikap kong tumagilid ng higa and thanks heaven dahil nagawa ko naman.

Pero sa ginawa ko ay tuluyan nang nagising ang aking diwa.Napaupo ako at tuluyan ng tumayo.

Parang may sariling isip ang aking mga paa dahil dinadala nila ako palabas ng bahay.

Saka lang ako natauhan nang mamalayan kong andito na ako sa lupaing sakahan ni Itay.

Dumampi sa aking balat ang simoy ng malamig na hangin...napapikit ako at pinakiramdaman ang katahimikan ng buong paligid sa kalaliman ng gabi.

Bigla na naman akong natigilan nang masamyo ang masculine scent na yun.

Pero bago ko pa tuluyang maimulat ang aking mga mata ay naramdaman ko nalang na may matitigas na braso na nakayakap sa akin.

Marahan nyang itinaas ang magkabila kong braso at ipinulupot sa kanyang leeg.

Napasinghap ako nang maramdaman kong pinagdikit nya ang aming noo.

"Naistorbo ba kita?"

Bahagya akong napadilat at guapong mukha ni Prince Zeneyd ang namulatan ko.

"P-Prince Zeneyd?"

"Mmm..."

Oh god!he's here!!

Ngayon ko lang napagtanto na nagsasayaw pala kami sa ilalim ng sinag ng buwan.

"Bakit ngayon ka lang nagpakita sa akin?isang linggo na ang lumipas..."

May bahid na pagtatampo sa aking boses.

"Isang araw palang Zacky..."

Ha?marunong ba syang magbilang ng araw?

"Isang araw ang katumbas ng isang linggo sa mundo na ginagalawan ko..."

Anong ibig nyang sabihin?

"Alam kong hindi mo naiintindihan...gusto mong ipasyal kita?"

Biglang nanlamig ang aking mga kamay nang may biglang pumasok na nakakakilabot na palaisipan sa aking utak.

"Hwag kang matakot sa akin Zacky,please...hindi kita sasaktan..."

Mas lalong nanginig ang aking tuhod dahil may kakayahan din syang basahin kung ano ang isinisigaw ng utak ko.

Bigla nyang inilayo ang kanyang mukha mula sa pagkakadikit ng aming mga noo at marahan nyang hinawakan ang aking baba.

Bago pa ako nakapag-react ay nagawa na nyang sakupin ang aking mga labi.

Napapikit ako at pilit na itinakwil ang takot na namumuo sa aking puso at isipan.

Hindi nya ako sasaktan...yun ang sabi nya diba?

Then,I'll kissed him back!

Hindi sya mortal pero bakit nya ako nahahawakan at nahahalikan?

His lips was gentle and sweet...

Hindi kaya imagination ko lang ang lahat ng ito?

"Prince Zeneyd-"

I cut our kissing scene para sana magtanong pero ni hindi ko pa nga natapos ang aking sasabihin ay kaagad na nya itong nasagot.

"It's real,Zacky...hindi ito panaginip,totoong magkasama tayo ngayon at totoong magkahalikan!"

Sunod-sunod ang ginawa kong paglunok.

"Bukod sa akin...sino pa ba ang makakakita sa 'yo Prince Zeneyd?"

"Zacky...I'm visible in your eyes only!"

"Kapag laman ka ng aking panaginip-"

"I'm using my power kahit na hindi ako makatakas mula sa fantasyland para makausap kita..."

"Fantasyland?at...at...mayroon kang power?"

Bahagya syang ngumiti at marahan nyang pinisil ang aking pisngi.

"Mas maganda kung isasama kita sa Fantasyland at para maipakita ko sayo kung sino at ano ang totoong ako.."

"Bakit,pwede bang pumunta doon ang mortal na katulad ko?"

Bigla syang natigilan sa klase ng tanong ko.

"Susubukan natin..."

Bakit parang hindi sya sigurado sa kanyang naging sagot?

"Zacky,kahit anong mangyari ay magtiwala ka lang sa akin,okay?"

Ngumiti nalang ako at bahagyang napatango bilang sagot.

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon