Chapter 20

1.1K 37 0
                                    

"PRINCE ZENEYD,ITS TIME FOR YOU TO LEAVE,SON.."

Muling pumangibabaw ang boses ng Mother the Queen.

"Zacky,kailangan mong sumama sa akin!"

Bigla akong nataranta nang marinig ko ang pagsusumamo ni Prince Zeneyd.

Ako?sasama sa kanya?

Pero paano ang mga magulang ko na hanggang ngayon ay hindi ko parin natatagpuan?

Paano kung sasama ako sa kanya ay hindi na ako makakabalik dito sa totoo kong mundo?

Makakayanan ko ba na tuluyan na akong manatili sa mundo na kanyang ginagalawan?

Pero isa akong mortal!at galit sa akin ang Father the King.

"Hayaan mo na ako Prince Zeneyd!sumunod ka na sa kagustuhan ng Mama mo!sige na umalis kana..."

"Ayaw mong sumama sa akin?"

"Kailangan ko munang makita ang mga magulang ko,Prince Zeneyd!"

Hindi ko naaaninag kung ano ang naging ekspresyon ng kanyang mukha sapagkat nakaharang sa amin ang umiikot na usok.

"MAMA,GUSTO KONG MANATILI DITO SA MUNDO NG MGA MORTAL...AYOKO NANG BUMALIK SA FANTASYLAND!"

Pakiramdam ko ay halos malaglag ang aking panga buhat sa narinig.

Seryoso ba sya?

"HINDI MO PWEDENG GAWIN IYAN,PRINCE ZENEYD!NAG-IISA KANG TAGAPAGMANA KAYA KAILANGAN MONG BUMALIK!"

Napuno ng tensyon ang paligid nang pumangibabaw na naman ang boses ng Mother the Queen.

"PERO AYOKONG IIWAN NG MAG-ISA SI ZACKY...AT KAPAG AALIS AKO NA HINDI KO SYA MAISASAMA AY WALANG KASIGURUHAN KUNG MULI KAMING PATATAGPUIN NG TADHANA!MASAYA AKO DITO,MAMA...KAYA PANATILIHIN NYO NA ANG PAGIGING MORTAL KO!"

Napalunok ako ng mariin habang inaantay ang kasagutan ng Mother the Queen.

"GAMITIN MO ANG IYONG POWER ANAK!NASAAN NA BA ANG IYONG KATALINUHAN PAGDATING SA BABAE NA LABIS MONG MINAMAHAL?"

Kinabahan ako sa inilahad ng Mother the Queen.Pero bago pa ako nakakilos ay namalayan ko nalang ang aking sarili na hinigop ng umiikot na usok.Napapikit ako nang biglang inilipad sa ere ang aking katawan.

Naramdaman ko nalang ang matitigas na braso ni Prince Zeneyd na nakapulupot sa aking katawan sabay sabing-

"I'm sorry Zacky..patawarin mo ako!"

*

*

*

Ganoon lang kabilis ang mga pangyayari...parang kanina lang pakiramdam ko ay nasa loob pa ako ng Green Rose Mansion pero sa isang iglap,heto ako ngayon nakasuot na ng kumikinang at magarang gown na syang tanging isinusuot ng mga prinsesa dito sa Fantasyland.

Huminga ako ng malalim habang blangkong nakatingin sa kumikislap na pader ng kwarto namin ni Prince Zeneyd.

Oo,kwarto namin ni Prince Zeneyd...dahil matapos kaming higupin ng umiikot na usok na yun..na syang tanging paraan para makabalik kami sa Fantasyland ay nadatnan nalang namin ni Prince Zeneyd na nakahanda na pala ang maalab na pagsalubong sa pagbabalik ng Prinsepe.

At hindi lamang simpleng pagdiriwang ang naganap sa araw na yun...kundi noon mismo iginanap ang pag-iisang dibdib namin ni Prince Zeneyd.

Halos hindi ako makapaniwala sa bilis ng mga pangyayari.Ganoon lang siguro kapag magic ang pinapairal...dahil pati puso at isip ng tao ay kaya nilang kontrolin.

Pero,kung iniisip nila ay kaya nilang kontrolin ang lahat...pwes nagkakamali sila!

Oo,nakaya nga nilang kontrolin ang aking puso't-isipan pero ang ang aking pakiramdam ay hindi!

Sa kabila ng lahat...nakakaramdam parin ako ng kalungkutan,dahil sa totoo lang?hindi parin matatawaran kung gaano ako kasabik na makita at makasamang muli sina Inay at Itay.

Hindi nawawala sa aking isipan ang pag-aalala.

Kamusta na kaya sila?

Masyado kaya silang nalungkot dahil sa biglaan kong pagkawala?

Mapapatawad kaya nila ako dahil nagpakasal ako without their consent?

Napapikit ako at muling huminga ng malalim.

Inay,Itay...patawad...

Napasinghap ako nang maramdaman ko ang pagdantay ng mainit na katawan ni Prince Zeneyd mula sa aking likuran.

Marahan nyang ipinulupot ang kanyang mga braso sa aking baywang at ipinatong ang baba sa ibabaw ng aking balikat.

"Hindi ko gusto kapag nakikita kang ganito...i want you to be happy,Zacky..."

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata bago ko ibinuka ang aking bibig para magsalita.

"Naiisip ko lang ang aking mga magulang-"

"Mmm...gusto mo silang makita?"

Kaagad akong napaharap sa kanya at-

"May paraan ba para makita ko sila at makausap,Prince Zeneyd?"

Inilapit nya ang kanyang mukha para kintalan ako ng halik sa aking noo.

"May paraan para makita mo sila,pero hindi mo sila makakausap...Zacky,I'm sorry kung naging selfish ako-"

He cupped my face bago sya nagpatuloy sa pagsasalita.

"Maipapangako mo ba na mapapatawad mo ako sa aking ginawa?mahal na mahal kita Zacky at ayokong mawala ka o kahit mawalay ka mula sa aking piling."

Napalunok ako habang walang kurap na nakipagtitigan sa kanya.

"Gusto kong makita ang aking mga magulang...sana nasa maayos silang kalagayan."

Nagtaka pa ako nang mapansin ang kakaibang ngiti na sumilay mula sa kanyang labi.

Dumistansya sya ng kaunti mula sa pagkakayakap sa akin at magkasama naming hinarap ang kumikinang na pader.

Nagtataka man ay pinili kong tumahimik nalang at hintayin kung ano ang susunod na gagawin ni Prince Zeneyd.

☆☆☆

PRINCE ZENEYD AND HIS WORLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon